You are on page 1of 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, ipinapakita ang mga proseso na ginamit. Bukod dito, ipinaliliwanag at iniuulat ang
pamamaraan ng pananaliksik, disenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng pagkuha ng sampol,
pamamaraan ng pagkolekta ng datos, at mga kasangkapan na ginamit sa pag-aaral na ito. Layunin nitong
matukoy ang epekto ng maagang pag-access sa teknolohiya sa personalidad at pag-uugali ng mga batang
Pilipino.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy sa pangkalahatang plano o estratehiya na naglalayong


tukuyin kung paano isasagawa ang isang pag-aaral. Ito ay sumasaklaw sa balangkas at estruktura ng
pananaliksik, kasama ang mga pamamaraan, proseso, at teknik na gagamitin upang kolektahin at suriin
ang mga datos. Ang disenyo ng pananaliksik ay mahalaga upang matiyak ang katumpakan, kahusayan, at
kahalagahan ng mga natuklasan ng pananaliksik (Betensky, n.d.).

Ang exploratory research design ay ipinaliwanag ni Tegan George (2012), bilang isang uri ng
metodolohiya sa pananaliksik na naglalayong suriin at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa isang
paksa o problema, lalo na kung mayroong limitadong kaalaman o ang paksa ay hindi gaanong
nasasaliksik pa. Ito ay ginagamitan ng mga pagsisiyasat sa simula, pagkakalap ng impormasyon, at
pagbuo ng mga kaalaman upang gabayan ang karagdagang pananaliksik. Ang ganitong paraan ay
nagbibigay-daan sa mga mananaliksik na makakilala ang mga pagkakatulad, pagkakaugnay, o potensyal
na mga baryabol na maaaring makaapekto sa penomena na pinag-aaralan. Sapagkat ang pag-aaral na ito
ay may limitado pa lamang kaalaman at may malaking kinalaman sa aspekto ng pag-uugali at
personalidad ng isang batang Pilipino bilang tugon sa mga pagbabago sa kinagawian ng isang tao tulad
ng paggamit ng teknolohiya sa murang edad kaya ito ay inilalagay sa ilalim ng paraang ito. Bukod dito,
ang pag-aaral ay naglalantad ng partikular na pagtugon ng pag-uugali ng mga batang Pilipino sa mga
sumusunod na pagbabago, ito din ay nagbibigay lalim sa pang-unawa sa personalidad at kilos ng bata
ayon sa pagkakaroon ng pagkakataong gumamit ng teknolohiya sa murang edad mula sa obserbasyon ng
bata mismo at mga taong nakapaligid dito. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng mananaliksik ay
lubos na maunawaan ang personalidad at gawi ng isang batang Pilipino na gumagamit ng teknolohiya sa
murang edad.
PAGKOLEKTA NG DATOS

Ang pagkolekta ng datos ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng isang pananaliksik at ito ay isa sa mga
pinakamahirap na gawain dahil ito ang aktwal na paglalakbay patungo sa lugar ng pananaliksik kung saan
aktibo at natural na namumuhay ang mga kalahok, sinusubok at posibleng nagpapatunay ng inaasahang
pangyayari.

Sa pag-aaral na ito, magsisimula ang mga mananaliksik sa paghahanda ng mga tanong sa panayam at
pag-ayon ng mga katanungan sa mga posibleng kalahok. Pagkatapos ay mamimili ang mga mananaliksik
ng kanilang mga kalahok na mga batang Pilipino mula sa General Trias City, Cavite na gumagamit ng
teknolohiya sa murang edad na 5 – 8 taong gulang.

Matapos makapili ay magkakaroon rin ng pagpapakilala tungkol sa mananaliksik, pananaliksik at mga


taong kapapanayamin. Kung saan mag-uusap ang mga mananaliksik at mga kalahok ukol sa mga
alintuntunin at kasunduan.

Sumunod, mayroong isang taga-tala ng mga detalye, isang operator ng audio recorder, at isang taga-kuha
ng larawan upang maayos na maipamahagi ang mga gawain sa buong koponan. Inihanda ng mga
partikular na tao ang mga kagamitan na kailangan para sa kanilang mga gawain tulad ng lapis at
notebook para sa taga-tala ng mga detalye, mobile phone na may voice recorder para sa operator ng
audio recorder, mobile phone na may pinakamagandang kamera para sa larawan, at kumpiyansa sa sarili
at lakas ng loob para sa mga makikipagpanayam sa mga kalahok.

Ang pagkuha ng datos mula sa kalahok ay mangyayari gamit ang iba’t ibang paraan at teknilk na naayon
sa Sikolohiyang Pilipino. Una ay magkakaroon ng pakapa-kapa sa unang pagkikita ng mga kalahok at
mananaliksik sapagkat sila ay hindi pa pamilyar sa isa’t isa at sasailalim sa mga datos na wala pang
gaanong kaalaman sa magiging resulta. Kung saan gagamit din ng pakikiramdam ang mga mananaliksik
kung nais ba talagang makilahok ng mga napiling mga kalahok. Sa pagkuha naman ng mga impormasyon
tungkol sa pananaliksik ay gagamit ng pinaghalo-halong pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan, at
pagdalaw-dalaw. Sapagkat magkakaroon ng mga listahan ng katanungan ang mga mananaliksik na
itatanong isa-isa sa mga kalahok, ngunit matapos nito ay dadalaw silang muli upang makipag-kwentuhan
sa mga kalahok para magkaroon ng mas tuwiran at mapagkakatiwalaang mga datos.

References:

Betensky, R. (n.d.). Research guides: Organizing academic research papers: Types of research
designs. Types of Research Designs - Organizing Academic Research Papers - Research
Guides at Sacred Heart University. https://library.sacredheart.edu/c.php?
g=29803&p=185902

George, T. (2023, June 22). Exploratory research: Definition, Guide, & Examples. Scribbr.
https://www.scribbr.com/methodology/exploratory-research/

You might also like