You are on page 1of 5

Alamin Natin!

Allisa Niña B. Lugo BSEd Filipino 3-1

Gawain 1 Ang Nobela

Pumili ng isang nobela na nabasa mo na. Muli itong balikan at subukang gumawa ng
isang synopsis. Ang sinopsis ay isang buod na nasa anyong patalata at hindi sa anyong
pabalangkas. Buod ito subalit malaman. Karaniwang ginagamit ito na panimula sa mga akdang
pampanitikan upang maipakita ang pangunahing daloy ng akda sa payak na pamamaraan.
Ginagamit din ito sa nobela sa pamamagitan pagpapaikli ng buong nobela mula simula
hanggang wakas. Bukod sa gagawing sinopsis ay ipaliwanag ang layunin ng nobelang napili at
ang mga katangian nito. Ang gawaing ito ay tatayain batay sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos

Organisasyon 10

Orihinalidad 10

Kumpleto ang mga Elemento 10

Kahusayan sa Paggamit ng Wika 10

Kahusayan sa Pagpapaliwanag 10

Dating sa Mambabasa 10

Kabuuang Marka 60

“Kung Ibibigay ng Langit”


ni Aegeyeo Dreamer
Sampung taon empleyado ng isang kompanya si Danilo V. Fernandez na mas
kilala sa tawag na “Danny”. Sa samoung taon niyang pagtatarabaho sa kompanya ay
ganoon pa rin ang estado ng kanyang buhay, hindi mahirap ngunit hindi rin mayaman.
Palagi siyang pinupuri ng kanyang amo sa pagiging masipag at madiskarte sa
pagbebenta ng mga sasakyan ngunit hindi masaya si Danny sa kanyang trabaho dahil
ang gusto niya ay magtayo ng sariling negosyo. Ang asawa naman ni Danny na si
Helena S. Magbanua at mas kilala siya sa tawag na “Helen” , si Helen ay nag-iisang
anak na babae ng isang haciendero sa probinsya. Lumaki siyang mayaman at may
marangyang buhay ngunit ang lahat ay nagbago simula nang makilala niya si Danny at
umibig dito. At dahil sa tutol ang kanyang mga magulang sa pag-iibigan ng dalawa ay
tinakwil siya ng kanyang magulang at tinanggalan ng mana at ari-arian. Sumama si
Helen kay Danny na lumuwas sa Maynila at doon nagsimula ng bagong buhay bilang
mag-asawa at nabiyayaan sila ng dalawang anak na babae, ito ay sina Marie at Joy.
Dalawang taon ang tanda ni Marie kay Joy at malapit ang dalawa sa isa’t isa.
Isang araw sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Danny ay naabutan niya ang
isang empleyado na pinapagalitan ng kanilang amo, naawa siya sa kapwa niya
empleyado dahil tinanggal ito sa trabaho matapos makatanggap ng sermon. Umuwi
siya sa kanilang bahay dala ang isang supot na may lamang fried chicken na paborito
ng kanyang mga anak, umuwi siyang malungkot at balisa, tinanong siya ni Helen kaya
sinabi nito sa asawa ang nangyari sa kanilang opisina. Sinabi rin ni Danny sa asawa
ang kanyang planong magtayo ng sariling negosyo ngunit nadismaya at nagalit ang
asawang si Helen. Katuwiran ni Helen na hindi dapat tumigil sa trabaho dahil papaano
na ang pag-aaral ng kanilang anak. Ayaw ni Helen na magtayo ito ng sariling negosyo
sa kadahilanang wala siyang tiwala sa kakayanan ni Danny. Ilang beses na pakiusapan
ni Danny ang asawa ngunit ayaw talaga nito, hanggang sa isang araw nakita ni Helen
ang mga gamit sa bag ng asawa na may mga libro patungkol sa pagtatayo ng negosyo.
Tinanong ni Helen kung para saan ang mga libro at sinagot ito ni Danny na para sa
kanyang binubuong negsyo. Nanghina ang tuhod ni Helen sa narinig mula sa kanyang
asawa, hindi niya inasahan na maglilihim ang asawa nito sa kanya at susuwayin nito
ang kanyang desisyon. Nagdesisyon si Helen na makipaghiwalay sa asawa dahil ayaw
niyang mamuhay ng walang kasiguraduhan habang ang dalawang anak nila ay
nakikinig sa kanilang pagtatalo at umiiyak mula sa kabilang kwarto. Tinawag ni Helen
ang mga bata kung saan sila sasama kung sa kanya ba o sa kanilang amang si Danny,
nahirapan ang dalawa ng magdesisyon at halos iyak lang ang magawa, gustuhin man
nilang hindi maghiwalay ang kanilang magulang ay hindi na nila ito mapipigilan. Unang
nagpasya ang nakakatandang si Marie at pinili niyang sumama sa kanyang inang si
Helen, napaluha si Danny sa nangyayari habang si Joy naman ay nagulat sa agad na
pasya ng kanyang ate, kahit anong pilit niyang bawiin ang desisyon ng ate ay hindi na
niya mababago kaya nagpaiwan si Joy sa kanyang ama.
Umalis ng bahay sina Helen kasama si Joy at pagkalipas ng ilang buwan ay
nakatanggap ng balita si Danny na nag-asawa ulit si Helen sa isang mayaman at
negosyanteng lalaki at tumira sa ibang bansa kasama si Marie. Nalungkot si Danny
dahil sa akala niyang may pag-asa pang mabubuo ulit ang kanilang pamilya kapag
lumago ang kanyang negosyo habang si Joy naman ay galit sa kanyang ate sa
desisyon nitong sumama sa kanyang ina at pinalitan ang apelido at ginamit ang apelido
ng bagong kanyang tinuturing na ama. Sa isip ni Joy ay lubusan na ngang tinakwil ni
Marie ang kanilang ama. Habang si Danny naman ay araw at gabi todo kayod sa
kanyang negosyo, walang sandaling sinasayang ni Danny lahat ng oras niya ay
nakatuon dito, kahit pagod na ay patuloy pa rin siya sa paghahanap ng mga investors
sa kanyang negosyong. Hanggang isang araw ay nakaharap niya si Meranda isang
may ari ng kompanya at nais niyang mag invest sa negosyo nito dahil nagustuhan niya
ang business plan nito, sa araw ng business proposal ay nagmamadali si Danny na
makasakay ng dyip dali-dali siyang tumawid sa kalsada na hindi man lang nakita ang
kotseng paparating at siya ay nabangga nito. Dali-daling bumaba ang drayber ng kotse
upang kumustahin si Danny na mabili na nakatayo mula sa pagkakabangga dahil sa
isip niya hindi siya maaaring mahuli sa kanilang meeting dahil baka mag-cancel ang
mga investors niya. Dumudugo pa ang ilong ni Danny habang pinapaliwanag ang
kanyang business proposal at sa kabutihang palad ay nag-invest nga ang mga ito at
nangamong magbibigay ng pera at susuportahan ang negosyo ni Danny. Sa parking lot
ay nakita ni Meranda si Danny tinanong niya ito kung ano ang inspirasyon nito sa
pagtatayo ng negosyo at ang tanging tugon lang ni Danny ay ang kanyang pamilya na
nais niyang mabuo ulit. Pagka-uwi ni Danny ay masaya niyang ibinalita sa anak na
tinanggap ng mga investors niya ang kanyang business proposal at masaya siyang
niyakap ng anak ngunit ilang minuto lang ay biglang lumuwa ng digo si Danny at maya-
maya ay namatay, naiwang umiiyak si Joy habang tinitingnan ang kanyang amang wala
ng buhay.

Ang uri ng nobelang aking napili ay Nobela ng Tauhan kung saan binibigyang-diin sa
nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan,
sitwasyon at pangangailangan. Pinapakita nito ang hangarin, kalagayan, sitwayson at
pangangailangan ng pangunahing tauhan na si Danny, sinasalaysay nito ang mithiin
niyang mabuo ulit ang kanyang nawasak na pamilya sa pamamagitan ng pagpapalago
ng kanyang negosyo.

 Layunin ng nobelang ito na magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at


lipunan; at nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
 Layunin nitong magbigay aral na kahit igapang mo pa ang iyong sarili para
makamit ang pangarap ay hindi mo rin ito maaabot kapag hindi ito ibibigay ng
Panginoon.
 Makikita sa pamagat ng nobela na “Kung Ibibigay ng Langit” pamagat pa lang ay
nagpapahiwatig na ng posibleng daloy ng kuwento sa nobela kung kaya’t nag-
iiwan ito ng aral sa mga mambabasa na mabuti ang mangarap ngunit huwag
masyadong ipilit na umaabot sa puntong napapabayaan mo na rin ang iyong
sarili. Aanhin mo ang iyong tagumpay kung ang katawan mo ay pagod na, hindi
mo lubos na malalasap ang sarap na bunga ng iyong puspusang pagsisikap
kung ang iyong katawan ay bumigay na.

Gawain 2 Nobela sa Panahon ng Kastila


A. Urbana at Feilza
Ibigay ang mga mahahalagang asal batay sa sulat ni Urbana.

 Pagiging malinis at maayos ang katawan


gaya ng panghihilamos, pagsusuklay at
pagputol ng mahabang kuko.
 Pagkilos ng naaayon at tama ng isang
babae at paano makipagkapwa-tao
 Pagiging magalang sa mga matatanda gaya
ng pagbati, pagmano at pagpupugay.
 Pagiging madasalin o pagdarasal bago at
pagkatapos kumain
 Kung makikipag-usap at tuwiran ang
katawan, ilagay ng maayos ang sarili. Ang
pananalita ay susukatin, ilagay ang loob sa
kumakausap at sagutin ng mahusay at
madali ang tanong.
 Pagkakaroon ng kamulatan sa kahusayan
at kalinisan ng mga kasangkapan.
 Paglalagay sa sarili sa wasto at maayos na
kilos kapag nasa simbahan
Gawain 3 (Performance Task)
Bumuo ng limang mga tuntunin (moral rules) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.
Ipakita ito sa pamamagitan ng video clip habang isinasabuhay ang mga tuntuning ito. Ang
iyong tuntunin ay tatayain batay sa sumusunod na pamantayan:
a) Kaugnayan sa paksa (20);
b) nagtataglay ng wholistic na dulog na saklaw ang kabataan (20); at
c) Kahusayan sa Pagganap (10);
d) Pagkamalikhain (10).
Ang mga video clips ay kukunan sa loob ng inyong tahanan o sa inyong bakuran lamang
sa pamamagitan nito ay masusubok ang inyong pagkamalikhain.

You might also like