You are on page 1of 6

Harana: Isang Instrumentong Ginagamit ng Puso Para Ipahayag ang

Nararamdaman

Isang Pananaliksik na Iniharap kay:

GNG. MAYLYN M. LEONZON

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa

Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Iniharap nina:

CYRIL M. CARINGAL

SEAN JAMES VANCE P. ILAGAN

REIGN M. ORCULLO

JAMES BRYAN D. OROZCO

Ika-17 ng Enero 2023


Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik Gabay na tanong:

1. Anong paniniwala, pagkain, kasuotan, gawi, linangan, hanapbuhay, wika at suliraning

panlipunan ang gusto mong alamin at pag-aralan?

- Ang gawi na gusto naming alamin at pag-aralan ay ang tradisyong harana.

2. Anong tanong ang gusto mong bigyan ng kasagutan tungkol sa paksa? Magbigay ng tatlo,

dahil ito ang magsisilbing katanungan sa bahaging

3. Paglalahad ng suliranin (Statement of the Problem):

Suliranin 1: Gaano kaepektibo ang panghaharana upang makaakit ng kasintahan?

Suliranin 2: Paano naaapektuhan ng harana ang disposisyon ng babae?

Suliranin 3: Paano naiimpluwensyahan ng harana ang impresyon ng lalaki sa magulang

ng babae?

4. Ano ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral?

- Ang layunin ng pananaliksik ay ang pagtukoy kung gaano kabisa ang panghaharana sa

pagpapaibig ng dalaga. Nais alamin ng pananaliksik ang epekto ng panghaharana sa

nililigawan, at sa magulang ng dalaga. Mahalaga ang pag-aaral dahil makapagbibigay ito

ng malalim na pagsusuri sa tradisyong harana at upang matukoy ang pagiging epektibo

nito. Mahalaga rin ito dahil makatutulong ito sa mga kabataan upang lalong mapalalim

ang pagkakaunawa nila sa tradisyon. Matutulungan din ng pag-aaral ang mga kabataang

lalaki upang matukoy kung tunay nga bang mas makabubuti para sa kanila ang sumunod

sa kinagawiang tradisyon.

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

- Ang isasagawaang pananaliksik ay kuwantitatibo.


Pangangalap ng Datos

1. Anong instrumento sa pangangalap ng datos ang gagamitin?

- Ang instrumento sa gagamitin para sa pananaliksik na ito ay surveys/sarbey.

2. Paano ang isasagawa ang aktuwal na pangangalap at presentasyon ng datos?

a. Disenyo ng Pananaliksik

Ang uri ng pananaliksik na gagamitin dito ay kuwantitatibong pananaliksik. Ito

ang napili ng mga mananaliksik dahil ang datos na makakalap ng mga mananaliksik ay

mga numero at kung gaano kadalas maulit ang mga tugon ng mga napiling tagasagot. Sa

ganitong paraan din maipapakita ang bisa ng pang-haharana sa pangliligaw at kung

papaano nag-iiba ang tingin ng nililigawan at ng kaniyang mga magulang sa manliligaw.

b. Mga Respondente ng Pananaliksik

Ang mga respondente na pipiliin para sa pananaliksik na ito ay sa pamamagitan

ng purposive sampling sapagkat ang obhetibo ng pananaliksik ay gawing mapagkukunan

ng impormasyon at datos ang babaeng nakaranas ng pang-haharana at ang kaniyang mga

magulang para sa pag-papaunlad ng pananaliksik.

Dalawampu hanggang tatlumpung mga respondente ang pag-sasagutin ng sarbey

para sa pananaliksik na ito. Nagmumula sa mga probinsyang tulad ng Nueva Ecija ang

mga respondenteng ito.


c. Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng isang sarbey. Ang mga mananaliksik ay gagawa at magpapakalat ng

isang sarbey gamit ang Google Forms na kinapapalooban ng isang talatanungan

patungkol sa epekto ng harana sa babaeng hinaharana, sa magulang niya, at kung gaano

kaepektibo ito sa paglikha ng mga relasyon. Ngunit bago ipasagot ang mga sarbey,

pagsasagutin muna ng mga mananaliksik ang mga respondente ng mga consent forms

upang matiyak ang pagpayag nila sa pakikilahok sa pananaliksik.

d. Presentasyon ng mga Datos

Ang mga datos at impormasyong nakalap mula sa mga respondente ay

pagsasamahin at ilalahad sa paraang pa-dayagram o ang tinatawag na diagrammatic

presentation.

Statistical Treatment

Ang treatment na gagawin sa nakalap na datos upang ito ay maipresenta at mabigyan ng

kahulugan ay ang descriptive statisctics analysis. Sa pagsusuri ng datos, and dalas ng mga

sagot ay ginawang porsyento at ang pormulang ginamit ay nakalahad sa ibaba:

P = (F/R) x 100

Kung saan:

P = Porsyento

F = Frequency o gaano kadalas nauulit ang datos

R = Kabuuang dami ng mga respondent


Pagsusuri ng Datos

1. Paano isasagawa ang presentasyon ng datos, pagsusuri at interpretasyon ng datos?

Una, aming ilalahad at aayusin ang mga datos na aming nakuha mula sa mga

respondente na sumagot sa aming sarbey. Ang datos na ito ay susuriin ng mga

mananaliksik upang malaman kung ang panghaharana ba ay epektibo sa panliligaw at

papaano nito naiiba ang tingin ng nililigawan sa nanghaharana. Dito rin makikita kung

nag-resulta ba ang panghaharana sa isang relasyon.

2. Paano bubuuin ang sumusunod:

a. Lagom

Malinaw na ibubuod ang nilalaman ng paksa at panimula hanggang sa pagsusuri

ng datos ng pananaliksik. Ang mga nakalap na datos ay isasaayos sa paraang

diagrammatic presentation upang mapadali ang mga magbabasa sa pag-intindi ng

nakalap na datos. Ililista rin ang mga detalye na aming natuklasan para madaling makita

ang resulta ng pananaliksik.

b. Konklusyon

Masasagutan ang mga tanong sa problema sa bahaging ito ng pananaliksik. Sa

parting ito ilalatag ang naging konklusyon ng pananaliksik na ito. Dito malalaman kung

ang panghaharana ba ay epektibo sa panliligaw, papaano iniba ng panghaharana ang

disposisyon ng babae patungo sa lalaki, at paano naimpluwensyahan ng pang-haharana

ang tingin ng magulang ng babae sa lalaki.


c. Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na paramihin pa ang mga respondante

upang mas mag-karoon pa ng mas-detalyado at malinaw na mga resulta na maaring

magamit sa pag-papatuloy ng pananaliksik na ito.

You might also like