You are on page 1of 24

Pagpoproseso ng

Impormasyon para sa
Komunikasyon
LAYUNIN:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika sa kontekswalisadong komunikasyon sa mga
komunidad at sa buong bansa.
2. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
INTRODUKSYON
Walang tao ang namumuhay ng mag-isa , anuman ang gawin
kailangan at mangangailangan parin ng katuwang o kasama sa buhay.
Ang tao ay laging nangangailangan ng kapwa. Ngunit ang kakayahan
nyang makipag kapwa ay magaganap lamang kung mayroong instrumento
na mag- uugnay sa kanila.
Lahat ng gawain ay may kaakibat na wika at wika ang midyum na
ginagamit sa komunikasyon. Komunikasyon ang umiikot sa buhay ng
isang tao. Dahil sa komunikasyon kaya ang tao ay nabubuhay,
komunikasyon sa sarili, sa kapwa , sa masa at iba pa.
PAGTALAKAY
Komunikasyon
Ang komunikasyon ay mula sa salitang latin na
"communis" na nangangahulugang "karaniwan" o
"panlahat". Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
impormasyon na maaring berbal o di berbal. Sa kasalukuyan,
ang kapangyarihan ng komunikasyon ay nakikita at nadarama
sa kahit anomang aspekto at larangan ng buhay, maging ito
karaniwang usapan, sa pamilya, sa propesyon, sa pamahalaan at
sa lipunan.
Sangkap ng Komunikasyon

Tagapaghatid at Tagatanggap ng Impormasyon

Tumutukoy ito sa mga taong kasali sa komunikasyon. Maaaring ang


taong ito ay tagatanggap o tagapaghatid ng impormasyon.
Mga katangian ng mga tao na maaaring makaapekto sa
kakayahan ng isang indibidwal sa paghahatid at
pagbibigay ng impormasyon:

• Lahing pinagmulan
• Sekswalidad
• Edad
• Kultura
• Ugali
Mensahe
Ang nilalaman nito ayang kaisipan, damdamin
Ideya, pag-uugali, at sentimiyentong naisIpabatid o
ibahagi ngpinagmulan ng impormasyon. Maaaring
berbal o di-berbal ang paraan ng paghahatid ng
Impormasyon.
Tsanel at Daluyan
Ito ay ang midyum o dinadaluyan ng mensahe upang maipaabot sa tagatanggap ng
mensahe.
Dalawang Kategorya ng Tsanel at Daluyan;
• Daluyang sensori- paggamit ngpandinig, paningin,
Pang-amoy, panlasa at pandama.
• Daluyang Institusyonal (soundwaves)- paggamit ng mga
kasangkapan tulad ngsulat, telegrama, e-mail, fax machine,
cellphone, atbp.
Fidbak o Tugon

Ito ay tumutukoy sa naging sagot ng tagatanggap ng


mensahe. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng
tagapaghatid kung ang naibahaging impormasyon ay
natanggap at naunawaan. Maaaring berbal o di-berbal
ang pagsagot base sa impormasyon na natanggap mula
sa tagapaghatid nito.
Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon
Mga bagay na maaaring makasagabal sa
pagbibigay-kahulugan sa mensahe. Ito ay tinatawag
naCommunication noise o filter.
APAT NAURI NG SAGABAL SA KOMUNIKASYON

∙ SEMANTIKONG SAGABAL

Pagkakaiba ng interpretasyon sa
mensahe na nais ipabatid. Kalituhan
sa tunay na kahulugan ng mensahe.
Maaaring ang salitang ginamit ay
may iba pang kahulugan.
∙ PISIKAL NA SAGABAL
Ayos o anyo ng paligid kung saan nagaganap ang
komunikasyon.
(Hal. Distraksyong biswal, suliraning teknikal, kalagayan ng
taong nag-uusap.)
∙ PISYOLOHIKAL NA SAGABAL
Matatagpuan sa katawan ng tagapaghatid o
tagatanggap ng mensahe. Maaaring
kapansanan sa pagsasalita, pandinig o
paningin.
∙ SIKOLOHIKAL NA SAGABAL
Kultura na kinalakihan ng tao na maaaring
maging sagabal sa interpretasyon ng mensahe.
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
Primaryang Batis ng impormasyon
∙ Mga indibidwal o awtoridad.
∙ Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon,
fraternity, katutubo o mga minorya, samahan, simbahan at gobyerno.
∙ Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang
legal at ekonomik.
∙ Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon,
batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan
sa korte, sulat, journal at talaarawan o dayari.
Sekondaryang Batis ng Impormasyon
∙ Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya,
yearbook, almanac at atlas.
∙ Mga nalathang artikulo sa journal, magazine, pahayagan
at newsletter.
∙ Mga tisis, disertasyon at fisibiliti, nailathala man ang
mga ito o hindi.
∙ Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Hanguang Elektroniko
∙ Maituturing ang internet bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan
ng mga impormasyon.
∙ Ang teknolohiya ay bunga ng kombinasyon ng serbisyong postal, telepono at
silid-aklatan.
∙ Sa internet ay maari nang magpadala ng liham-elektroniko o e-mail sa alin mang
panig ng mundo.
∙ Samakatuwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon o liham sa
pamamagitan ng mensahero.
∙ Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos,
nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik
Pagbubuod at pag-uugnay ugnay ng Impormasyon
May iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang mapag-ugnay
ang mga impormasyon, datos at ideya. Ito ay:
Buod
Mababasa ang mga mahahalagang detalye mula sa mga nabasa,
napakinggan o mga napanood. Siksik sa impormasyon ang buod
na nasa lohikal at kronolohikal na ayos ang mga impormasyon.
Sa pagbubuod dapat tinutukoy agad ang pangunahing detalyeng
may kaugnayan sa paksa.
Presi/Precis
Ito ay eksaktong replika ng orihinal na akda sa pinaikling
bersyon na naipahahayag nang kumpleto ang argumento sa
sukat o habang sangkapat o sanlima.
Lagom o sinopsis
Pinaikli ang pangunahing punto ng isang babasahin,
karaniwan itong ginagamit bilang pabalat sa mga nobela o
di kaya ay naglalaan ng isa o dalawang pahina sa likod na
bahagi ng nobela.
Hawig
Tinatawag na paraphrase sa Ingles ang hawig. Inilalahad sa sariling
pangungusap ang mga impormasyong nakalap mula sa ibang manunulat.
Di tulad ng buod, mas detalyado ang hawig sapagkat isinasama sa pagsulat
kung kanino nanggaling ang pahayag.
Sintesis
Pinagsasama-sama ang mga impormasyong nakalap mula sa mga tao o
manunulat, libro o pananaliksik upang makabuo ng isang malinaw na
pagbubuod o babasahin na mayroong buo o kumpletong datos.
Abstrak
Buod ng isang artikulo, ulat o pag-aaral na inilalagay bago ang
introduksyon. Nilalaman nito ang mga impormasyong nakalap
mula sa pag-aaral o pananaliksik. Mayroong dalawang uri ang
abstrak:
Deskriptibong abstrak -mababasa rito ang kaligiran, layunin at
tuon ng papel. Inilalarawan ng deskriptibong abstrak ang
pangunahing ideya ng artikulo, ulat o pag-aaral.
Impormatibong abstrak - Binubuo ito ng kaligiran, layunin,
metodolohiya, resulta at rekomendasyon ng mananaliksik.

You might also like