You are on page 1of 17

PRAGMATIKS

GINAWA NINA: NICOLE BRAVO


MICHAELA ALMEDA
SHARMAINE AUSTRIA
ANO ANG PRAGMATIKS?
Ang Pragmatiks ay isang sangay ng
lingguwista na inilalarawan bilang
pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwista
at gumagamit nito.
AYON KAY YULE, 1996:
• “Binibigayang-pansin dito ang gamit ng wika
sa mga kontekstong panlipunan gayundin
kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika.”

• Nakatuon ang larangan sa Pragmatiks sa


komunikatibong aksyon sa loob ng
kontekstong sosyokultural. Sa madaling
salita, binibigyang pansin ang kaangkupan ng
gamit ng wika sa isang partikular na
sitwasyon.
Para kay Fraser 2010:
• “Nakapaloob sa kakayahang ito ang pagpaparating
ng mensaheng ninanais--- kasama ang lahat ng iba
pang kahulugan-
sa anumang konstektong sosyo-kultural.”

• Abilidad niyang mabiyang kahulugan ang mga


mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa
komunikasyong sitwasyon
Ayon kay Chomsky, 2010:

• “Ang kakayahang ito ay


tumutukoy sa kaalaman kung
paano naiuugnay ang wika sa
sitwasyon na pinaggagamitan
nito.”

• Sang-ayon naman kina Badayos


at mga kasama 2010:
Ang Pragmatiks ay kinapapalooban ng tatlong pangkahalatang
kakayahan sa komunikasyon:

1. Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati,


pagbibigay impormasyon, pagnanais, paghiling, at pagbibigay
pangako.

2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa


pangangailangan o inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon.

3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong


dulog gaya ng pagkukuwento, pagbibigay ng ulat, at iba pa.
KAKAYAHANG PRAGMATIKO
BERBAL NA KOMUNIKASYON
• Gumagamit ng salita sa anyong pagsasalita o pagsulat.

• Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa paraang pagsasalita.

• Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang


nagrerepresenta sa mga kaisipan.

HALIMBAWA:
“Gising na! Tanghali na! Baka mahuli ka sa klase, aalis na ako, mag-ingat,
umuwi ka agad.”
Berbal na Komunikasyon
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
• Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipag talastasan na ang daluyan o
channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog hindi lahat lamang ng
sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na
inaangkop sa mensahe.

• Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa


pakikipag-usap sa mga taong nakapaloob sa sariling kultura.

HALIMBAWA:
Kumpas ng kamay galaw ng braso, taas ng kilay, iba-iba uri ng pagtingin
at pagtitig at iba pa
• Pandama o Paghawak (Haptics)
-itinuturing na isa sa pinakaunang anyo ng
komunikasyon.

HALIMBAWA:

Pagtapik sa balikat at pagyakap sa kausap.

• Paralanguage
-tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis
ng pagsasalita.
• Katahimikan o Kawalang-kibo
-lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang
mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o kaya ay
maparating ang tampo o sama ng loob.

• Kapaligiran
-tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng
kaayusan nito. Mahihinuha ang intension ng kausap batay
sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
Di-Berbal na Komunikasyon
ANG KAGAWIANG PANG
KOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO
• Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pag
kilala sa kagawiang pang komunikasyon ng mga
tagapag salita ng wikang pinag-aaralan. Sa
pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-
aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay
maaaring maging lubhang tuwiran o
napapalooban ng tamang pagkilala at pagagalang
sa kausap.
• Ayon kay Maggay (2002), high context ang
kulturang Pilipino.

• Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap


at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.

• Ito ay isang katutubong pamamaraan ng


pagpapahayag ng di-tuwirang ipinapaabot ngunit
nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng
matalas na pakiramdam at matunog na pagbasa
ng mga himaton; o ng mga palatandaang kaakibat
nito.
Mga Salitang Kaugnay ng Pahiwatig
(Maggay 2002)
1. MGA SALITANG DI-TUWIRANG PAGTUKOY

a. Pahaging
b. Padaplis

2. MGA SALITANG ANG PINATATAMAAN NG MENSAHE


AY HINDI ANG KAUSAP KUNDI ANG MGA TAON
NASA PALIGID AT NAKAKARINIG NG USAPAN

a. Parinig
b. Pasaring
3. MGA SALITANG KUMUKUHA NG ATENSIYON SA
PAMAMAGITAN NG PANDAMA

a. Paramdam
b. Papansin

4. MGA SALITANG NAGTATAGLAY NG KAHULUGAN NA

ANG DATING SA NAKARINIG AY NAPATATAMAAN


SIYA

a. Sagasaan
b. Paandaran

You might also like