You are on page 1of 16

FILIPINO YUNIT 1

K12 – naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN integration.

o Tinangkang alisin ang ilan sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino

2011- kumalat ang plano ng gobyerno sa pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo

Tanggol Wika

o isang alyansang binubuo ng mga dalubwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika.
“Tagapagtanggol ng Wikang Filipino”
o Hunyo 21, 2014 nabuo sa isang konsultatibong forum sa DLSU- Manila
o 500 delgado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at
pangkultura.
o Abril 15, 2015 nagsampa ng kaso sa korte suprema laban sa CHED Memorandum Order
(CMO) No. 20, Series of 2013

Hunyo 21, 2013, CMO No. 20 Series of 2013

▪ Walang Filipino sa planong Kurikulum ng CHED sa ilalim ng K-12. Ayon sa Seksyon 3


nito, naging opisyal ang filipino bilang midyum ng pagtuturo, mula sa dating
pagiging mandatoring wikang pantura nito (CMO No. 59, Series of 1996)
▪ Dahil dito, noong Oktubre 3, 2012 sinimulan ng mga intruktor ng Filipino sa kolehiyo
ang pagpapalaganap ng isang petisyon (kumalap ng humigit kumulang 200 pirma
na hindi pinansin ng CHED)
Mga abogadong naghanda ng petisyon:
1. Atty. Maneeka Sarzan (Abogado ng ACT Teachers Partylist)
2. Atty. Gregorio Fabios (Abogado ng ACT Teachers Partylist)
3. Dr. David Michael San Juan
o Abril 21, 2015 Temporary Restraining Order
o 2019 Binawi ng korte suprema ang TRO

Mga nanguna sa pagsampa ng kaso laban sa CHED Memorandum Order (CMO) No.
20, Series of 2013

1. Dr. Bienvinido Lumbera- Pambansang alagad ng sining


2. ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio
3. Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap
4. Kabataan Partylist Rep, Terry Ridon
5. Mahigit 100 propesor sa iba’t ibang unibersidad

Housebill 223 – naglalayong muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mandatoring kurso o
asignatura sa kolehiyo. Patuloy itong nakahain sa korte suprema.

Posisyong Papel – Pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninindigan sa isang
napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at
iba.

Mga posisyong papel ng mga unibersidad:

▪ “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkuling ng bawat Lasalyano” (De La Salle


University Manila)
▪ “Ang paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng pamantasang Ateneo de Manila sa
Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013”
(Ateneo de Manila University)
▪ “Susi ng Kaalamang Bayan” (Unibersidad ng Pilipinas)
▪ “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas:
(Polytechnic University of the Philippines)

FILIPINO YUNIT 2 - Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay

Komunikasyon – Ginagamit sa pakikipag ugnayan, pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa


kapuwa.

pangunahing salik ng kaalaman ay galing sa:

o Tao
o Kapaligiran
o Midya

Ang klase ng midya ang wika at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng
kwento, ang mga tunog at imahen na ginawang representasyon ng realidad at iba pang
aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus may, sinasalamin at kinakatawan itong mga
diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal , kultural, at ekonomik.

binary opposition - walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang ng positibo at
negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.

Fake News - tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo.

Anim na paraan upang malaman ang fake news:

1. pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.


2. Kailngan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon.
3. kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan.
4. Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon.
5. Hiindi kasiguraduhan ang magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng
impormasyon.
6. suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.

Mass Media o pangmadlang midya - pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang


maabot ang karamihan sa pangkalahatang publiko. Ito ay inaasahan ng madla na magbigay ng
impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika, lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular.

o pinaka-karaniwang pangmadlang midya:


▪ pahayagan
▪ magasin
▪ radyo
▪ telebisyon
▪ internet

(Maxwell McComb at Donald Shaw), ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag
uusapan ng publiko
(George Gerbner), ang midya, lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalsay ng lipunan na lumilinang
sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mudoy magulo at nakakatakot

(Marshall McLuhan), binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at


naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabng
“ang midyum ay ang mensahe”

(Stuart Hall) ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan.

Pagiging mapanuri sa harapang pakikipag usap:

o Ang mga mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o tinitingala sa lipunan
ay hindi awtimatikong katotohanan.
o Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg
taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o
penominang pinaguusapan.

Mga dapat isaalang-alang sa harapang pakikipag usap:

o batis ng impormasyon
o pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
o konteksto ng impormasyon
o konteksto ng pinagkunan o pingmulang impormasyon
o gumamit ng tamang pamamaraan sa pagsuri ng impormasyon

FILIPINO YUNIT 2 - Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong
Pangkomunikasyon

Pananaliksik - maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu


gamit ang pamamaraang pang-agham.

Mga dapat isaalang alang ng isang mananaliksik bago pumili ng batis ng impormasyon sa pagbuo
ng kaalamang ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon:

1. kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik.


2. malinaw ang pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang
buong kaalaman
3. kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakarang ng sitwasyong
pangkomunikasyon

tukoy na paksa at layon:

1. paksa ng sitwasyong pang komunikasyon


▪ ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na kanyang bubuuin
2. pakay sa paglahok batay sa paksa

limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauulad ng pananaliksik ayon kay San Juan (2017):

1. “magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba.”


▪ I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
2. “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik”
▪ narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
3. “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga
mass translation projects.”
4. “bigyang prayoridad ang Filipinisasyon nang lalong maitaas ang edukasyon at ang mga
programamng gradwado.”
5. “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling
Pilipinas.”

mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik:

1. iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa


2. gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino.
3. humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok.

FILIPINO YUNIT 2 - Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

batis ng impormasyon - pinanggagalingan ng mga katunayan at datos na kailangan para


makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang
realidad.

Uri:

a. primaryang batis - mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula


sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng
isang paksa o phenomena.

Hal.:
*Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa taunang ulat, at pahayagang pang-
tao: organisasyon.
9. orihinal na dokumento kagaya ng
1. pagtatanong tanong
sertipiko ng kasal at testament;
2. pakikipagkuwentuhan
10. talumpati at pananalita; at
3. panayam o interbyu
11. larawan at iba pang biswal grapika
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi
estrukturado talakayan;
*Mula sa iba pang batis
5. umpukan
6. pagbabahay bahay 1. harapan o online na survey.

2. artifact ng bakas o labi ng dating


*Mula sa mga material na nakaimprenta sa buhay na bagay, specimen pera,
papel, na madalas ay may kopyang kagamitan, at damit;
electroniko:
3. nakarecord na audio at video,
1. awtobiyograpiya
4. mga blog sa internet na
2. talaarawan
maglalahad ng sariling karanasan o
3. sulat sa koreo at email
obserbasyon.
4. tesis at diertasyon
5. sarbey 5. website ng mga pampubliko at
6. artikulo sa journal pribadong ahensya sa internet at
7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
6. mga likhang sining tulad ng
8. mga rekord ng mga tanggapan ng
pelikula, musika, painting, at music
gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan
video
ng pulong kopya ng batas at kasunduan,
b. sekundaryang batis - pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal,
grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa O
penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong
hindi nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba.

Hal.:
1. Ilang artikulo sa dyaryo at 7. Komentaryo
magasin kagaya ng editorial
kuro kurong tudling, sulat sa 8. Sanaysay
patnugot, at tsimis o tsika 9. Sipi mula sa orihinal na hayag
2. encyclopedia sa teksto

3. Teksbuk 10. Abstrak

4. Manwal at gabay na aklat 11. Mgakagamitan sa pagtuturo


kagaya ng powerpoint
5. Diksyonaryo at Tesoro presentation at

6. Kritisismo 12. Sabi-sabi

*note:

• Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang
mismong paksa ng pananaliksik.
• Ang sekondaryang batis ay maaaring maghain ng kaugnay o alternatibong perspektiba at
kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto.
• Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga
sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman

Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon.

o timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong


pakikipag ugnayan.
o harapang ugnayan ng kapwa tao - sinasadya, tinatanong at kinakausap ng
mananaliksik ang indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong
sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito o
nakaugnay nito sa ibat-ibang dahilan.

Kalakasan Kahinaan
1. maaring makakuha ng nangangailangan ito ng mas
agarang sagot at paliwanag malaking badyet at mas malaking
mula sa tagapagbatid; oras para sa fieldwork lalo
2. makapagbigay ng angkop na na kung malalayo at magkakalayo
kasunod na tanong ( follow-up ang kinaroroonan ng mga
question) sa kaniya tagapagbatid.
3. malinaw niya agad ang sagot;
at
4. maoobserbahan ang kanyang
berbal at di-berbal na
ekspresion.
o mediadong ugnayan – maaaring makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-
tao sa pamamagitan ng ICT (Telepono, email, pribadong mensahe sa social
media)

Kalakasan Kahinaan
1. pagkakataong 1. Maaaring magkaroon
makapagbatid ang mga ng delay sa pagsagot
nasa malalayong lugar sa ng respondente at sa
anumang oras at follow-up na tanong
pagkakataon kung kalian
2. Nakadipende sa stability
nila maiisisingit ang pag
responde
ng koneksyon sa internet
2. ang makatipid sa
pamasahe at panahon
dahil hindi na kailangang
puntahan nang personal
ng manananaliksik ang
mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag
oorganisa ng mga datos
lalo na kung may
elektonikong sistema na
ginagamit ang
manananaliksik sa
pagkalap ng datos (online
survey tools, digital
transcriber, video analysis,
software, computer,
assisted qualitive data
analysis. )

Midya bilang batis ng impormasyon.

o kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para
sa binubuong pahayag ng kaalaman.
o Prayoritisasyon:
▪ primaryang batis,
▪ angkop na uri ng midya, at
▪ kredibilidad ng tukoy na midya

FILIPINO YUNIT 2 - Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at


Pagbabasa

pamamaraan ng pagkalap ng datos - bahagi ng disenyo ng saliksik kung kaya inaasahang natukoy
na ito ng mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng impormasyon.

o Kwantitatibong disenyo - palasak ang pamamaraang survey na ginagamitan ng


talatanungan at eksperimento na may pretest at post test.
o Kwalitatibong disenyo - palasak ang panayam at pangkatang talakayan.

Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon

o kailangan munang malikom ang bago ang pagbabasa at pagsusuri


▪ Sarbey
▪ Eksperimento
▪ sosyomatrikong analisis
o pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na mga gawain

Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao

1. Eksperimento
▪ kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik
▪ sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon.
2. Interbyu
▪ interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang tagapagtanong, at tagapoakinig,
at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (baxter &
babbie 2004)
▪ gumagamit ang mananaliksik ng gabay na tanong, na ang pgkakasuynod ay
mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tagapagbatid.
a) semi-estrukturadong interbyu - mayroon gabay na mga tanong ang
mananaliksik, subalit maaring baguhin ang pagkakaayos nito
depende sa takbo ng interbyu at maaari din dagdagan kung
mayroon followup na tanong.
b) di estrukturadong interbyu - hindi kahingian ang mga gabay na
tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan, subalit
makabubuti na kahit paano’y laging tinatandaan ang layon at paksa
na sinisiyasat habang nagiinterbyu .
3. Focus group Discussion - semi estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy
na kadalasa’y ginagampanan ng manananaliksik, at anim hanggang sampung kalahok.
Kalakasan Kahinaan
1. naitatama,napapasubalian, o 1. may dimonante sa grupo
nabeberipika ng mga kalahok ang
impormasyong ibinabahagi; 2. may nag aagam –agam na
sumalungat sa kasama o itama
2. may naiisip, nababanggit, at ang impormasyong ibinibigay
napagtatanto ang mga kalahok ng iba;
kapag silay magkakasamang nag
uusap ( na maaaring di lumabas 3. may lihim o hayag na hidwaan
sa indibidwal na interbyu); at ang mga kalahok; at

3. maraming aspekto at anggulo 4. may ayaw magbahagi ng


ng isang paksa ang lumalabas at saloobin dahil nahihiyang
napapag usapa sa isang magkamali, mapuna, o matsismis.
pagtitipon. Sa mga ganitong pagkakataon,
kailangang magaling at
maparaan ang tagapagpadaloyt
upang maging organisado,
mahinahon, masigla, at kawili-wili
ang talakayan.

4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa - eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng


pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraan
ng pagkuha ng datos kagay ng “pagmamasid, pagtatanong tanong, pagsubok,
pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot( Tores. 1982, p. 171)
5. Pagtatanong-tanong - mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:

2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa
paksang sinisiyasat;

3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at

4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid (
Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang
nagtatanong at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may
mga dapat isa alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag
siyasat, pook nbg pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales,
1982)

6. Pakikipag kwentuhan - di-estrukturadong at impormal na usapan ng mananaliksik at mga


tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananliksik ay walang
ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang daloy sa isang direksyon.

7. Pagdalaw-dalaw – pagpunta - punta at pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid


upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng iat isa, mas maluwag
na sa kalooban ng tagapagbatid na ilbas sa usapan “ang mga nais niyang sabihin”
bagamat maaring may ilan pang pagpilpigil.

8. Pakikipanuluyan - nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang mga


aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat
ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang
matagalan at masaklaw na pamamaraan. Ito ay “isa sa pinakamabisang pamamaraan
upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).

9. Pagbabahay bahay - etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng


hitik, kompleks, at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.

10. Pagmamasid - oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran.

apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958):

▪ complete observer (ganap na tagamasid ),


▪ complete participant (ganap na kalahok),
▪ observer as participant (tagamasid bilang kalahok),
▪ participant observer (kalahok bilang taga masid)

Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao.

1. Talatanungan at gabay na katanungan

2. Pagsusulit o eksaminasyon

3. Talaan sa fieldwork

4. Rekorder

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan.


1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa isang
pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na pinaiiral sa
aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng
mga pasilidad.
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito ang
madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan.
(Hinampas, 2016, pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at ilan
pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabsa kung maraming
sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sangunian bago pa
man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan.
7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng subkripsiyon sa
journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa Internet.

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal.

bigyang prayoridad ang online news sites na:


1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong
may iba’t ibang panig;
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata; at
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o
institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

FILIPINO YUNIT 2 - Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang
sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon

1. Maaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon

2. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley (1979)


o Istriktong paglalakip (strict inclusion) o Gamit (function)
o Espasyal (spatial) o Paraan – kinayarian (means – end)
o Pagbibigay-katuwiran (rationale) o Pagkakasunod – sunod (sequence)
o Sanhi – bunga/kinalabasan (cause– effect) o Atribusyon (attribution)
o Lugar ng isang kilos (place of action)
3. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik.

Pagbubuod ng Impormasyon.
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga
suisng salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. (Constantino et al., 2016)

2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.

3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong pamamaraan


ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan ng huling
sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.

4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.
(Jimenez, 1982, p.27)
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman.

1. Pumili ng mga angkop na salita nasumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang


pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong komunikasyon, at
makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.

2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon

3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng


kalituhan

4. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.

5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw:

o una(ako, ko akin, tayo, natin, kami );


o pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo,);
o at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila, kanila,). (Mas pormal at neutral)

6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid


(Creswell 2014 p. 99-100).

7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at


palakasin ang mga punto, argument, o pahayag.

8. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa journal


article).

o modern languages association (MLA)


o American psychological association (APA), at
o Chicago manual of styles (CMS).

FILIPINO YUNIT 3 - TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan

Tsimisan - isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. mula sa salitang


Espanol na “chimes” na uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari na bago pa man
dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016)

Uri ng tsismis:

1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;


2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa;
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.

Positibong Pananaw sa Tsismis Negatibong Pananaw sa Tsismis


- nakapagbibigay sa mga - isang hamon sa pag-alam o
magkakausap ng sikolohikal na paglalantad sa katotohanan
koneksiyon at kultural na ugnayan - karaniwang ginagamit para
sa lipunang ginagalawan makasakit at makapanira ng
- makapagbigay ng mga reputasyon ng ibang tao,
panimulang ideya hinggil sa mga
isyung binibigyang-pansin ng mga
mamamayan
Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis

Artikulo 26 ng Kodigo Sibil (Civil Code)

ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na


krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa
mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:

1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;

2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya


ng iba;

3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng


kanyang kaibigan;

4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang


pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan,
pisikal na depekto, at iba pangpersonal na kondisyon.

Artikulo 353, ng Kodigo Sibil (Civil Code)

Libelo - pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o isang bisyo o


depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka; paninira ay pinaraan sa pasulat o
broadcast na midyum

oral defamation - ang gagamitin na midyum ay pasalita.

FILIPINO YUNIT 3 - Umpukan: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan

Umpukan - impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag- usap na
magkakaharap. Ito ay hindi planado at nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon; Isang ritwal
ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa; Ginagamit para ilarawan
ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat.

Naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang mga lokal na pananaw, ang
pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na panlipunan at kultural na
reyalidad.

Hal.

salamyaan sa Marikina - talastasang bayan kung saan nabubuo at


napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng
pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at napapasigla at napapatibay ang
ugnayan at samahan ng mga Marikenyong magakakatulad ang “interes at
hanapbuhay”

Paksa ng usapan - hindi rin planado o pinag-isipang mabuti. Maaaring tungkol sa buhay-
buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan, o mga
bagong mukha at pangyayari sa paligid.

daloy ng pag-uusap - walang tiyak o planadong daloy; puwedeng dumako sa seryosong


talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro
at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan, na
minsa’y nauuwi sa pikunan.

Mga kalahok sa umpukan:

o kusang lumapit para makiumpok,


o mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o
o mga biyayang lumapit.

FILIPINO YUNIT 3 - Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

Talakayan - pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa


tukoy na paksa; paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan
ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibahagi ng
buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

o pormal na talakayan - karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa


mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok.
▪ tagapagdaloy (facilitator)- titiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon.
o impormal na talakayan - madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di
sinasadyang pagkikita kay may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili.

layon ng talakayan:

pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong
pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at
pagkakaunawaan, maresolba ang isa o makakakawing na mga problema at
makagawa o makapagmungkahi ng deesisyon at aksiyon.

Harapang na talakayan/ Personal Mediated na talakayan


- mas madalas mangyari - naiigpawan nito ang hadlang sa
- maaaring iangkla ang pagiging distansiya kung ang mga kalahok
makalipunan ay magkakalayo.
- mas nagkakaroon ng - maraming tagapakinig o
pagkakaunawaan ang mga manonood ang naaabot ng
magkakausap. talakayang isinasahimpapawid sa
pangmadlang midya kagaya ng
radio o telebisyon.
- mainam gamitin sa mga
talakayan hinggil sa mga gawaing
pangkaunlaran na nakatuon sa
mga tukoy na pamayanan at may
dulog na partisipatori

katangian ng mabuting pagtalakay:

1. Aksesibilidad. Pagiging komportable at walang pangamba na nagingibabaw sa


pagpapahayag.

2. Hindi palaban. mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.

3. Baryasyon ng ideya. iba-iba ng pananaw ng mga pahayag upang matamo ang higit na
malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang papel ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi
mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag sa
malayong pagtalakay.

FILIPINO YUNIT 3 - Pagbabahay-bahay: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran

Pagbabahay-bahay- pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang


pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa,mangungumbinsi sa pagsali sa
isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o
adbokasiya.

Hal.

Pasko

Pangangaluluwa sa araw ng patay

FILIPINO YUNIT 3 - PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan

pulong bayan - pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan upang
pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan, may mga
problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.

HAL.

ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng mga tagbanua sa isla ng Calauit sa


Busuanga, Palawan

FILIPINO YUNIT 3 - KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan

Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55 Mukha (Mehrabian)

Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal

1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal. Kalimitan, inuulit


ng mga kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag sa pamamagitan ng
wika.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. higit na
ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at
ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. nakatutulong ang ganitong senyas sa daloy ng
talakayan (Patricio)

Katangian ng Komunikasyong Di-Berbal


1. Ang kahulugang ibinibigay natin sa mga senyas na di-berbal ay kailangang nababatay sa
kabuuan ng kontekstong pinangyayarihan nito.

2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring sinasadyang gamitin o hindi sinasadya.

3. Ang mga kahulugang iniuugnay sa mga senyas na di-berbal ay kalimitang ayon sa


pinagkaisahan ngmga taong kabilang sa isang lipunan o kaya'y kultura.

Mga Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

1. Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo - unang paraan ng komunikasyong


naranasan natin bilang sanggol.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – apat na uri ng distansiya ayon kay Edward
Hall:
a. distansyang pampubliko - magkakalayo ng mga labindalawang talampakan o
higit pa. Ang ugnayan ay pormal
b. distansyang sosyal - magkakalyo ng mga apat hanggang pitong talampakan;
angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon.
c. distansyang personal - magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan
d. distansyang pangtapatan ng loob - magkakalayo ng hindi hihigit sa labindalawang
dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. Ang tinig ay
mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng oras - may iniuugnay tayong mensahe sa paraan ng
paggamit ng oras.
4. Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan - Sa pamamagitan ng hindi pagkibo ay
maaaring ipahiwatig ang ating pagdaramdam, pagkagalit, o ang kawalan ng hangaring
makipag-uganayan.

mga halimbawa ng Komunikasyong Di Berbal (Reusch at Kees)

1. Komunikasyon sa pamamagitan ng senyas - lahat ng kumpas na ginagamit sa halip ng


salita, bilang at pagbabantas.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng aksiyon – lahat ng uri ng paggalaw na binibigyang
kahulugan ng mga nakakakita tulad ng paglakad o kaya'y pagkain.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto - lahat ng sadya at hindi sadyang
pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay, atbp.

FILIPINO YUNIT 3 - MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay na Ugnaya’t
Kuwentuhan

ekspresyong lokal - likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal at iba pang uri ng
pilosopiya. Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
HAL.

Manigas ka! Susmaryosep


Bahala na si Batman. (Bahala Anak ng ______!
na.) Naku po!
Malay ko. Dyusko!
Ano ga! Anla naman.
Sayang. “Ala eh! ano ga naman yaan.”
Hay naku.

Mga katangian ng mga Batangueño:

- pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto.


- Nagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”.
- “Matanda sa Dugo”, kung saan nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa
edad kundi dahil sa konsangginidad.
- kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa.
- pangunahing hanapbuhay ay ang pagsasaka at pangingisda
- Kilala bilang malakas mag - inom ng alak at pagkain ng matatamis.

Ala eh - nagaling sa salitang tagalog na “wala eh” ibig sabihin ay ” wala pong problema , easy
easy lang ”; isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng Batangas at sa mga
bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan
ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit na nauugnay sa mga
sinaunang Tagalog .

ibait iba mga salita na ginagamit ng mga batangeño:

Kadlo: \kahd-loh\ • Halimbawa: “Alam mo ba si ganun


• Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig. nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun ,
• Ibang tawag :igib. ngalingali kong sumbiin.”
• Halimbawa: “Utoy , wala na tayong Pagaw: \pah-gao\
tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig • Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng
sa timba.” kakayahan upang makipag-usap sa isa
Kagaykay: \kah-gai-kai\ sa natural na boses dahil sa isang sigaw o
• Ibig sabihin: Isang insekto na maingay dahil sa pagkakroon ng sakit.
tuwing gabi. • Ibang tawag: paos.
• Ibang tawag : kuliglig. • Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag
• Halimbawa: “Ang ingay ng mga mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw
kagaykay sa gabi.” eh.”
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\ Palakat: \pah-lah-kaht\
• Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde • Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na
na prutas at asa pamilya ng sitrus. ginagamit ay isang malakas na bosses.
• Ibang tawag :kalamansî. • Ibang tawag: sigaw.
• Halimbawa: “Naku isda ang ulam , • Halimbawa: “Ano ganaman yaan
masarap ito sa isawsaw sa toyo at palakatan kyo diyan eh magkatabi
kalamunding.” naman kayong dalawa.”
Kalasti: \kah-lahs-tih\ Sagimis: \sah-gih-mihs\
• Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at • Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga
kasuklam suklam. paburitong merenda ng pilipino, gawa sa
• Ibang tawag: mayabang. rapper na may banana slice sa poob at
asukal , at ito ay piniritos hangang mag • Ibig sabihin : Hinding sinasadyang
brown ang kulay. masangi ang isang tao.
• Ibang tawag: Turon. • Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
• Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang • Halimbawa : “Hala , pasensya na po di
sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong ko po nakita yung vase ninyo , sorry po
araw, masaya na ako .” talaga di ko sinasadyang matabig ung
Sakol: \sah-kol\ vase.”
• Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
ang kanyang kamay. • Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak,
• Ibang tawag: kamay o magkakamay. katulad ng pawis pag sobrang init.
• Halimbawa: “Masarap ang ulam • Ibang tawag: daloy.
ngayon nilabong itlog tapos may toyo , • Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas
maslalo nang sasarap pag magsasakol.” , tuwing lumalabas ako ng bahay eh
Tabig: \tah-big\ tagaktak na pawis ko eh.”

Balisong - uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim. ito ang
bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa dami ng maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad,
pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba
pa.

kapeng barako - isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga


lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang
pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang
“barako” mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.

**end**

You might also like