You are on page 1of 22

1

Komunikasyon at 1
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
UNANG MARKAHAN
KOMUNIKASYON /
TALAMITAM
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
Ayon sa ilang manunulat, ang
salitang Ingles na
“communication” na
painaghanguan ng salitang
komunikasyon na siyang
palasak na ginagamit natin sa
kasalukuyan ay hinango sa
salitang Latin na ‘communis’ na
ang ibig sabihin ay karaniwan.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

 Ayon kay Rubin


kailanman ang tao’y hindi
makatatagal na mamuhay nang sa
ganang sarili lamang niya (2001).
KAHULUGAN NG
 KOMUNIKASYON
Ayon naman kay Sermon
ang komunikasyon ay ang
proseso ng pagbibigay at pagtanggap.
Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin
ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito
nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga
tao sa lipunan dahil naipahahayag ng
bawat isa ang kani-kanilang ideya at
saloobin. 1997).
KAHULUGAN NG
 KOMUNIKASYON
Ayon naman kina Espina at Borja
Ang komunikasyon ay
isa ring makabuluhang
kasangkapan upang maangkin
ng bawat nilikha ang
kakayahang maipaliwanag nang
buong linaw ang kanyang
iniisip at nadarama. (1997)
KAHULUGAN NG
KOMUNIKASYON
Binanggit din nina Arnold at Hirsh
(Resuma at Semorlan, 2001)

Na “we communicate with each


other because it satisfies our own
interests. You communicate
because it does something for
you.”
MGA URI NG
KOMUNIKASYON
1. Komunikasyong Intrapersonal

2. Komunikasyong
Interpersonal.

3. Komunikasyong Pampubliko
MGA URI NG
KOMUNIKASYON
Komunikasyong Intrapersonal
o Ito ay tumutukoy sa komunikasyong
pansarili. Sangkot ang pag-iisip,
pag-aalala at pagdama, mga
prosesong nagaganap sa internal
nating katauhan. Kapag ika’y
napapabulong sa iyong sarili, ika’y
nakikipagtalastasang intrapersonal.
Ibinigay na halimbawa ni Taylor ang
hearing yourself speak, feeling
yourself move, and thinking.
MGA URI NG
KOMUNIKASYON
Komunikasyong Interpersonal
oIto naman ay tumutukoy sa
komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng dalawang tao o sa pagitan ng isang
tao at maliit na pangkat. Malaking
bahagdan ng komunikasyong
nagaganap sa ating lipunan ang nasa
uring ito.
MGA URI NG
KOMUNIKASYON
Komunikasyong Interpersonal
o Ang uri ng komunikasyong ito ang
humuhubog ng ating ugnayan o
relasyon sa ating kapwa. Sa ganitong
sitwasyon, nagbibigay ng mensahe
ang mga kasangkot sa komunikasyon,
kasama na ang kanilang mga
pandama: paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at panalat o
pandamdam.
MGA URI NG
KOMUNIKASYON
Komunikasyong Pampubliko
o Ito naman ay tumutukoy sa
komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang
isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa
harap ng mga tagapakinig ay
nakikipagtalastasang pampubliko. Ang
mga midyang pangmasa tulad ng
telebisyon, radyo, pahayagan, at pelikula
ay nasa ilalim din ng uring ito.
MGA SANGKAP AT PROSESO NG
KOMUNIKASYON
• Enkoder

Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga


taong pinagmulan ng mensahe. Siya o sila
ang tumutukoy sa mensaheng pinapadala.
Kapag may nakasalubong ka at binati siya ng
Magandang umaga, ikaw ang nagpapadala ng
mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng
mensahe ay naiimpluwensyahan ng layunin,
kaalaman, kakayahan, pag-uugali,
persepsyon o pananaw at kredibilidad ng
nagpapadala ng mensahe.
• Dekoder

Sa nabanggit na halimbawa, ang


pinagsabihan ng Magandang umaga ang
siyang tagatanggap ng mensahe. Siya ang
magbibigay-pakahulugan sa mensaheng
kanyang natanggap. Sa madaling salita,
siya ang magde-decode. Katulad ng
tagapagdala ng mensahe, ang kawastuhan
ng pagde-decode niya sa mensahe ay
maaaring maapektuhan ng kanyang
layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali,
pananaw o persepsyon at kredibilidad.
• Mensahe.

Ito ang dahilan o layunin ng


komunikasyon. Maaaring naglalaman ng
mga impormasyon, ideya o palagay ang
mensahe, o kaya’y pagpapahatid ng
saloobin, damdamin o emosyon.
o Tsanel
Ito ang midyum o daanan ng
mensahe. May dalawang kategorya ng
mga daluyan ng mensahe
 Daluyang Sensori
O ang tuwirang paggamit ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama
 Daluyang Institusyunal
Ang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng sulat, telegrama, mga
kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-
mail, fax, cellular phone, at beeper ay mga
halimbawa ng daluyang institusyunal.
o Ang Tugon o Fedbak

Tumutukoy ito sa sagutang


feedback ng enkoder at dekoder
matapos nilang maibigay at maunawaan
ang mga hatid na mensahe, at ito ay
nahahati sa tatlong uri.

 Tuwirang tugon
 Di-tuwirang tugon
 Naantalang tugon
TUWIRANG TUGON

 Tuwiran ang isang tugon


kapag
ito’y ipinapadala at natanggap
agad-agaran matapos ipadala
at matanggap ang mensahe.
Di-TUWIRANG TUGON

 ang tugon ng di-tuwiran


kapag ito’y ipinahahayag sa
pamamagitan ng anyong di-
berbal.
NAANTALANG TUGON

 Katulad ng ipinahihiwatig ng
pangalan nito, ay iyong mga
tugon na nangangailangan pa ng
panahon upang maipadala at
matanggap
 Ano ang nalaman mo sa tinalakay
nating akda?
Ano ang natutunan mo sa akdang
tinalakay natin akda?
 Paano mo masasabi na mahalaga
ang komunikasyon?

You might also like