You are on page 1of 1

Allisa Niña B.

Lugo BSEd-Filipino 3-1

Depinasyon ng Pananaliksik
 Viscarra, 2003- ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang sistematiko,
kontrolado, empiriko at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag
tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
 Calderon at Gonzales, 1993- ayon sa kanila ang pananaliksik ay isang
sistematikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpapaliwanag at pagbibigay kahulugan ng isang datos o impormasyon na
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang nagpapalawak sa mga
limitadong kaalaman at pagpapakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
 Sauco, 1998- ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang pamamaraang
sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at
wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apuruhang pagkuha ng mga datos
sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay
sinusulat at iniuulat.

Kahalagahan ng Pananaliksik
 Mahalaga ang pananaliksik sa ating pang-araw-araw na buhay sapagkat ito ay
paraan upang malutas natin ang lahat ng ating mga suliranin. Sa ganitong
paraan din natin nalalaman kung ang mga bagay, tao, o pangayayari ay
magkaugnay o mahalaga sa isa’t isa.
 Ginagamit ang sistemang ito upang malaman ang mga bagay na hindi pa naabot
ng ating kamalayan.
 Mahala ito dahil nakapagpapalawak at nakapagpapalalim ng karanasan ng tao
hindi pang tungkol sa partikular na paksang pinag-aralan niya, kundi sa lipunang
nagsisilbing konteksto ng kanyang pananaliksik.
 Mahalaga ito dahil ito at nagpapayaman ng kaisipan ng isang mananaliksik dahil
sa walang humpay na pagbasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad o paglalapat ng
interprestasyon at nagpapalawak din ito ng eksperyensya ng isang manunulat sa
mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakakasalamuha sa pagkalap ng
mahalagang datos sa pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura. At
kung maayos at matagumpay na naisasakatuparan ang alinmang pag-aaral na
isinasagawa at tumataas ang respeto at tiwala sa sarili ng taong gumagawa ng
pananaliksik.

You might also like