You are on page 1of 17

LIT 103 SANAYSAY AT TALUMPATI

“Ang Pagpili ng Paksa


at Mga Katangian ng
Mahusay na
Mananalumpati”
Inihanda ng Pangkat 4 (BSEd-FILIPINO 3-1)
TALU
MPATI
- Tinatawag na talumpati ang
anumang buod ng kaisipan na
isinulat at binibigkas sa mga
manonood. Naglalayon itong
makahikayat o mangatuwiran sa mga
napapanahong isyu o isang
partikular na paksa. Layunin din ng
mga talumpati na sumang-ayon,
tumugon, o magbigay ng
impormasyon sa mga tagapakinig.
Karaniwang ang talumpati ay
binibigkas ng tagapagsalita sa isang 2
ANG PAGPILI
NG PAKSA
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa sa
Pagtatalumpati

3
OKASYO
1 N
Mahalagang isaalang-alang ang okasyon sa paksa ng
talumpati na bibigkasin sapagkat hindi magiging
makabuluhan ang lahat ng pagsusumikap ng
tagapagsalita na mapaganda ang kanyang talumpati
kung hindi naman akma ang nilalaman ng kanyang
pagtatalakay sa okasyon.
Lenggwaheng
2 Gagamitin
Nakasalalay sa pagpili ng lenggwahe ang isandaang
bahagdang pakikinig ng mga tagapakinig. Nararapat
lamang na umangkop sa panlasa ng tagapakinig ang
lenggwahe ng magtatalumpati upang hindi ito kakitaan
ng pagkabagot habang isinasagawa ang pakikinig.
Bilang ng mga
3 Makikinig
Nakasalalay sa bilang ng mga tagapakinig ang
momentum ng tinig ng isang magtatalumpati kaya
mahalaga na malaman ito ng magtatalumpati bago pa
man simulan ang kanyang pagtatalakay.
4 Edad o Gulang ng
mga Makikinig
Isa ring salik kung bakit mahirap pukawin ang interes
ng mga tagapakinig ay ang pagkakaiba-iba ng edad ng
mga ito. Bilang nagtatalumpati, mahalaga na
matutunan ang pakikibagay sa edad ng nakararaming
mga manonood. Dapat tandaan na bawat edad ay iba’t
iba ang kinahihiligan.
5 Kasarian ng mga
Makikinig
Sa pangkalahatan, magkaiba ang ugali ng babae at
lalaki kung kaya ay nararapat na alamin muna ng
tagapagsalita o magtatalumpati ang kasarian ng
karamihan sa kanyang tagapakinig.
6 Edukasyon ng mga
Manonood
Malaking salik din sa pagtatalumpati ang edukasyon
ng mga tagapakinig. Bilang tagapagsalita, dapat niyang
timbangin ang lalim ng pag-unawa ng kanyang mga
tagapakinig upang nang sa ganun ay makapaghanda
rin siya kung anong wika ang angkop na gamitin.
Grupong
7 Kinabibilangan ng
mga Makikinig
Tungkulin ng isang mananalumpati ang paligayahin ang
kanyang mga tagapakinig. Hindi niya ito dapat bigyan ng
sama ng loob upang maging maayos ang daloy ng kanyang
pagtalakay. Malaking sagabal para sa pagtalakay kung iba
ang idolohiya ng mga makikinig sa paniniwala ng
magtatalumpati o tagapagsalita.
ANG PAGPILI
NG PAKSA
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Paksa

11
Pumili ng paksang napapanahon upang maakit ang kawilihan ng mga
tagapakinig.
Magkaroon ng sapat na kagamitan ng mapagkukunan ng datos.
Dapat naiaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng mananalumpati
ang paksang gagamitin.
Gumamit ng malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan. Iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng
pagtatalumpati at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan.
Dapat kilalanin ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig.

12
Mga Maaaring Mapagkunan ng mga
Impormasyon Para sa Napiling
Paksa:

Ang dating kaalaman Mga telenobela

Mga karanasan na may Mga awtoridad sa paksang


kinalaman sa paksa napili

13
KATANGI
AN NG
MAHUSAY
NA
MANANAL
14
KAALAMAN KAHUSAYAN MAY
KAHANDAAN
SA PAKSA SA KATAPATAN
PAGSASALITA

MARUNONG MAY TIWALA MAY MATATAG MAY MALAWAK


MAKINIG AT SA SARILI NA KALOOBAN NA
MAGHATID AT KAISIPANG BOKABULARYO
NG MENSAHE 15
POSITIBO
SANGGUNIAN:
https://prezi.com/uxmfctvlb8xp/paksa-sa-pagtatalumpati/?fbclid=IwAR02nCRyTAxk0vM2v-nrgXAbzTmjrqJNFFYHttLiE
HYqhll9GeiteuVFyXQ

https://quizlet.com/345820369/mga-dapat-tandaan-sa-pagpili-ng-paksa-flash-cards/?fbclid=IwAR07jt0LXp4PUycy-na9FT
0TexXiB_OHjT1R2lMGpLnONcWh3abO6k5srK4

https://www.coursehero.com/file/p12mgnsr/D-MGA-HAKBANGIN-SA-PAGHAHANDA-NG-TALUMPATI-1-PAG-IISIP
-AT-PAGPILI-NG-PAKSA-Sa/?fbclid=IwAR2i6hY-DbuN2Q6_6SPrksNlRW0NS3J977mfy_Iy7PCOVNEu3U8NlD2lJ_g

https://chrislingadkabiling.blogspot.com/2012/03/ang-pagtatalumpati.html?m=1&fbclid=IwAR2sSxE0LlpQCuDIEoEXE0
QrpjaEvkeCsaHkIO_-XjUBgEzkFZ8A5qvN_G4

https://www.coursehero.com/file/p1ke1520/Katangian-ng-magaling-na-mananalumpati-1-Kaalaman-2-Kasanayan-3-Tiwal
a-sa/?fbclid=IwAR2sSxE0LlpQCuDIEoEXE0QrpjaEvkeCsaHkIO_-XjUBgEzkFZ8A5qvN_G4
MARAMIN
G
SALAMAT!
Mga Katanungan?
Mahahanap kami sa:
✗ @lit103pangkat4
✗ lit103@pangkat4

17

You might also like