You are on page 1of 31

DISENYO AT METODO

NG PANANALIKSIK
Inihanda ni Dr. Reynele Bren G. Zafra
PANGKALAHATANG 

DISENYO NG PANANALIKSIK

1. Kwalitatibong Pananaliksik. Ito ay anyo ng pag-aaral na


itinuturing na “nonnumerical” o “hindi nabibilang”. Sa pagsasagawa
ng ganitong pananaliksik, ang mga datos ay itinatala at binibigyang-
interpretasyon gamit ang “nonnumerical” na pamamaraan gaya ng
open-ended surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsiyon na
kalimitang ginagawa sa iba’t ibang disiplinang nabibilang sa Agham
Panlipunan (Trochim, Donnelly, at Arora (2014).
PANGKALAHATANG 

DISENYO NG PANANALIKSIK

2. Kwantitatibong Pananaliksik. Ito ay anyo ng pananaliksik na nakatuon sa


numerikal na datos. Ayon kay Babbie (2010), tuon ng ganitong disenyo ang
obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri ng mga nakalap na datos
gamit ang structured research instrument. Sa ganitong anyo ng pananaliksik, mas
naiiwasan ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa estadistika na
ginamitan ng isang estandardisadong numerikal na pormula. Bagama’t itinuturing
na “numerically significant” ang ganitong pananaliksik, hindi naman maitatangging
isa sa kahinaan nito ang kawalan ng malalim na pagsusuri sa opinyon ng tao.
URI NG PANANALIKSIK

1. Historikal na Pananaliksik. Ang historikal na pananaliksik ay


isang sistematikong disenyo ng pangangalap at pagtataya ng datos
na may layuning ilarawan, ipaliwanag, at unawain ang mga aksiyon
at pangyayari sa nakalipas sa pinakatugmang interpretasyon. Sa
pagsasagawa ng ganitong pananaliksik kalimitang pinagkukuhanan
ng impormasyon ang mga dokumentong nasusulat, relics, remains,
oral statements at artifacts.
HISTORIKAL NA PANANALIKSIK

•Isang Pag-aaral sa Kasaysayan ng Paggamit ng Wikang


Filipino sa Telebisyon sa Pilipinas

•Historikal na Pag-aaral sa Kultura ng Babaylan sa Pilipinas

•Masusing Pag-aaral sa Buhay ng Labintatlong Martir ng Trece


Martires, Cavite
URI NG PANANALIKSIK

2. Penomenolohiya. Ito ay uri ng pananaliksik na nakatuon sa buhay


na karanasan ng mga kalahok sa pananaliksik ukol sa isang
penomenon. Sa pananaliksik na ito nalalaman ang iba’t ibang pagtingin
ng mga tao ukol sa mundo sang-ayon sa kani-kanilang perspektiba.
Layunin ng ganitong pananaliksik na direktang imbestigahan at isalaysay
ang isang penomenon na malay na naranasan ng tao. Kalimitang
ginagamit ang panayam, obserbasyon, pagsusuri ng naratibo, at
pagdodrowing sa pangangalap ng impormasyon.
PENOMENOLOHIKAL PANANALIKSIK

• Ang Sosyo-kultural at Sikolohikal na Karanasan ng mga


Migranteng Manggagawa sa Hongkong
•Ang Diskriminasyong Naranasan ng mga Babaeng Sundalo na
Nagtapos sa Philippine Military Academy
•Buhay at Danas ng mga Pilipinang Nakapag-asawa ng Arabo
sa Saudi Arabia
URI NG PANANALIKSIK

3. Ebalwatibo. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng


pananaliksik na suriin ang kalagayan ng isang proyekto,
programa, institusyon, sistema, o pamamalakad sa
pamamagitan ng pagsukat sa iba’t ibang aspektong bumubuo
rito na may layuning paunalarin ang kabuuang sistema. Sa
ganitong disenyo ng pananaliksik, madalas na tinitingnan ang
kalakasan at kahinaan ng mga nabanggit.
EBALWATIBONG PANANALIKSIK

• Pagsusuri sa Curriculum Guide ng mga Filipino Sabjek sa


Senior High School
• Isang Ebalwatibong Pag-aaral sa Programang 4P’s ng
Administrasyong Aquino
•Isang Pagsusuri sa Kalakasan at Kahinaan ng K to 12
Program sa Pilipinas sa Unang Taon ng Implementasyon
URI NG PANANALIKSIK

4. Action Research. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong


lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa,
organisasyon, o komunidad. Sa ganitong uri ng pananaliksik,
kalimitang kabahagi ang mga mananaliksik sa paksang pinag-
aaralan.
URI NG PANANALIKSIK

5. Komparatibong Pananaliksik. Ito ay uri ng pananaliksik


na may pangunahing layunin na ikumpara ang dalawang
varyabol na pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paksang pinag-aaralan.
Buhay na halimbawa nito ang paghahambing sa kultura ng
kabataan noon at sa kasalukuyan o ang kalagayang ekonomikal
ng mga Pilipino noon laban sa kasalukuyan o ang papel ng
kababaihan noon sa lipunan kumpara sa kasalukuyan.
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK

• Komparatibong Pag-aaral sa Bisa ng Oregano at Lagundi


bilang Gamot sa Ubo
• Isang Komparatibong Pag-aaral sa Kalagayan ng
Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas, Thailand, at Malaysia
•Paghahambing sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas at Indonesia
URI NG PANANALIKSIK
6. Etnograpiya. Pangunahing layunin ng disenyong ito na pag-aralan
ang isang penomenon sa konteksto ng kulturang nananahan sa nasabing
lipunan. Mahalaga ang ganitong disenyo ng pananaliksik sapagkat
nagbibigay ito ng malalim na kaalaman ukol sa sistemang politikal,
ekonomiko, at kultural ng isang lipunan. Bukod pa rito, pinag-aaralan din
sa ganitong uri ng disenyo ang interaksiyon, ugali, kilos at paniniwala ng
mga tao sa nasabing lipunan. Sa ganitong disenyo ng pananaliksik,
walang estrukturang sinusunod ang mga mananaliksik. Walang nalikhang
survey questionnaire o anumang anyo ng interview guide.
ETNOGRAPIYANG PANANALIKSIK
• Cultural Beliefs and Practices of Ethnic Filipinos: An
Ethnographic Study ni Evelyn J. Grey
• The Everyday Lives of Men: An Ethnographic
Investigation of Young Adult Male Identity ni Peter
Gill ng Victoria University
• Class and Gender in the Phillippines: Ethnographic
Interviews with Female Employer-Female Domestic
Dyads ni Emelda Tabao Driscoll ng Syracuse University
METODO SA PANANALIKSIK

1. Sarbey. Ang sarbey ay tumutukoy sa sistematikong pamamaraan ng


pangangalap ng datos kung saan ang mga tao ay tinatanong ukol sa
kanilang saloobin o opinyon hinggil sa isang paksa. Ito ay maaaring
isagawa sa pamamagitan ng paglikha ng isang talatanungan na
pasasagutan at panayam sa mga kalahok sa pag-aaral na mula sa isang
populasyon (Trochim, Donnelly, at Arora (2014).
URI NG SARBEY

a. Telephone Survey. Gumagamit dito ng telepono upang


alamin ang opinyon, saloobin o pulso ng target na kalahok sa
pag-aaral hinggil sa isang partikular na isyu o paksa ng
pananaliksik. Random na pinipili ng mga mananaliksik ang mga
kalahok sa pag-aaral gamit ang random-digit dialing.
URI NG SARBEY

b. Electronic Mail Survey. Ito ay anumang anyo ng


metodong sarbey na ang mga talatanungan ay ipinapadala sa e-
mail ng mga target na kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng
attachment. Ito ay inaasahang ibabalik ng kalahok sa takdang
panahon na kanilang binanggit sa personal na mensahe sa e-
mail.
URI NG SARBEY

c. Web Survey/Online Survey. Ito ay sarbey na isinasagawa sa isang


website. Gamit ang web browser ay nagagawang makapunta ng mga kalahok
sa nasabing website upang sagutin ang mga talatanungan. Ang ganitong
pamamaraan ay mabisang gamitin sa mga sample na magkakahiwalay ang
lokasyon. Ilan naman sa mga kahinaan nito ay ang potensiyal ng
pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga datos. Dahil sa kawalan ng
kontrol ng mananaliksik sa mga di niya kilalang kalahok, maaaring di
seryosohin ng mga ito ang pagsagot sa mga tanong.
URI NG SARBEY

d. Dual-media Survey. May dalawang pamamaraan ito upang


masagutan ng mga kalahok sa pag-aaral ang talatanungan -
electronic mail o web survey. Sa puntong ito ay binibigyang-
laya ang kalahok na pumili ng metodo na mas komportable
siyang gamitin.
METODO SA PANANALIKSIK

2. Panayam/Interbyu. Sa metodong ito ay direktang nakikipag-usap


ang mga mananaliksik sa kalahok sa pag-aaral upang makakuha ng
impormasyong makasasagot sa mga suliranin ng pananaliksik. Ayon kay
Keyton (2015) itinuturing itong pinakapratikal at epektibong metodo sa
isang kwalitatibong anyo ng pananaliksik na naglalayong malaman ang
nararamdaman at kung papaano mag-isip ang mga tao.
URI NG PANAYAM

a. Nakabalangkas na Panayam/Structured Interview. Tinatawag


ding standardized interview. Dito ang mga mananaliksik ay may nakahanda
nang listahan ng mga tanong sa kalahok. Layunin ng ganitong panayam
na walang makaligtaang tanong sa buong proseso ng panayam. Sa
ganitong uri ng interbyu, may kontrol ang mananaliksik sa daloy ng
talakayan.
URI NG PANAYAM

b. Bahagyang Nakabalangkas na Panayam/Semi-structured


Interview. Taglay ng ganitong uri ng panayam ang parehong katangian
na mayroon ang structured at unstructured interview. Sa katunayan, bukod sa
nakabalangkas na tanong ay may kalayaan na ang mananaliksik na
magtanong batay sa sagot ng kinakapanayam na hindi nagagawa sa isang
structured interview lalo na kung nangangailangan pa ng pagpapalalim at
pagpapalawak.
URI NG PANAYAM

c. Di Nakabalangkas na Panayam/Unstructured Interview.


Tinatawag din itong impormal na panayam. Walang nakabalangkas na
mga tanong na ginagamit sa ganitong uri ng panayam kaya naman
malaking oras ang kakailanganin ng mananaliksik sapagkat natural ang
daloy sa buong proseso. May kalayaan ding magtanong kaagad-agad ang
mananaliksik ng mga tanong na may kaugnayan sa sagot ng kalahok
nang walang anumang alinlangan.
METODO SA PANANALIKSIK

3. Ginabayang Talakayan/ Focus Group Discussion. Ito ay isang uri


ng talakayan na ginabayan ng isang indibidwal (maaaring mananaliksik o
hindi) na nagsisilbing facilitator ng usapan na binubuo ng 5 hanggang 10
kalahok na maaaring pinili gamit ang snowball sampling technique at purposive
sampling technique. Kadalasan ang talakayan ay umaabot hanggang 90
minuto depende sa partisipasyon ng bawat kalahok.
METODO SA PANANALIKSIK

4. Obserbasyon. Sa metodong ito ay inoobserbahan ng


mananaliksik ang mga kalahok at iba pang bagay na may
kaugnayan sa pag-aaral na makapagbibigay rin ng kasagutan at
impormasyon. Maaari itong purong kalahok (complete participant),
kalahok bilang tagamasid (participant as observer), tagamasid bilang kalahok
(observer as participant), at purong tagamasid (complete observer).
URI NG OBSERBASYON

a. Purong Kalahok (Complete Participant). Sa complete participant,


nagpapanggap ang mga mananaliksik na mga bahagi mismo ng grupo
upang unawain ang ugali at kilos ng paksang pinag-aaralan. Samakatwid,
umaakto silang miyembro mismo ng proseso pero hindi ipinapaalam na
sila ay nagmamasid at nagsusuri. Samantala, dapat tandaan na ang
pagmamasid ng mananaliksik bilang ganap na kalahok ay nakatuon sa
perspektiba ng pagiging kalahok mismo.
URI NG OBSERBASYON

b. Kalahok bilang Tagamasid (Participant as Observer). Sa ganitong uri


ng obserbasyon, malinaw na ang mananaliksik ay tumatayong kalahok at
tagamasid. Kaiba sa complete participant, sa uring ito ay malay na ang mga
miyembro ng grupong pinag-aaralan na may nagaganap na pananaliksik.
Bagama’t nakikisalamuha pa rin ang mananaliksik sa mahahalagang
gawain ng grupong pinag-aaralan, may mga pagkakataong kailangang
tumanggi siya upang bigyang-tuon ang pananaliksik.
URI NG OBSERBASYON

c. Tagamasid bilang Kalahok (Observer as participant). Sa uring ito ng


obserbasyon, tagamasid o observer ang tuon ng mga mananaliksik.
Subalit, malinaw sa dalawang grupo na may mga pagkakataon na
maaaring pumasok ang mga mananaliksik sa interaksiyon ng grupong
kalahok sa pag-aaral sa pamamaraang natural. Sa katunayan, malinaw sa
mga mananaliksik at sa grupong pinag-aaralan na maaaring makiisa
paminsan-misan ang una sa gawain ng grupo.
URI NG OBSERBASYON
d. Purong Tagamasid (Complete Observer). Sa ganitong uri ng
obserbasyon, tagamasid lamang ang mga mananaliksik. Samakatuwid,
hindi niya kailangang makiisa sa anumang gawain ng grupong pinag-
aaralan. Bukod pa rito, hindi din kailangang mag-interbyu at magtanong
sa miyembro ng grupong pinag-aaralan upang ipaliwanag ang kaniyang
naobserbahan. Sa katunayan, sa pagsasagawa ng ganitong obserbasyon,
dapat tandaan ng mga mananaliksik na mahigpit na ipinagbabawal ang
beripikasyon ng kanilang interpretasyon sa iba upang maiwasang
malantad ang kanilang sekretong gampanin
METODO SA PANANALIKSIK

5. Pagsusuri ng Nilalaman/Content Analysis. Ang metodong ito ay


kalimitang ginagamit sa kwalitatibong disenyo ng pananaliksik.
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga nasusulat na teksto upang malaman
ang tunay na kahulugan ng isang pahayag, konsepto, o kaalaman.

You might also like