You are on page 1of 97

Pagpoproseso ng Impormasyon

para sa Komunikasyon
Mga Layunin
Mahalaga ang bahaging ito upang mabigyang
tugon ang mga sumusunod na mahalagang
layunin ng pag-aaral:

1. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na


kailangan para sa isang epektibong
komunikasyon o pakikipagtalastasan.
Mga Layunin
2. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao sa
bawat pagpoproseso ng impormasyon
parasaepektibong komunikasyon;

3. Nakapipili ng batis (sources) ng


impormasyon na mahalaga para sa iskolarling
pag-aaral.
4. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na
nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;

5. Nakakabuo at nakapag-uugnay-ugnay ng
mahahalagang impormasyon.
Ano ang Komunikasyon?
❑ Ang komunikasyon ay hango sa salitang
Latin na “communis” na ibig sabihin ay
saklaw lahat na binubuo ng lipunan.

❑ Ito rin ay proseso ng paghahatid at


pagtanggap ng mensahe.
❑ Sangkot sa komunikasyon ang mga
sumusunod na makrong kasanayan:
Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat
at Panonood.
Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng
wika na maaaring pasulat o pasalita.

➢ Halimbawa ng text messages,


pakikipagtsismisan at pagbibigay ng
mensahe sa mga nakalimbag na teksto sa
mga mambabasa.
2. Komunikasyong Di-Berbal. Ang
komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng
wika bagkus kilos o galaw ng katawan lamang
ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe
tulad ng pagtango, pagkindat at pagkaway na
halimbawa ng senyas.
Anyo ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – isang self-meditation na
anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao
ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na
maging produktibong indibidwal.
2. Interpersonal – ito ang ugnayang
komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na
umaasa sa mensaheng inihatid at tugon sa
kausap.
3. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap
ang linyar na komunikasyon na ibig sabihin,
natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na
nang nagpapadala ng mensahe sa kanyang
tagapakinig.

➢ Dalawa o higit pang katao ang kasangkot.


(seminar, conference at miting de avance)
4. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko
ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa
komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.
Elemento at Proseso ng
Komunikasyon
❑ Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit
narito ang tipikal na ilustrasyong makikita
sa ibaba na tumutukoy sa tagapaghatid,
tagatanggap, mensahe, tsanel at balik-tugon
❑ Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng
komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid na
mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa
malalimang pag-iisip sa bawat detalye na
partikular na paksa.

❑ Tinatawag din siya bilang communicator o


source.
❑ Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon,
kaisipan at damdamin na karaniwang
nakabatay sa paniniwala at kaalaman ng
tagahatid patungong tagatanggap upang
magkaroon ng komunikasyon.
❑ Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel
upang maipahayag at maihatid ang
naturang mensahe.
❑ Ang una ay pandama (sensory) tulad ng
paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pakiramdam;
❑ at Institusyunal (institutionalized) na
tuwirang sabi o pakikipag-usap, sulat at
kagamitang elektroniko.
❑ Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan
sa naturang mensaheng inihatid ng
tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng
natanggap.

❑ Mayroong tatlong antas ang tagatanggap,


Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
❑ Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang
komunikasyon kung walang tugon sa bawat
mensahe.

❑ Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng


mensahe dahil ito ang magiging batayan ng
susunod na siklo ng komunikasyon.
Konteksto sa Komunikasyon
❑ Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang
iba’t ibang konteksto o paningin sa
komunikasyon.

❑ Ito ay nahahati sa limang kategorya.


1. Pisikal – oras at lugar na pinagdarausan ng isang
pangyayari ay mahalagang konteksto sa
komunikasyon na maaaring kasangkutan ng aktwal
na lugar, oras o antas ng ingay sa kaugnay na salik
halimbawa ang lugar kung saan gaganapin ang
kumperensiya na dapat closed door upang
maunawaang mabuti ang mga presentasyon.
2. Sosyal – tumutukoy sa personal na ugnayan
ng mga kalahok sa komunikasyon tulad ng
mga naglalaro ng basketball na
kinakailangang mauunawaan ng manlalaro
(teamwork) ang bawat isa upang makamit ang
tagumpay.
3. Kultural – tumutukoy ang kultura sa
prinsipyo at paniniwala ng pangkat na
maaaring paniwalaan o hindi paniwalaan
dahil sa magkaiba ang pangkat na
pinagmulan ng dalawang nag-uusap kung
kaya’t magkaroon ng kamalayan sa bawat
kultura.
4. Sikolohikal – dito makikita ang mga mood
at emosyon ng mga kasangkot sa buong
proseso ng komunikasyon tulad ng debate sa
loob ng klase na maaaring magkaroon ng
personalan kung kaya’t hindi nagiging
maganda ang takbo ng aktibidad.
5. Historikal – ito ay batay sa kaganapang
nangyari sa nakaraan na inaasahan ng bawat
kasali sa proseso ng komunikasyon tulad ng
pagkatalo sa isang laro na maaaring maging
sandigan upang paghandaan ang mga
sumusunod pang laban o laro.
B. PAGPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
❑ Tinutukoy ng pagpoproseso ng impormasyon
ang aktibidad ng utak mula sa mga gawaing
kinakasangkutan ng pag-iisip habang
ginagamit sa kapaligiran ng isang
indibiwal.
❑ Mahalaga ang prosesong ito sa konteksto ng
komunikasyong pananaliksik sapagkat ang
katangian ng stimuli namay kaugnayan sa
komunikasyon—nasa parehong pamamagitan (
mediated) at interpersonal na komunikasyon—ay
kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na
kung saan ang isang indibiwal ay
nakikipagsapalaran sa pagpproproseso ng
impormasyon (Bolls, 2017).
❑ Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpoproseso ng
impormasyon ay isang mahalagang tulong
pananaliksik na bahagi ng kognitibong
rebolusyon sa sikolohiya, na ang bunga ng
pagbabago ng paradigm kung paano sinubukan
ng mananaliksik sa larangan ng sikolohiya ang
pag-unawa sa isip ng tao.
❑ Imuningkahi ng iskolar na ito na ang matibay na
paliwanag na teoretikal para sa kalikasan at
ugali ng tao ay maunawaan lamang sa
pamamagitan ng pananaliksik na direkta at
sistematikong pinag-aaralan ng isip at utak ng
indibidwal na sangkot sa pagpoproseso ng
makabuluhang impormasyon buhat sa kanilang
kapaligiran.
C. Kategorya ng Sanggunian
❑ Makatutulong sa lalim ng isang argumento ang
mga sangguniang gagamitin ng isang
mananaliksik, mananalumpati at tagapagsalita.

❑ Narito ang gabay sa pagpili ng tamang


sanggunian o batis ng impormasyon.
❑ 1. Primaryang datos – nagmula sa mga dokumentong
isinulat sa panahon na isinagawa ang aktwal na
pananaliksik o orihinal na dokumento kung saan ito
nakabatay.

❑ Halimbawa: talumpati, liham, birth certificate, diaries,


transkripsyon ng live news feed, balita, recordng korte,
panayam, sarbey, akademikong dyornal at sangguniang
aklat.
❑ 2. Sekondaryang datos – nanggaling sa mga
dokumentong isinulat matapos ang isang
kaganapan o interpretasyon ng may-akda sa
naturang impormasyong hindi niya naabutan
tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, artikulo,
rebyu at sintesis.
❑ 3. Tersyaryang datos – hinalaw sa mga
dokumentong naglalarawan sa primary at
sekondaryang sanggunian tulad ng indexes na
binigyang pagkakakilanlan kung saan nagmula
ang impormasyon, abstrak at databases.
D. Mga Mungkahi sa Pagkuha ng
Impormasyon Buhat sa mga
Sanggunian
❑Nangangailangan ng tamang pagtugon sa
mga pamantayang pang akademiko ang
isang mag-aaral sa pagkuha ng mga
impormasyon at datos para sa kanyang
isinasagawa ng pananaliksik.
❑Kaalinsabay nito ay ang tungkulin na
mabigyan ng rekognisyon ang may-akda ng
sanggunian na ginamit ng mananaliksik o
mag-aaral upang ang kanyang pagtalakay sa
kasalukuyang pag-aaral ay magkaroon ng
malalim na perspektiba.
❑Kung ang mananaliksik ay sumasangguni sa
mga aklat at dyornal, mahalaga na bigyan
ng pansin ang pahina bilang ng sanggunian
kung ang mahahalagang kaisipan ay
sisipiin, aayusin bilang talata, o bibigyan ng
buod.
❑ Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan mo
kinuha ang impormasyon sa isang website kung
gagamitin na sanggunian ang internet.

❑ Ang tamang rekognisyon sa may-akda ay


nararapat lamang na kabayaran para sa kanyang
karunungang hindi ipagdamot kailanman.
❑ Ang hindi pagtupad sa tungkuling ito ay
katumbas ng paglapastangan sa kanyang
kabutihang mamamahagi ng kaalaman ng iba.

❑ Sa kabilang dako, kung walang inisyatibo ang


isang mag-aaral na bigyan ng rekognisyon ang
may-akda ay para na rin niyang ninakaw ang
karunungan ng ibang tao.
E.Sistemang Pansilid-aklatan
❑Ang tamang retrieval system ng silid-
aklatan ay makatutulong nang malaki
upang higit na mapadali at mapaghusay ng
mag-aaral ang pangangalap ng mga
impormasyon at datos na kailangan sa pag-
aaral.
❑Madalas na gumagamit ng kompyuter sa
sistemang ito bagamat mayroon pa ring mga
silid-aklatan na higit na pinanaligan ang
makalumang sistema.
❑ Ang retrieval system ay nakatutulong nang
malaki para sa higit na sistematikong
database ng mga sanggunian na
kinasasangkutan ng mga sumusunod:
pangalan ng may-akda (author), pamagat
ng aklat o publikasyon at iba pa.
F.Internet bilang Sanggunian
❑ Malaking hamon na maituturing sa
kasalukuyang panahon ang matukoy ng mga
mag-aaral o mananaliksik ang mga sangguniang
mapagkukuhanan nila ng tama at may
kredibilidad ng mga datos at impormasyon sa
mundo na kanilang kinagisnan, ang mundo ng
internet.
❑ Maraming impormasyon ang naibabahagi ng
Internet sa iba’t iba nitong plataporma katulad
ng web-pages, blogs, forums, katalogo at iba pa
nang walang sapat na regulasyon ng paglalagay
(posting) dahilan kung bakit iminumungkahi sa
mga mag-aaral ang ibayong pag-iingat sa
pananalig sa mga platapormang ito bilang
sanggunian ng kanilang pag-aaral o
pananaliksik.
❑ Bawat institusyong pang-akademiko ay
mayroong regulasyon o pamantayang
sinusunod sa paggamit ng internet bilang
sanggunian ng pag-aaral.
❑ Mahalaga na matutunan ang mga
regulasyong ito upang maiwasan ang sakit
ng ulo bunga ng pagnanakawng
karunungan(plagiarism) at paninira ng
impormasyon nais ng may-akda
(misattribution).
G. Sanggunian buhat sa
Bibliyograpiya
❑ Ang bibliyograpiya ay mainam ding
gamitin sa sanggunian ng mga
impormasyon at datos ng isang pag-
aaral.
❑ Sa pamamagitan ng pangsangguni sa ibang
iskolar at sa mga bibliyograpiya sa kanilang
ginamit ay maaaring makatutuklas ng mga
kaugnay na publikasyon na makatutulong
nang malaki sa pagpapaunlad ng
isinasagaw ang proyekto o pag-aaral.
❑ Ang ibang mga may-akda ay nagbibigay rin
ng mga mungkahing babasahin na sa
kanilang paglagay ay makatutulong nang
malaki sa iyo sapagkat napakinabangan
nila ito nang husto nang sila ay sumangguni
rito.
H. Bakit Kailangan ng Siping Panloob at
Paglalagay ng Sanggunian?Plagiarismo
(Plagiarism)
❑ Mayroong nagaganap na plagiarism o
pagnanakaw ng karunungan ng iba kung
saiyong pagsusulat ay makikita ang alin
man sa mga sumusunod na pangyayari.
❑ Direkta ang plagiarismo kung ang pagkopya
ng mananaliksik sa akda ng iba ay buong
buo, kasama ang tama at maling mga
baybay ng salita at wala itong pagkilala sa
totoong may-akda ng sulatin.
❑ (2) Sa kabilang dako, ang di-direktang
plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya
ng mahahalagang impormasyon sa iba
bagama’t may kaunting modipikasyon sa
orihinal ay hindi pa rin nabigyan ng
nararapat na rekognisyon ang orihinal na
may-akda.
❑ (3) Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng
mga teksto at imahe na hindi binibigya ng
rekognisyon kung saan ang mga ito ay
nanggaling.

❑ (4) Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi;


❑ (5) Pagbubuod ng impormasyon na hindi
man lamang ipinapakita kung ano ang
orihinal na pinanggalingan nito;

❑ (6) Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang


seksyon ng teksto na hindi man lamang
binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may
akda.
I. Pangangalap ng
Impormasyon sa Pamamagitan
ng Pagbabasa
❑ Ang pagbabasa ay ang pangunahing gawain
ng isang mananaliksik o mag-aaral
upangmaisagawa ang tungkuling
makapangalap ng mahahalagang
impormasyon para sa isinasagawang pag-
aaral.
❑ Ang mga panuntunan sa pagbabasa ay
inisa-isa batay sa pinaglalaanan nito:

❑ (1) para sa asignatura;


❑ (2) para sa iba’t ibang layunin;
❑ (3) para sa pag-unawa.
❑ Pagbabasa para sa asignatura. Katulad na
ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay,
ang mga impormasyon na kinailangan
upang mapatatag ang paninindigan ng
isang pag-aaral o pananaliksik ay madaling
kalapin dahil na rin sa mga naglipanang
sanggunian sa silid-aklat at maging sa
internet.
❑ Mabuti kung ang makakalap na
impormasyon ay manggagaling sa isang
lehitimo at may kredibilidad na sanggunian,
subalit isang kamalasan kung ang
sanggunian na makukuha ay naglalaman
ng maling mga impormasyon para sa isang
pag-aaral.
❑ Pagbabasa para sa Iba`t Ibang Layunin.
Ang layunin ang siyang nagbibigay ng
direksyon sa lahat ng bagay na ginagawa ng
tao.
❑ Bago isagawa ang pagbabasa, mahalaga na
mailatag muna ng mga mag-aaral o
mananaliksik kung ano ba ang kanilang
nais na mangyari matapos ang isasagawang
pag-aaral o pananaliksik.
❑ Kung wala ang layunin,
mahihirapanangmga mag-aaral na alamin
kung ano ang landas na tatahakin ng
kanilang iskolarling pagsulat.
❑ Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw o
browsing ay ang kaswal na pagtingin sa
mga pahina ng teksto upang matantya ang
kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito
sa kabuuan at pahapyaw na malaman kung
anu-ano ang mga nilalaman nito na
maaaring makatulong sa isinasagawang
pag-aaral.
❑ Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw o
browsing ay ang kaswal na pagtingin sa
mga pahina ng teksto upang matantya ang
kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito
sa kabuuan at pahapyaw na malaman kung
anu-ano ang mga nilalaman nito na
maaaring makatulong sa isinasagawang
pag-aaral.
❑ Pagsisiyasat o checking ay tumutukoy sa
pagsusuri sa nilalaman ng teksto o indek
upang malaman kung ang aklat ay
naglalaman ng mga espisipikong
impormasyon na nais mong malaman o mga
impormasyong malaki ang maitutulong sa
iyo.
❑ Tinutukoy ng pagtutuon ng pansin sa o
focusing in sa masinsinang pagbabasa sa
isang mahalagang punto na may malaking
maitutulong sa pananaliksik. Kung ang
impormasyon ay hindi naglalaman ng
mahalagang punto, ang pagtutuon ng
pansin sa o focusing in ay maaaring ibalik
sa palaktaw-laktaw na pagbabasa.
❑ Samakatwid, ang palaktaw-laktaw na
pagbabasa ay ang preliminaryong bahagi ng
pagpapaubaya sa iyong sarili na magbasa
nang masinsinan kung may nakita kang
isang punto na sa iyong palagay ay
makatutulong nang malaki sa pananaliksik.
❑ Ang paghahanap ng mga kaganapan o fact
finding ay isang istilo ng pagbabasa na kung
saan ang layunin ay maghanap ng mga
tiyak na kaganapan o detalye na bumubuo
sa isang pangyayari.

❑ Imbestigasyon ang pinakapuso ng ganitong


uri ng pagbabasa
❑ Sanligan o referencing ay isang uri ng
ekstensibong pagbasa ng teksto.

❑ Sa ganitong istilo, ang mag-aaral o


mananaliksik ay nangangailangan ng
karagdagang teksto upang makita ang
kabuuan ng isang larawan.
❑ Pagbabasa para Pag-unawa. Sa ganitong uri
ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag-
aaral ay naglalayong maunawan nang
buong buo ang teksto at mga impormasyong
naka paloob dito.
Hindi ito paligsahan ng bilis ng pagbabasa o
paramihan ng pahinang binasa upang masabi
lamang na iyong nagampanan ang tungkuling
pagbabasa. Ang ganitong uri ng pagbabasa ay
nangangailangan ng komprehensyon.
Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong upang
magkaroon ng mataas na komprehensyon sa binasang
teksto:

(1) Pagkaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o


pananaliksik;
(2) Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa binasang teksto.
Ang pagbabahagi ng iyong natutunan sa binasang teksto
ay simula ng pagtanggap sa perspektiba ng iba na
mainam upang higit na maging malalim ang iyong
komprehensyon sa binasang teksto.
J.Mga Estratehiya sa Pananaliksik
Ang mga sumusunod na estratehiya ay maaring
makatulong sa mga mag-aaral para sa
kanilang maayos na pagsasakatuparan sa mga
gawaing may kaugnayan sa pananaliksik.
1. Paggamit ng impormasyon
2. Pagpili ng makabuluhang impormasyon
3. Paggamit ng diurnal
4. Pagsasaayos ng impormasyon
K. Mga Estratehiya upang matandaan ang Impormasyon
1. Maaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumamit ng
mga patterns upang maging gabay sa pagtanda sa
mahahalagang impormasyon ng pag-aaral.

2. Ang paggamit ng highlightener o pangkulay sa mga


mahahalagang impormasyon sa teksto ay
makatutulong din upang matandaan ang mga
mahahalagang impormasyon sa teksto.
3. Ang aktibong gawain katulad ng paglalakad-lakad ay
maari ring makatulong.
4. Maari rin namang iugnay ng mag-aaral ang mga
impormasyon sa teksto sa mga mahahalagang personal na
bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
5. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon
ang paglalagay ng mga ilustrasyon at iba pang marka
habang nagbabasa.
Konsepto ng Pagbubuod
❑ Binigyan ng depinisyon ang pagbubuod
bilang pamamamaraan ng pag-uulit ng
salita ng iba sa kanilang mga akda gamit
ang sariling pananalita ng nagsasagawa
ng pagbubuod.
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong
sa gawaing pagbubuod:
1. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan
ng maaring idulot sa kapwa, kamag-aaral at
iba pa.

2. Ang buod ay higit na maiksi kaysa sa


orihinal na teksto.
3. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng
kakayahang manghikayat sa mga mananaliksik
at magbabasa ng mahigit na mainam na basahin
ang pinaiksing bersyon kaysa napakahabang
orihinal. Nararapat na mapagtagumpayan ng
nagbubuod na mabigyan ng kagyat na ideya sa
orihinal na bersyon ang mga sasangguni nito.
4. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan
ng mataas na antas ng pag-unawa sa binasang
teksto.
Ang Paggamit ng Sipi at ang Pagbubuod
❑ Napakahalaga ng sipi sa buong proseso ng
pagbubuod sa mga pagkakataon na ang
kanilang orihinal na teksto ay mahirap
tumbasan sapagkat maaring magdulot ng
maling rekognisyon (misattribution) sa
konteksto ng may-akda na labag sa etika
sa pagsulat.
❑ Sa kabilang dako, nararapat ang pagbubuod
kung ang teksto ay maaring bigyan ng
paliwanag sa paraang hindi nasasagasaan ang
orihinal na konteksto ng may-akda. Higit na
mainam ang pagbubuod kaysa sa paggamit ng
sipi sapagkat binibigyan nito ng control ang
mag-aaral o mananaliksik sa argumento ng
orihinal na may-akda
Pagbubuod at Synthesis
❑Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa
synthesis bagamat ang dalawang konsepto
ay parehong nararapat na isaalang-alang
sa pangangalap ng impormasyon para sa
isang iskolarling pagsusulat.
❑ Ayon kay Fries-Gaither (2010) ang
pagbubuod ay ang pagtukoy sa
mahahalagang elemento ng teksto at ang
pagpapaiksi ng mahahalagang
impormasyon gamit ang sariling
lenggwahe o salita habang at pagkatapos
na isinasagawang pagbabasa para sa isang
buong kahulugan.
❑ Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy
sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas nitong
antas. Sa halip na ulitin ang mahahalagang
puntos ng teksto na ginagawa sa pagbubuod,
kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling
pananaw ng mag-aaral ang ideya na ibinibigay
ng orihinal na may-akada ng teksto na
ginagawang synthesis.

You might also like