You are on page 1of 1

Ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap,

pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa


paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong
nagawa ng tao.
Ang katangian ng pananaliksik ay nagpapakita ng kahalagahan nito hindi lang sa
larangan ng pag-aaral ngunit sa kasalukuyang lipunan sa kabuuan. Itinuturo nito sa
mga mag-aaral ang pakikibahagi sa mga masinsinang pagsusuri sa mga aktwal na
pangyayari at hakbangin upang maisaayos ang mga imbestigasyon at makabuo ng mga
kongklusyon at mga sanggunian. Dito nangyayari ang proseso ng pagsuri at
pagsasaayos ng mga impormasyon upang mahubog ang mga estudyante bilang mga
matalinong mamamayan, handang kumilos para sa kabutihan ng lipunan, at siyang
magdadala ng tagumpay ng buong lipunan.
Sa madaling salita, kung nais nating malaman kung ang mga bagay ay magkaugnay o
magkaugnay o magkakauri kinakailangan natin ang magsaliksik o gumawa ng
pananaliksik. Ang mga interes, hinala, at kuryosidad ay natutugunan sa pamamagitan
ng pananaliksik. Dahil ang tao ay likas na mapaghanap, nakaututulong ang
pananaliksik upang matugunan ang pangangailangan ng ta sa impormasyon at
matalinong paggamit ng mga impormasyong ito.
Sa lahat ng ito, malinaw na nakapagbibigay ng kahalagahan ang pag-aaral ng
pananaliksik sa mga mag-aaral. Siya ang nagpapalawak sa kaalaman, nagpapatatag
ng kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, at siyang nagdadala ng pag-unlad
ng kabuuan ng lipunan. Sa kanyang gamit sa publiko, ang pananaliksik ay
nagpapabago hindi lang sa bawat isa kundi sa lahat ng aspeto ng lipunang
kinaroroonan natin. Kaya't nararapat lamang na ituro ito sa bawat mag-aaral upang sila
ay maisanay at palawakin ang kanilang kaalaman sa mundo ng pananaliksik para sa
kanilang tagumpay hindi lang sa pag-aaral kundi sa komunidad din.

You might also like