You are on page 1of 12

URI NG

KUMUNIKASYON
PANGKAT ISA
BERBAL NA KUMUNIKASYON

ANO NGA BA ANG BERBAL NA KUMUNIKASYON?


-Ang berbal na kumunikasyon ay isang pormal o intelektuwalisadong pamamaraang sumasa-
ilalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalaman na nais
iparating gamit pasalita o pasulat.
-Ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog sa pamamagitan ng pasalita. Ito rin ay tumutukoy
sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga
kaisipan.
-Ito ay tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa
mga kaisipan
-Ang berbal din ay nagagawa ng paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak,
kaibigan at kakilala,pakikipagtalakayan sa kaklasi at guro,at paglahok sa mga usapan sa
kumprensiya at seminar.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN NG
MGA SIMBOLONG BERBAL
Referent- mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita na matutukoy ayon sa
kaugnayan nito sa ibang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng
isang bagay sa isa pang bagay.
Komong referens- tumutukoy sa parehong kahulugang binigay ng mga tao.
Kontekstong Berbal- ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito
sa ibang salita.
Paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterrance (Paralanguage) - maari ring magbigay ng
konotatibo.
MGA URI NG BERBAL NA KUMUNIKASYON

• Denotatibo- tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita.


• Konotatibo- ito naman ay maaring magtataglay ng pangunahing pahiwatig mg emosyon o
pansaluobin. Ito rin ang proseso ng pagpapahiwatig ng karagdagan o kahulugang literal.
MGA HALIMBAWA NG BERBAL NA
KUMUNIKASYON
• Gising na!
• Tanghali na ba?
• Aalis na ako.
• May pasok ba tayo ngayong araw?
• Ayoko na sayo.
• Di mo na ba ako mahal?
• Mahal kita.
DI-BERBAL NA KUMUNIKASYON.

ANO NGA BA ANG DI-BERBAL NA KUMUNIKASYON?


-Hindi gumagamit ng wika ang ganitong uri ng kumunikasyon. Kilos at galaw ng katawan ang ginagamit
sa pakikipagtalastasan.
-Ang berbal na kumunikasyon ay isang karaniwan at lahat ng uri o pamaraan na ginagamit upang
maipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng pasalita o titik,
-Tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sapamamagitan ng kilos at galaw ng katawan.
- Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag usap sa mga taong
napapaloob sa sariling kultura.
-Ito ay pag pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi
kasama ang kilos ng katawan at tinig na inaangkop sa mensahe.
Sa katunayan,tinatayong 70 porsiyento ng isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na
elemento.
MGA URI NG DI-BERBAL NA KUMUNIKASYON

• Galaw ng katawan (Kinesics) • Pandama (haptics)


• Eksprisyon ng Mukha • Paralanguage
• Galaw ng Mata • Katahimikan
• Kumpas • Kapaligiran
• Tindig o Postura • Simbolo (Iconics)
• Proksemika/espasyo (Proxemics) • Kulay (Colorics)
• Oras (Chronemics) • Bagay (Objectics)
MGA URI NG DI-BERBAL NA KUMUNIKASYON

Kinesiks- tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may kahulugan ang bawat galaw.
Ekspresyon ng Mukha- nagpapakita ng emosyon
Galaw ng Mata- nagpapakita ng katapatan isang tao.
Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay , maari itong regulatibo, deksriptibo o emperatibo.
Tindig o Postura- ito ay nagpapakita kung anong klaseng tao ang nakikipag-usap saiyo.
Proksemika- tumutukoy sa kumunikasyon gamit ang distansya.
Kronemika- Oras
Haptiks (Pandama o Paghawak)- ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng
kumunikasyon.{sense of Touch}
Paralanguage- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita tulad ng buntong hininga, ungol at paghinto.
• Katahimikan / Hindi Pag-imik – may mahalagang tungkulin ding
ginagampanan ang dipag-imik/katahimikan pagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag
organisa ng kaniyang sasabihin. Sandata rin ang katahimikan tugon
sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin.
• Kapaligiran- ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang
pulong, kumprensya o seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng
kapaligiran Pormal / Di-Porman na kaayusan ng lugar.
• Simbolo (Iconics)- mga simbolo sa paligid na may malinaw na
mensahe. Halibawa nalang sa palikuran, bawal manigarilyo.
• Kulay (Colorics)- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentsayon.
Halimbawa: kulay asul at pula sa bandila ng pilipinas.
• Bagay(Obejectics)- tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa
pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga elektronikong
ekwipment.
MGA HALIMBAWA NG DI-BERBAL NA
KUMUNIKASYON.
• Kumpas ng kamay o tinatawag na ( sign language )
• Galaw ng braso
• Taas ng kilay
• Tango ng noo
• Mga iba’t ibang uri ng pagtitig o pagtingin.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!
• Magandang umaga!
MGA MIYEMBRO NG PANGKAT ISA

1. Jessa Mae V. Signar 1. Kate Caderao


2. Cristine Lamio 2. Jolie Ann Cahepre
3. Myron Marcial 3. Princess Mag-aso
4. Princess Izshe Ageas 4. Finlay Erdy Pag-ong
5. Nicole Sophia Oncines 5. Relyn Joy Orsales
6. Leona Nicholette Orciga
7. Harry Kyle Santiago

You might also like