You are on page 1of 19

YUNIT II

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON

Mga mamamahayag
Jenalou Laude Pilapil
Sarah Mae Ducusin
Nescel John Perpas
Ano ang Komunikasyon?
Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na
“communis” na ibig sabihin ay saklaw lahat na
binubuo ng lipunan. Ito rin ay proseso ng paghahatid
at pagtanggap ng mensahe. Sangkot sa komunikasyon
ang mga sumusunod na makrong kasanayan:
Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at
Panonood.
Uri ng Komunikasyon
Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na
maaaring pasulat o pasalita. Halimbawa ng text
messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng
mensahe sa mga nakalimbag na teksto sa mga
mambabasa.
Komunikasyong Di-Berbal. Ang komunikasyong ito
ay hindi ginagamitan ng wika bagkus kilos o galaw ng
katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng
mensahe tulad ng pagtango, pagkindat at pagkaway na
halimbawa ng senyas.
Anyo ng Komunikasyon
Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng
komunikasyon na kinakausap ng tao ang kanyang
sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong
indibidwal.
Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa
pagitan ng dalawang tao na umaasa sa mensaheng
inihatid at tugon sa kausap.
Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang
linyar na komunikasyon na ibig sabihin, natatapos ang
komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala
ng mensahe sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit
pang katao ang kasangkot. (seminar, conference at
miting de avance)
Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit
nagkakaiba lamang sa kagamitan sa paghahatid ng
impormasyon dahil sa komunikasyong ito,
ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng cellphone,
telebisyon at radyo.
Elemento at Proseso ng
Komunikasyon
Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito
ang tipikal na ilustrasyong makikita sa ibaba na
tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe,
tsanel at balik-tugon.

Tagapaghatid Mensahe Tsanel Tagatanggap

Balik-Tugon
Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng
komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid na
mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang
pag-iisip sa bawat detalye na partikular na paksa.
Tinatawag din siya bilang communicator o source.
Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at
damdamin na karaniwang nakabatay sa paniniwala at
kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap
upang magkaroon ng komunikasyon.
Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang
maipahayag at maihatid ang naturang mensahe. Ang
una ay pandama (sensory) tulad ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam; at
Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o
pakikipag- usap, sulat at kagamitang elektroniko.
Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan sa
naturang mensaheng inihatid ng tagapaghatid na
tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong
tatlong antas ang tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap
at Pagkilos.
Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang
komunikasyon kung walang tugon sa bawat mensahe.
Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng
mensahe dahil ito ang magiging batayan ng susunod
na siklo ng komunikasyon.
Konteksto sa Komunikasyon
Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang iba’t
ibang konteksto o paningin sa komunikasyon. Ito ay
nahahati sa limang kategorya.
Pisikal – oras at lugar na pinagdarausan ng isang
pangyayari ay mahalagang konteksto sa komunikasyon
na maaaring kasangkutan ng aktwal na lugar, oras o
antas ng ingay sa kaugnay na salik halimbawa ang
lugar kung saan gaganapin ang kumperensiya na dapat
closed door upang maunawaang mabuti ang mga
presentasyon.
Sosyal – tumutukoy sa personal na ugnayan ng mga
kalahok sa komunikasyon tulad ng mga naglalaro ng
basketball na kinakailangang mauunawaan ng
manlalaro (teamwork) ang bawat isa upang makamit
ang tagumpay.
Kultural – tumutukoy ang kultura sa prinsipyo at
paniniwala ng pangkat na maaaring paniwalaan o
hindi paniwalaan dahil sa magkaiba ang pangkat na
pinagmulan ng dalawang nag-uusap kung kaya’t
magkaroon ng kamalayan sa bawat kultura.
Sikolohikal – dito makikita ang mga mood at
emosyon ng mga kasangkot sa buong proseso ng
komunikasyon tulad ng debate sa loob ng klase na
maaaring magkaroon ng personalan kung kaya’t hindi
nagiging maganda ang takbo ng aktibidad.
Historikal – ito ay batay sa kaganapang nangyari sa
nakaraan na inaasahan ng bawat kasali sa proseso ng
komunikasyon tulad ng pagkatalo sa isang laro na
maaaring maging sanligan upang paghandaan ang
mga sumusunod pang laban o laro.
PAGPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
Tinutukoy ng pagporposeso ng impormasyon ang
aktibidad ng utak mula sa mga gawaing
kinakasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa
kapaligiran ng isang indibiwal. Mahalaga ang prosesong
ito sa konteksto ng komunikasyong pananaliksik
sapagkat ang katangian ng stimuli na may kaugnayan sa
komunikasyon—nasa parehong pamamagitan
( mediated) at interpersonal na komunikasyon—ay
kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung
saan ang isang indibiwal ay nakikipagsapalaran sa
pagpproproseso ng impormasyon (Bolls, 2017).
Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpoproseso ng
imporamsyon ay isang mahalagang dulog ng pananaliksik
na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa sikolohiya, na
angbunga ng pagbabago ng paradigm kung paano
sinubukan ng mananaliksik sa larangan ng sikolohiya ang
pag-unawa sa isip ng tao. Imuningkahi ng iskolar na ito na
ang matibay na paliwanag na teoretikal para sa kalikasan
at ugali ng tao ay maunawaan lamang sa pamamagitan ng
pananaliksik na direkta at sistematikong pinag-aaralan ng
isip at utak ng indibidwal na sangkot sa pagpoproseso ng
makabuluhang impormasyon buhat sa kanilang
kapaligiran.
Kategorya ng Sanggunian
Makatutulong sa lalim ng isang argumento ang mga
sangguniang gagamitin ng isang mananaliksik,
mananalumpati at tagapagsalita. Narito ang gabay sa
pagpili ng tamang sanggunian o batis ng
impormasyon.
Primaryang datos – nagmula sa mga dokumentong
isinulat sa panahon na isinagawa ang aktwal na
pananaliksik o orihinal na dokumento kung saan ito
nakabatay. Halimbawa: talumpati, liham, birth
certificate, diaries, transkripsyon ng live news feed,
balita, record ng korte, panayam, sarbey, akademikong
dyornal at sangguniang aklat.
Sekondaryang datos – nanggaling sa mga
dokumentong isinulat matapos ang isang kaganapan o
in terpretasyon ng may-akda sa naturang
impormasyong hindi niya naabutan tulad ng
diksyunaryo, ensayklopedya, artikulo, rebyu at
sintesis.
Tersyaryang datos – hinalaw sa mga dokumentong
naglalarawan sa primary at sekondaryang sanggunian
tulad ng indexes na binigyang pagkakakilanlan kung
saan nagmula ang impormasyon, abstrak at databases.
Maraming salamat pakikinig at yun lang po maraming
salamat

You might also like