You are on page 1of 20

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT


NA KOMPOSISYON
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Komposisyon
 Ito rin ang itinuturing na pinakapayak na
paraan ng pagsulat ng mga natatanging
karanasan, pagbibigay interpretasyon sa
mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa
mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Uri ng Komposisyon
 Informativ
 Argumentativ
 Persweysiv
 Narativ
 Deskriptiv
 Prosijural
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Informativ
 Naglalahad ng mga makatotohanang
impormasyon.

Halimbawa:
 Kasaysayan
 Balita
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Argumentativ
 Naglalahad ng mga proposisyon na
nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.

Halimbawa:
 Editoryal
 Kolum
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Persweysiv
 Tekstong nangungumbinse o
nanghihikayat.

Halimbawa:
 Propaganda sa Eleksyon
 Patalastas
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Narativ
 Naglalahad ng magkakasunod-sunod
na pangyayari, o simpleng
nagsasalayasay.

Halimbawa:
 Maikling Kuwento
 Nobela
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Deskriptiv
 Naglalahad ng mga katangian ng ng
isang tao , bagay, lugar, pangyayari at
iba pa.

Halimbawa:
 Lathalain
 Akdang Pampanitikan
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Prosijural
 Naglalahad ng wastong pagkakasuno-
sunod ng hakbang sa paggawa ng
isang bagay.

Halimbawa:
 Cookbook
 Manwal
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Talata
 Ito ay binubuo ng isang pangungusap
o lupon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng buong
kurokuro, palagay o paksang diwa.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Panimulang Talata
 Ito ang una at kung
minsan ay hanggang sa
ikalawang talata ng
komposisyon.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Talatang Ganap
 Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang
bahagi ng komposisyon. Tungkulin
nitong idebelop ang pangunahing paksa
ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano
ang paliwanag, ang isasalaysay, ang
inilalarawan o bibigyang katwiran.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Talata ng Paglilipat-
 Importante ito upang magkaroon ng ugnayan
diwa
at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng
komposisyon. Ginagamit ang talatang ito
upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang
magkasunod na talata. Sinasalungat ba ng
talatang sinundan o dinaragdagan nito ang
isipan niyon? Ipinahihiwatig din nito ang
debelopment ng paksang tinatalakay.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Talatang Pabuod
 Kadalasan ito ang pangwakas na talata o
mga talata ng komposisyon. Inilalagay
rito ang mahalagang kaisipan o pahayag
na tinatalakay sa gitna ng komposisyon.
Maaarin ring gamitin ang talatang ito
upang bigyan ng higit na linaw ang
layunin ng awtor ng isang komposisyon.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Katangian ng Mabuting
Komposisyon
 Kaisahan
 Kohirens
 Kawastuhan
 Kaayusan
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Kaisahan
 Tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa
kabuuan ng isang komposisyon.
 Buhat sa isang limitadong paksa, maaaring bumuo ng isang
paksang pangungusap na maaaring matagpuan sa alin mang
bahagi ng talaan.
 Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng pangungusap,
kailangang magkaroon din ng kaisahan sa ideya, layunin at
tono upang mapag-ugnay ang mga kaisipan nang malinaw at
maayos.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Kohirens
 Tumutukoy sa pagkakahanay-hanay ng mga
ideya o pangyayaring tinatalakay.
 Pagkakaroon ng tuluy-tuloy na daloy ng diwa
ng isang komposisyon.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Kawastuhan
 Tumutukoy sa wastong paraan ng paglilipat-
diwa. Magagawa ito sa pamamagitan ng:

 Pagdaragdag (at, saka, gayundin)


 Pagsalungat (ngunit, subalit, datapwat, bagaman, sa kabilang dako…)
 Paghahambing (katulad ng, kawangis, animo’y, anaki’y)
 Pagkokonklud (samakatuwid, sa kabuuan, kung gayon)
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

 Kaayusan
 Bagama’t walang tiyak na panuntunang sinusunod
ukol sa pag-aayos ng talataan, mabuting ayusin ang
mga pangungusap sa talata.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Sanggunian:

 Austero, C. et.al. Retorika: Masining na Pagpapahayag. Sta.

Mesa, Manila: Rajah Publishing House. 2015.

 Carpio P. S. at Castillo MJ. A. Retorika at Masining na

Pagpapahayag. JimCryzville Publications. Malabon City. 2012

You might also like