You are on page 1of 12

KAKAYAHANG

PRAGMATIKO
BERBAL NA KOMUNIKASYON
 Gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat.
 Nagagawa ang pasalita sa pamamamagitan ng pakikipagusap
sa kaanak, kaibigan, pakikipagtalakayan sa klase at seminar.
BERBAL NA KOMUNIKASYON
 Nagagawa ang pasulat sa pamamagitan ng mga sulatin sa
klase, paglikha ng blogspot, pagbuo ng manifesto at bukas na
liham.
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
 Ayon sa mga pag-aaral, lubhang
napakalaki ng elementong di-berbal sa
pakikipag-usap sa mga taong
nakapaloob sa sariling kultura
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
IBA’T-IBANG ANYO
 Kinesika (Kinesics)-tumutukoy sa kilos o galaw
ng katawan.Bahagi nito ang ekspresyon ng
mukha’galaw ng mata,kumpas ng mga kamay, at
tindig ng katawan.

 Proksemika (Proxemics)- tumutukoy sa oras at


distansya sa pakikipag-usap.
IBA’T-IBANG ANYO
Pandama o Paghawak (Haptics)- Itinuturing na isa sa
pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Halimbawa: Pagtapik sa balikat at pagyakap sa kausap.

 Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at


bilis ng pagsasalita.
IBA’T-IBANG ANYO
 Katahimikan o Kawalang-Kibo- lubhang makahulugan
na karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan
ang sasabihin, o kaya ay maparating ang tampo o sama
ng loob.

 Kapaligiran- tumutukoy sa pinagdarausan ng


pakikipagusap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang
intension ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais
makipag-usap.
ANG KAGAWIANG PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang
pagkilala sa kagawiang pang komunikasyon ng mga
tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan.Sa
pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng
wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring
maging lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang
pagkilala at paggalang sa kausap.
ANG KAGAWIANG PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Ayon kay Maggay (2002), high context ang kulturang Pilipino.

• Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at


pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.

•Ito ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng


di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan
sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na
pagbasa ng mga himaton; o ng mga palatandaang kaakibat
nito.
MGA SALITANG KAUGNAY NG
PAHIWATIG (MANGGAY 2002)
1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy
a. Pahaging
b. Padaplis

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi


ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan:
a. Parinig
b. Pasaring
MGA SALITANG KAUGNAY NG
PAHIWATIG (MANGGAY 2002)
3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa
pamamagitan ng pandama:
a. Paramdam
b. Papansin

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa


nakarinig ay
napatatamaan siya:
a. Sagasaan
b. Paandaran

You might also like