Professional Documents
Culture Documents
Sangay ng Rizal
Bayan ng Rodriguez
COLEGIO DE MONTALBAN
Weaknesses - ito ang mga kahinaan na dapat bigyang pansin o atensyon upang mas mapabuti
pa
Opportunities - ito ang mga pagkakataon o mga oportunidad na dapat abangan at sunggaban
upang mas mapalawak, mas mapa-ayos, at mapahusay pa ang isang indibidwal, grupo, o
organisasyon
Threats - ito ang mga banta o mga suluraning posibleng kaharapin. Kadalasan ito ay
pinagahhandaan upang maging maayos ang lahat kung sakaling ito ay dumating o kaharapin
16. Rebyu ng Literatura - ang lumilikha ng isang magandang tanawin sa mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na pag-unawa sa pag-unlad na nagaganapsalarang ng
paksang tinatalakay. Ang tanawing nalikha ng rebuy ng kaugnay na litteratura ang nagpapakita
sa mambabasa na sumangguni ang mananaliksik sa maraming mga naunang pag-aaral sa
kaniyang pananaliksik.
17. Pagtanong-tanong, observasyon, interbyu, atbp.:
Pagtatanong-tanong “Asking questions” “Not many Filipinos are exposed to interview, but
definitely, all Filipinos are used to pagtatanong-tanong.” (Pe Pua, 1989).
Obserasyon o pagmasid, ang mga mananaliksik ay nagmamasid sa lugar ng kanilang
pananaliksik at mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang
pagkilos, interaksyon, at pag-uugali sa pamamagitan ng gabay na obserbasyon.
Interbyu: Kawili-wili at kapanapanabik na Gawain ng pagkuha ng mga impormasyon sa tulong
ng pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa
ginagawang pananaliksik.
18. Obserbasyon ng Partisipant – Tinukoy niya ang obserbasyon ng kalahok bilang proseso ng
pagtatatag. Kaugnay sa loob ng isang komunidad at pag-aaral na kumilos sa paraang
magkakahalo sa komunidad upang ang mga miyembro nito ay kumilos nang natural,
pagkatapos ay alisin ang sarili mula sa setting o komunidad upang isawsaw ang sarili sa datos
upang maunawaan kung ano ang distansya.
19. Kwentong buhay – ay ang paglalahad ng sariling buhay. Ito ay maaaring patungkol sa mga
aktwal na karanasan ng bawat tao o maaari rin naming gawa gawa lamang gaya ng kwentong
bayan. Dalawang uri ng kwentong buhay ay ang:
Komprehensibo – Pagtatalakay sa buong buhay ng isang tao kung saan lahat ng detalye mula
kapanganakan ay nilalahad.
Topikal – Tumatalakay sa bahagi lamang ng buhay ng isang tao na hindi nakapokus sa kabuuang
detalye.
20. Pagsusuri ng sekodaryong datos –Ang sekondaryang data ay ang mga karagdagang
impormasyong nakolekta ngmga mananaliksik na may pakinabang sa kanilang pananaliksik. Ito ang
mgaimpormasyong iba sa orihinal na kinolekta ng mga mananaliksik o ang mgapangunahing data. Ang
mga sekondaryang data ay naglalaman ng magkaugnay nalayunin na makakatulong sa pagpapatibay ng
isang pananaliksik. Dagdag pa rito,masasabing ang mga sekondaryang data ay ang mga nakalap na
impormasyong mulasa internet, artikulo, o sa iba pang pananaliksik.