You are on page 1of 4

YUNIT I KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

 KONTEKSTWALISADO - Ito ay paglikha at pagpapalitan ng mensahe at kahulugan. Ito


ang wikang pambansa at wikang opisyal ng Pilipinas.
 KOMUNIKASYON - Ito ay paglikha at pagpapalitan ng mensahe at kahulugan.
 FILIPINO - Ito ang wikang pambansa at wikang opisyal ng Pilipinas.
 Ang wikang pambansa ay wikang nag-uugnay sa iba’t ibang pangkat ng mga tao at ito
rin ang wika ng pananaliksik para sa pagyabong ng karunungan at karanasan ng mga
mamamayang gumagamit nito.
 Artikulo XIV: Seksyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.
 Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal na pumili ng isang
katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista
at Kontra- Kolonyalista
 Ang paglapastangan sa wikang Filipino at pagpapalakas sa wikang Ingles sa
pamamagitan ng Executive Order No. 210 na may pamagat na Establishing the
Policy to Strengthen the use of English as a Second Language in the Education
System.
 CHEd Memorandum Order/CMO no. 20, series of 2013 - “General Education
Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies. ” Ito ay
inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher on
Education (CHED) sa Ingles noong Hunyo 28, 2013.
 Bakit ipinatupad ang kautusang ito ng Commission on Higher Education o CHEd? -
Pagkakaroon ng reporma sa sistema ng batayang edukasyon sa bansa
 K to 12 BASIC EDUCATION ACT OF 2013 (R.A. no. 10533 s. 2013)
 MGA NILABAG NG CHED MEMO NO. 20, SERIES OF 2013 PROBISYONG
PANGWIKA ▪ Konstitusyon ng 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6-7 PROBISYONG
KULTURAL ▪ Konstitusyon ng 1987: Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, 18 ▪ R.A. no. 736,
seksyon 15 ▪ Konstitusyon ng 1987: Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3; Artikulo II, Seksyon
17; ▪ Konstitusyon ng 1987: Artikulo XIII, Seksyon 3 ▪ Paglabag sa RA 7104
(Commission on Filipino Language Act) ▪ Paglabag sa Education Act of 1982
 Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De
La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo,
unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang , lumahok sa nasabing
konsultatibong forum. Kasama sa mga , tagapagsalita sa forum na iyon si Dr.
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining.
 Executive Order No. 335, s. 1988 Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/ Kawanihan/
Opisina/ Instrumentaliti ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon,
at korespondensiya.
 Proklamasyon blg. 1041, s. 2007 Ang buwan ng Agosto ay buwan ng Wikang Filipino.
YUNIT II PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

 Ano ang ugnayan ng pananaliksik sa komunikasyon? Sistematikong paghahanap sa


mga mahahalagang impormasyon hinggil isang tiyak na paksa o suliranin.
 ANO ANG KOMUNIKASYON? Mula sa salitang Latin na communicatio na
nangangahulugang magbahagi, o lumahok sa isang bagay.
 Dis-impormasyon ay impormasyon na hindi totoo at sadyang nilikha upang saktan ang
isang tao, grupo sa lipunan, organisasyon o bansa.
 Mis-impormasyon ay impormasyon na hindi totoo, ngunit hindi nilikha na may
intensyon na magdulot ng pinsala.
 Mal-impormsyon ay impormasyon na batay sa katotohanan, na ginagamit upang
saktan ang isang tao, organisasyon o bansa tulad ng palihim na paglalabas ng istorya,
panggugulo at speech na nagtatanim ng poot.

Paglilinaw sa Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon

 Salazar (2016) Ang pananaliksik ay isang batayang gawain hindi lamang ng akademya
at laboratoryo, kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay.
 Almario (2016) Sa pagsasaliksik, minimithi ang “pagtatamo ng karunungan” na batay sa
masusing “pagsusuri ng ebidensya”

DAPAT NA ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON (San Juan


et.al. 2019)

 Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko.


 Tukuyin ang uri ng sanggunian.
 Ang akademikong sanggunian ay pwedeng nakalimbag o online.
 Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekondarya.

MULAAN NG IMPORMASYON: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

 PRIMARYANG BATIS – mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang


nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o penomena.
 SEKONDARYANG BATIS ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa
indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik
sa isang paksa o penomenon. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga
pangyayari mula sa taong hindi (putol ditto, idk ang kasunod hehe)

PAGLUBOG SA MGA IMPORMASYON: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

 PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS


Ito ay bahagi ng disenyo ng pananaliksik kung kaya’t inaasahan na ito ay natukoy na ng
mga mananaliksik bago pumili ng batis ng impormasyon.
Kwalitatibo – panayam at pangkatang talakayan
Kwantitatibo – sarbey (talatanungan), eksperimento
 PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA AKLATAN
Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa
dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang
karunungan.
 PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA AKLATAN
Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sangunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon
ng aklatan.

PAGSUSURI NG DATOS: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon hanggang


sa Pagbuo ng mga Pahayag ng Kaalaman

 Ang pagsusuri ng mga datos ay isinasagawa pagkatapos mangalap at magbasa ng mga


katunayan at datos para sa binuong pahayag ng kaalaman.
 Mga dulog sa pag-uugnay ng mga impormasyon:
1. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley
(1979)
2. Istriktong paglalakip (strict inclusion)
3. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino o Espasyal (spatial)
4. Pagbibigay-katwiran(rationale)
5. Sanhi – bunga (cause – effect)
6. Lugar ng isang kilos (place of action)
7. Gamit (function)
8. Paraan-kinayarian (means – end)
9. Pagkakasunod – sunod (sequence)
10. Atribusyon (attribution)

YUNIT III: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

 Ang ating kulturang panloob ay may PANTAYONG PANANAW at nagtataglay ng mga


kagawian ng pagpapahayag na di-tuwiran, paligoy-ligoy o puspos ng pahiwatig.

 TSISMISAN: Istoryahan ng mga buhay-buhay ng mga kababayan

- Halaw sa salitang Espanyol na chismes. Sa ibang wika, ito’y gossip, rumor, hearsay,
scuttlebutt, at chatty talk. Pagbabaha-bahagi ng mga impormasyong ang
katotohanan ay hindi tiyak.
- Nauuri ang pinanggalingan nito sa: obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o
nakarinig imbentong pahayag
- LEGAL NA AKSYON AT MGA PATAKARAN NA KAUGNAY NG TSISMIS
DEFAMATION - Ito ay paninirang-puri na nagdudulot ng kasiraan sa reputasyon at
dignidad ng tao.
LIBEL (Article 355) Ito ay pagpapakalat ng mali o malisyosong impormasyon at
mapanirang paratang na maaaring nakasulat, nasa larawan o anumang imahe.
SLANDER (Article 358 at Article 359) Ito ay pagpapakalat ng mali o malisyosong
impormasyon at mapanirang paratang sa paraang pasalita na maaaring sa iba’t
ibang midyum
 UMPUKAN: Usapan, Katuwaan, at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan
- Ito masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang
ugnayan sa kapwa.
- Sinusubukang umugnay sa isa’t isa ng mga magkaumpukan, may pakialam sa
isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng
mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng
pamayanang kinabibilangan at kaniyang pakialam dito.
 SALAMYAAN PAG-AARAL NI PETRAS
- Talastasang bayan kung saan nabubuo at napapalaganap ang mga salaysay
mula sa loob, namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga kalahok,
at napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyong
magkakatulad anginteresathanapbuhay

You might also like