You are on page 1of 4

KABANATA II.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Disenyo At Pamamaraan Ng Pananaliksik

Matitiyak ng pag-aaral na ito ang epekto ng child abuse sa

kaugalian ng kabataan sa Barangay Bula, General Santos City ayon sa

kanilang karanasan, pananaw at opinion hinggil sa paksang pag-

uusapan.

Kuwantitatibo ang disenyong gagamitin ng mga mananaliksik dahil

gagamit ng mga kompyutasyon, numero, porsyento at matematikal na

pamamaraan ang gagawing pananaliksik. Ito rin ang napili dahil salik

nito ang paggawa ng talatanungan o questionnaire. Deskriptibo rin ang

disensyong gagamitin dahil ito’y tumutugon sa mga tanong na ano, saan,

kailan at paano nangyari ang isang pangyayari na maaayon sa

kasagutan ng mga mapipiling respondente. Magiging batayang

pamamaraan din ang paggamit ng sarbey ng mga mananaliksik dahil

makakabuo ito ng mga talatanungan na syang gagamit sa pagtitipon at

pagkuha ng mga datos. Ang makukuhang datos ay magagamit at

makakatulong sa nasabing pag-aaral.

Lokal At Populasyon Ng Pananaliksik.

Ang mga respondente sa sarbey na isasagawa ng mga

mananaliksik ay ang mga kabataan na nagmula sa iba’t ibang parte ng


Barangay Bula, General Santos City. Mga kabataang nasa edad walong

taon pababa.

Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng isang daan (100) bilang ng

mga respondente. Nagmumula ito sa mga tutugon ng talatanungan sa

iba’t ibang parte ng Barangay Bula, General Santos City.

Kasangkapan Sa Paglikom Ng Datos.

Ang mga mananaliksik ay nagsawa ng isang sarbey upang

makakalap ng mga datos na magagamit sa gagawing pananaliksik. Ang

mananaliksik ay gumamit ng isang talatanungan o questionnaire.

Mga Katanungan

Panuto: Sa unang numero bilugan lamang ang napiling kasagutan at


sa pangalawa at ikatatlong numero naman ay pakisagutan lamang
po.

1.Anong uri ng pang-aabuso ang iyong naranasan?


a. pisikal b. pagpapabaya
c. emosyonal at berbal d. pinansyal
o psychological

2. Ano ang epekto niyo sa’yo?

3. Ano-ano ang iyong ginawa upang maibsan ang paghihirap na


pinagdaanan mo?
Paraan Na Paglikom Ng Datos

Upang maisakatuparan ang pananaliksik, magsasagawa ang mga

mananaliksik ng iba’t ibang hakbang upang maging mas epektibo ang

pangangalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng

mga datos sa pamamagitan ng isang sarbey. Ang mga mananaliksik ay

maglalapat ng pagod, magtitipon ng mga datos, magtatanong at

makikisama tungkol sa pag-aaralang paksa. Pagkatapos ay gagawa ng

isang talatanungan o questionnaire kung saan nakapaloob ang mga

katanungan na makakatulong sa gagawing pananaliksik.

Paraan Sa Paglikom Ng Datos.

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga

respondente na tumugon sa talatanungan ay iisahin o ipagsasama. Ang

mga datos na ito ay idadaan sa istatiskal na pagsusuri upang matiyak

ang balidong resulta. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa

mga katanungang inilahad sa pag-aaral. Ang mga resulta ay

ipagkukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan ng mga

tumugon. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamit ang pie

graph. Dalawang pie graph ang gagamitin sa gagawing pananaliksik

sapagkat ang una ay para sa uri ng pang-aabusong pinagdaanan ng mga

kabataan at ang pangalawa naman ay kung anong kasarian ang


nagdaranas ng pang-aabuso. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha

ng porsyento ng tutugon sa mga tanong ay:

Porsyento = Bilang ng tugon/ Kabuuang bilang ng respondente x 100

You might also like