You are on page 1of 21

Kahulugan, Komponent ng Komunikasyon,

Proseso ng Komunikasyon
 Isang sining at paraan ng paghahatid o
paglilipat ng informasyon, ideya at kaalaman
ng isang tao sa kanyang kapwa.
 Isang paraan ng paghahatid at pagtatanggap
ng lahat ng uri ng mensahe na
kinasasangkutan ng magkakambal na
proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-
unawa. (Lorenzo, et.al., 1994)
 Isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at
nagbabago. Ito ay nangangahulugan na ang
komunikasyon ay walang tiyak na simula at
katapusan sapagkat ang nagaganap na
komunikasyon sa isang partikular na sandali
ay maaaring magbago at maapektuhan ng
interaksyong nagaganap sa bawat elemento
gaya ng pinagmumulan at tumatanggap ng
mensahe, mensahe at kasangkapan sa
paghahatid ng mensahe. (Dance sa
Agravante, 1989)
 Isang mabisang paraan ng pakikipag-
ugnayan at pakikipag-unawaan. (Webster)

PAKIKIPAGTALASTASAN
talastas – batid/alam
1. Konteksto. Tumutukoy sa mga kalagayan
kung saan nagaganap ang komunikasyon.
2. Kontekstong Pisikal. Tumutukoy ito sa
kondisyong pangkaligiran na gaya ng
temperatura, liwanag, lebel ng ingay, oras,
distansya ng nag-uusap at ang posisyon
ng kanilang pagkakatayo o pagkakaupo.
3. Kontekstong Sosyal. Tumutukoy ito sa uri ng
relasyong namamagitan sa mga kalahok sa
komunikasyon.
c. Kontekstong Historikal. Nagpapakita ito ng
kaugnayan ng magkakasunod na episodo ng
komunikasyon sa usapan ng mga kalahok.
Maaaring magkaroon ng tuwiran o di-tuwirang
impluwensya ang naunang usapan sa mga
susunod na usapan.
d. Kontekstong Sikolohikal. Tumutukoy ito sa
kalagayang emosyonal at damdaming nasasaloob
ng mga taong kalahok sa komunikasyon.
e. Kontekstong Kultural. Tumutukoy ito sa
paniniwala, buhay na kinalakhan, kagawian,
pagpapahalaga at mga huwarang pinanaligan ng
isang pangkat ng tao.
2. Partisipants. Ito ang mga taong kalahok sa
komunikasyon at umaaktong tagahatid at
tagatanggap ng informasyon.
3. Mensahe. Tumutukoy ito sa pinag-uusapan at
ideyang isinalin sa pamamagitan ng paglalapat
ng wika at galaw.
4. Tsanel/Midyum. Ito ay ang rutang dinaraanan
ng mensahe. Karaniwang ginagamit na daluyan
ng paghahatid ng mensahe ang paraang pasalita
at pasulat.
5. Fidbak. Ito ang tugon ng tagatanggap sa
mensaheng inihatid ng nagpasimula ng
komunikasyon.
Ilang Indibidwal na Nagbigay ng kanilang Teorya
sa Komunikasyon

1. Gottfield Leibniz/1600 na nagkaroon ng isang


universal langguage, minodelo sa matematika na
siyang kakatawan sa lahat ng katotohanan upang
maiparating sa iba.

- Charles Pierce isang pilosopo ayon sa kanya ang


komunikasyon ay dapat na maunawaan dahil sa
mga elementong nakapaloob dito at ang epekto
nito.

 Sintaks – ang gramatikal istraktyur ng wika.


 Semantiks – ang pamatayan sa pagbibigay ng
mga kahulugan.
 Pragmatiks - Ito ang nakikitang epekto sa mga
kasangkot sa komunikasyon.
 Ferdinand de Saussure/19200 kapansin – pansin
ang kanyang gawa. Na nagbibigay ng higit na
pansin sa tanong kung paano nga ba nag–o–
opereyt ang wika, at ang mga elementong berbal
o simbolo ng isang wika na nasa pagitan ng
mga tunog at ng mga abstraktong kaisipan. Ang
mga katangian ng mga simbolo ay pabago-bago
ngunit ipinakita pa rin na ang higit na mahalaga
sa wika ay ang istraktyur at ang relasyon nito sa
pagitan ng mga simbolo.
3. Stephen Wolfran ayon sa kanya hindi ganon
kadali mag-aral at matuto ng”sign langguage”.
Hindi ito basta pagkumpas lamang ng kamay.
Maaring makaapekto na mapabago at mapalabo sa
ideya na gusto.
Tandaan:
Ang mga teorya sa mga gramatikal istraktyur o
istandard na kahulugan ay hindi aplikabol sa “Sign
Langguage”.

Mga uri ng Komunikasyon


1. Intrapersonal – kapag kinakusap natin ang ating
sarili upang madebelop ang ating ideya at iniisip.
2. Interpersonal – Ay nagaganap sa pagitan ng
dalawa o mahigit pang pangakat.
3. Multikultural – Nakasentro ito sa pag-aaral
ng diversidad at kultura na nakakaimpluwensya
sa komunikasyon. Gayon din sa mga isyung
pangkomunikasyon na may relasyon sa iba’t
ibang kultura, etniciti, lahi, kasarian, relihiyon,
edad, sosyal klas at disabiliti.
Tanong?
Ano ang implikasyon ng mga isyung ito sa
lipunan upang makagawa ng desisyon at
makilala o ma-reinforce ang valyu ng awdyens?
May konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa
isang multikultural na komunikasyon-
Ang globalisasyon, kultural na adapsyon,
lokalisasyon, marketing riserts sa (bisnes) at iba
pang bagay na kailangang tingnan (gamit, pagpili
at kahulugan ng salita, idioms,jargon, balbal na
gagamitin, grapiks at icon na isasama: hal.
Komersyal, balita, propaganda, report/ulat o
anumang komunikasyon.
Tandaan:
Kapag maingat na nagamit ang komunikasyon sa
iba’t ibang kultura, ang tagumpay ng
komunikasyon ay inaasahang mangyayari. Maging
sa pagpili pa lang ng ngalang ibibigay sa produkto
o serbisyo ay maaari nang magkaroon ng
gulo.Maaaring ang isang salita piniling gamitin ay
may iba o masamang kahulugan sa ibang kultura.
4. Pangmadla- Ang paghahatid ng mensahe sa
mas malawak na awdyens sa lalong madaling
pamamaraan at panahon na gumagamit ng
mass media-telebisyon, radyo,
magasin,laimbagagan,recording,pelikula,
adbertaysing, “public relation”, at iba pang
teknolohiya.
Pag-unlad ng Komunikasyon
(Milestone)
a. Pagsulat ideographic o silabiko
hal. 3,300 B.C Naimbento ng mga
Sumerians ang pagsulat
b. Sulat Alpabeto
hal. 1600 B.C. Unang sulat-alpabeto, North
Semitic, lumitaw a Palestine
c. Pag-imprenta
600 A.D. Napahusay ng mga Chinese
engravers ang sining ng wood-block printing
d. Maylstone Potograpi
1553 Inilarawan ni Giovani Batista della
Porta ang camera obscura sa isang aklat
e. Telegrapo (Electric telegraph)
1832 Nalaman ni Samuel F.B. ang ideya ni
Ampere tungkol sa electric communication
f. Telepono
1896 Naimbento ni Alexander Graham Bell
ang telepono
g. Ponograpo, Teyp Recorder ( Phonograph
Tape Recorder)
1877 Naimbento ni Thomas Edison ang
photograph
h. Pelikula, Vidyo Recorder ( Motion Picture,
Video Recorders)
1824 Iminungkahi ni Peter Mark Roger ang
theory of persistent Vision
i. Radyo
1873 Sumulat ng salaysay si James Mark
Maxwell hinggil sa electromagnetic waves
j. Telebesyon
1861 Napansin ni Joseph na may
nakaapekto ang liwanag ng araw sa
electrical resistence ng selenium
k. Kalkyuleytor at Kompyuter
1617 Ipinakita ni John Napier kung paano
mag-multiply at magdivide sa pamamagitan
ng paggamit ng rods o buto
Uri ng Komunikasyon

 Komunikasyong Berbal – Ginagamitan ito ng


wika, pasulat man o pasalita na siyang
kumakatawan sa mga ideya at saloobin ng
isang tao.
 Komunikasyong di-berbal- Pangunahing
gamit ay senyas,,ekspresyon, ekspresyon ng
mukha, simbolo at iba pa.

Tipo ng Komunikasyon
1. Intrapersonal- Pansarili
2. Interpersonal- Nagaganap sa dalawang tao
3. Maliit na grupo- Nagaganap sa tatlo
hanggang sampung katao.
4. Isang Organisasyon- Nagaganap sa network
ng mga tao at grupo na hinat-hati sa maliliit na
grupo na may iba’t ibang tungkulin.
5. Pampubliko- Nagaganap sa pagitan ng
sampu o mahigit pang bilang ng mga tao na
nag-uusap ng personal.
6. Pangmidya- Gumagamit ng kagamitang
pangmidya.
7. Interkultural- Nagaganap sa pagitan ng mga
miebro ng iba’t ibang kultura.
Antas ng Komunikasyon

Ang proseso ng komunikasyon ay nagaganap


sa pamamagitan ng iba’t ibang antas.
1. Phatic- Panggamit ng mabuting
kinaugaliang mga mensahe upang
magkaroonng mabuting ugnayan.
- Inaasahan natin na magaganap ang
komunikasyon ito sa simula at katapusan
ng bawat pag-uusap.
hal. Kumusta ka?
Mabuti naman, ikaw kumusta?
Walang anuman
2. Faktwal- Gumagamit ng pangyayari,
nagmamasid, nagbabahagi ng kaalaman sa
pamamagitan chit chat o pakikipag-usap sa
maliit na grupo. Kasama dito ang pag-uulat sa
nabasang textbuk.
hal.
Nagpapakadalubhasa ako sa Filipino
Ano ang ginawa natin sa klase noong lunes
3. Pagtataya- Paglalahad ng mga opinyon,
ideya at paghuhusga sa ibang tao.
hal.
Sa aking palagay ay napakaganda ng pelikula,
Lalong –lalo na ang hindi inaasahang
pangwakas.
4. Gut-Level- Kinapapalooban ng pagbabahagi
ng ating mga emosyon at nararamdaman sa
ibang tao.
hal.
Nabigo ako sayo!
Tinawagan niya ako! Sabik na sabik na akong
makita siyang muli!
5. Peak (communal)- level comunication –
Pagtatagpong dalawang tao sa hindi
pangkaraniwang paraan.
hal.
Mahal kita, Mahal din kita
PARADYM – Ito ay nanggagaling sa salitang
latin na “paradigma”Sa wikang Griyego naman
ay “paradeigma” na nagmula sa mga salitang
“paradeiknunai” na nangangahulugan “to
compare”.
Tinatawag din itong modelo at mabisang
ilustrasyon sa pagpapakita ng daloy ng
komunikasyon.

You might also like