You are on page 1of 5

KABANATA II

METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo, mga tagatugon at instrumento sa


pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamaraang deskriptib na pananaliksik.
Sa paraang ito, ang pag-aaral ay naglalayong mailahad ang mga impormasyon
tungkol sa pakikipagsapalaran o pakikibaka ng batang lansangan. Ito ay isang
exploratory paper;
binigyang-diin ang mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila naghahanap-
buhay sa murang edad; mga dahilan kung kanino nila inilalaan ang kanilang kita sa
paghahanap-buhay; mga dahilan ng patuloy nilang paghahanap-buhay; mga
karanasang kanilang pinagdaanan na maaring maging sanhi parasila ay
magtrabaho; mga suliranin na kanilang naranasan sa pagtatrabaho; mga iba pang
uri ngtrabaho na kanila ng naranasan; epekto ng paghahanap-buhay sa sarili;
pamilya at kamag-anakat; kanyang pananaw patungkol sa kanyang sarili at
pamilya

Isa itong kwalitatibong pag-aaral na naglalayong alamin ang mga pananaw mula
sa mgatagatugon at maunawaan ang kanilang kalagayan sa lipunan. Upang
maunawaan din ang mgakahulugan at interpretasyon na ibinibigay nila sa
kanilang mga kilos at karanasan sa buhay(Bailey et al, 2011). Ang kwalitatibong
paraan ay kinakailangan sa pag aaral na ito upang matulungan ang mga
mananaliksik na maintindihan o maunawaan ang mga dahilan ng mga kabataan
kung bakit sila patuloy na naghahanapbuhay sa lansangan
Ang kwalitatibong pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri ng isang paksang may
piling respondene. Makikita dito ang proseso ng pakikipag palagayang-loob ay
nagbibigay ng komportableng pakiramdam para sa pagkuha ng impormasyon.
Isang uri ng kwalitatibong pamamaraan ay ang
In-depth Interview
na ginagamit upang malaman kung paano bigyang pakahulugan ng mga tao ang
mundo (Alin et al, 2008). Ito rin ay isang pagkakataon upang malinawna maipakita
ang mga pananaw ng mga tagatugon sa pinag-uusapang paksa. Ito ay ginamit
upang mahikayat ang mga tagatugon na ibahagi ang kanilang nararamdaman,
pananaw,opinyon at karanasan.

Ang mananaliksik ay gumamit din ng mga Katutubong Pamamaraan sa


pangangalap ng datos gaya ngpakapa-kapa, pakikipag kwentuhan at patanong-
tanong Sa pamamagitan ng mga pamaraang ito, ang mananaliksik ay nagkaroon
ng malawak at malalim pang pangunawa ukol sakadahilanan ng mga kabataan sa
patuloy na paghahanap-buhay sa murang edad.

Ang pakapa-kapang pamamaraan ay ginamit upang makapapalagayang-loob ng


mga mananaliksik ang mga tagatugon. Sa pamamaraang ito, tinukoy kung paano
tinimbang ng mga mananliksik ang mga usapin hingil sa panayam. Ito ay isinagawa
upang hindi mabigla ang mga kinakapanayam sa mga katanungan at para rin
magkaroon ng maayos at magandang daloy angsusunod ng pagpapanayam

Ang pakikipag kwentuhan naman ang sumunod na pamamaraan kung saan sa


paraang ito magkakaroon ng pagkakaunawaan at pagiging isa ng isip at diwa ang
kakapanayamin at pumapanayam. Ang huli ay angpatanung-tanong na
pamamaraan tungkol sa ginagawang pananaliksik.
Deskripsyon ng mga Respondente
Ang mga tagatugon ay pinili sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan:
(1) angmga tagatugon ay mga kabataan, babae man o lalaki na may edad
labingwalo pababa at (2) angmga tagatugon ay nag hahanapbuhay sa
lansangan.Ang mga mananaliksik ay nangangailangan lamang ng tatlong (3)
kabataan na maaaringmapanayaman.

Instrumento
Upang malikom ang mga sapat at hinahanap na impormasyon kinapanayaman ng
mgamananaliksik ang mga tagatugon sa oras kung saan komportable ang mga
tagatugon.Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Interview Guide upang maging
maayos ang daloy ng pakikipanayamsa tagatugon.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Semi-structured Interview Guide:


Isa itong uri nggabay sa pakikipanayam na nagbigay ng iba pang kaugnay na
katanungan habang nagaganapang panayam. Gumamit din ang mga mananaliksik
ng mga bukas na katanungan oopen-endedquestionsupang bigyang kalayaan at
maging komportable ang mga tagatugon na ibahagi angkanilang karanasan.
(Pomerantz, 2011
)Ang Interview Guide
ay hinati sa tatlong bahagi: Ang una ay nakatuon sa pagtingin ngkabataan sa
kanyang sarili katulad na lamang ng gampanin sa buhay, hangarin sa sarili,
pananawsa buhay at pakiramdam nila sa kanilang ginagawa. Pangalawa naman ay
nakatuon sa kontekstong pamilya sa kanilang buhay katulad ng kalagayan ng
pamilya, palagay sa responsibilidad ng pamilya at ang kahalagahan ng isang
pamilya. Pang huli ay nakatuon naman sa pananaw
karanasan sa paghahanap buhay sa lansangan gaya ng kadahilanan sa
paghahanap-buhay, mganakaimpluwesya sa pagahahanap-buhay, kita sa
paghahanapbuhay at kalagayan sa trabaho

Mga Pamamaraan sa Paglikom ng Datos


Ang mga mananaliksik ay may sinundang takdang panahon na nakatala sa isang
GantChart para sa maayos at sistematikong paglikom ng mga datos. Sila ay
nagsagawa ng pagpapanayam sa mga potensyal na tagatugon kasabay ng
pagpapaliwang ng mga alituntunin atsaklaw ng impormasyon noong ika-21 ng
Abril taong 2018. Ang pagpapanayam na ito ay maylayuning: (1) maipaliwanag
ang mga etikang pamantayan at kabatirang pagsang-ayon;
(2)makipagpalagayangloob sa mga tagatugon at (3) Makakuha ng sapat na
impormasyong ukol sa paksa

.Ang pakikipanayam ay isinagawa upang mangalap ng mga ninanais na


impormasyon.Ang mga mananaliksik at mga tagatugon ay nagkaroon nang
maayos na pag-uusap upang unti-unting matalakay ang mga paksa sa paraang
hindi magiging maganda at maayos ang daloy ng panayam kasama ang mga
tagatugon. Ibinatay ng mga mananaliksik ang takbo ng mgakatanungan sa
kanilang Interview Guide Questions sa pagbuo ng karagdagan katanungan sa
paglinaw ng mga nakalap na mga datos.

Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos


AngThematic Analysis ay sumusuri sa mga datos upang matukoy ang makikitang
mgakaraniwang isyu at malaman ang pangunahing tema na magbubuod sa lahat
ng mga pananaw nanakalap (Brikci at Green, 2007). Gamit ang ganitong uri ng
pamamaraan, higit na masuri atnaunawaan ang mga datos na nakalap mula sa
mga tagatugon
Ang mga pinakamahalagang antas ng Thematic Analysis ay ang mga sumusunod:
(1)Pagbasa at pagkomentaryo sa mga transcript. Sa pamamagitan nito, napunan
ang mga kinailangang datos ng mga mananaliksik; (2) Natukoy ang tema. Sa
bahaging ito, bibigyang- pansin ng mga mananaliksik ang mga datos sa pagtukoy
ng mga tema; (3) Pagbuo ng CodingScheme. Nang matukoy ang mga paunang
tema, ang mga ito ay isinaayos ang talaan kasama ang mga codes na ginamit sa
mga datos na nakatulong sa pagkalap ng mga datos na kinailangan; (4)Coding ng
mga datos.Ang mga codes ay inilapat sa buong set ng datos sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga codes sa mga margin ng transcripts o ang pagmarka sa mga
nakasulat na teksto (Brikci at Green,2007

You might also like