You are on page 1of 8

Alamin Natin!

Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang diskurso? (2 puntos)

Sagot: Ang diskurso ay Discourse sa Ingles at Discursus sa Latin na


nangangahulugang diskusyon o argumento. Ayon naman sa Merriam Webster, 1996 isa
rin itong yunit panglinggwistik na mas Malaki kaysa sa isang pangungusap gaya ng
isang kumbersasyon o isang kwento. Maituturing na mas malaki ito kaysa sa isang
pangungusap sapagkat ng nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng
maganap sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na
karaniwang humahabang pagpapahayagan ng mga kaisipan hinggil sa kung anong
paksa na maaaring pasalita o pasulat man. Ayon naman kay McCarthy, 1991,
tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag at sa pag-
unawa kung paano ginagamit ang wika. Nangangahulugan ito na sa pagdidiskurso ay
ginagamit ang wika upang maipahayag ang mga kaisipan o saloobin sa pamamagitan
ng pasulat o pasalita.

2. Bakit sinasabing ang diskurso ay isang ding yunit panlingwistik? (2 puntos)

Sagot: Ang diskurso ay sinasabing yunit panglinggwistik dahil mas malaki ito kaysa sa
isang pangungusap gaya ng isang kumbersasyon o isang kwento. Maituturing na mas
malaki ito kaysa sa isang pangungusap sapagkat ng nagkakaroon ng pagpapalitan ng
mga ideya na pwedeng maganap sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang
pormal at maayos na karaniwang humahabang pagpapahayagan ng mga kaisipan
hinggil sa kung anong paksa na maaaring pasalita o pasulat man.

3. Bakit maaaring maiugnay ang diskurso sa kumbersasyon? (2 puntos)

Sagot: Maaaring maiugnay ang diskurso sa kumbersasyon dahil sa diskurso ay may


nagaganap na pagpapalitan ng mga impormasyon o pagpapahayag ng mga ideya,
opinyon, pananaw at saloobin.
4. Sa pagdidiskurso, bakit kailangang maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa
kulturang nakapaloob dito? (2 puntos)

Sagot: Kailangang mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dahil
and wika at kultura ay magkabuhol. Kung kaya ay kailangan o marapat lamang na
maging maingat sa paggamit ng wika o salita sapagkat maaaring taglay nito ang kultura
ng taong nagsasalita.

5. Isa-isang ilarawan ang mga dimensyong kinakailangang isaalang-alang sa


pagdidiskurso. (8 puntos)

Kognisyon Komunikasyon
Kakayahan
Konteksto Tumutukoy ito Dimensyong
sa wasto at Likas sa mga ito
Mainam na tumutukoy sa
angkop na ang pagkakaroon
makita ang berbal at di
pagunawa sa nito tulad ng
kabuuang berbal na
mensahe ng pakikinig,
konteksto sa paghinuha
mga nag- pagsasalita,
pamamagitan uusap. Bahagi pagbabasa at
nito, maaaring ng kognisyon pagsulat. Ang mga
mapaangat ang ito ang siyang
ang sensitibiti oryentasyon pangunahing
ng dalawang at kulturang
kailanganin sa
naguusap. kanilang
kinabibilangan
paghusay ng
pagdidiskurso

6. Bakit itinuturing na awtomatiko ang pasalitang diskurso kaysa pasulat na diskurso? (2


puntos)

Sagot: Awtomatiko ang pasalitang komunikasyon kaysa pasulat na komunikasyon


sapagkat kung ano man ang naisip na ideya o sagot ay diretso lang itong nasasabi o
nabibigkas samantalang sa pasulat na komunikasyon ay dapat pang isaalang- alang ang
esktrakturang grammatikal ng wika at maaaring maganap ang pagrerebisa at
matamang paghahanda ng isusulat na mensahe na di nagaganap sa pasalitang
komunikasyon o pagdidiskurso.
7. Paghambingin ang kakayahang linggwistika at kakayahang komunikatibo. (4 puntos)

Kakayahang Linggwistika Kakayahang Komunikatibo


• Ito ay kakayahang umunawa at • Kakayahang umunawa at gumamit ng
makabuo ng pangungusap o pahayag. pangungusap. Kailangang may wasto
Ito ay tumutukoy sa kaalaman ng itong kayariang panggramatika na
sistema ng wika. Ibig sabihin ay aangkop sa panlipunang kapaligiran sa
mahusay sa gramatika ang isang ispiker. pisikal na setting ayon sa hinihingi ng
sitwasyon. Ito rin ay tumutukoy sa
tekstwal o abilidad na sumulat o
magsalita nang may organisasyon o
kohisyon at abilidad na magamit ang
wika para sa paglilinaw ng ideya.
8. Paghambingin ang pasalita at pasulat na diskurso. (9 puntos)

•Sa pasulat
•Pangunahing
pangunahing isinaalang- Pagkakatulad
alang ang estrukturang isinaalang-alang ang
•Kapwa sa kakayahang
gramatikal ng wika. Hal
pagdidiskurso komunikatibo
parirala, sugnay at iba
pa •Parehong •Awtomatiko ang
nagpapahayag o pasalitang
•Maaaring maantala
nagbibigay ng ideya, komunikasyon
ang pagbibigay ng
opinyon at
feedback •Ito ay sa pamamagitan
impormasyon
•Ginagamitan lamang ng mga simbolong
•May mga aral na naririnig o ponema
ng berbal na
matutunan, kapwa
komunikasyon •Hindi ito nakatala sa
pinagiisipan ng mabuti
•Higit na mahabang kasaysayan
para maipahayag ng
panahon ang ginugugol, maayos ang •Natural na paraan ang
maingat na pagtutoro at impormasyon. ginagamit sa pag-aaral
pagsasanay ang
kinakailangan. •Gumagamit ng
pinagsamang berbal at
•Ang simbolomg di berbal na paraang
ginagamit ay mga komunikasyon
grapema
•Nagkakaiba rin sila sa
•Mas pormal ang feedback ito ay tuwiran
pasulat kaysa pasalitang o agaran
diskurso

•Unang naging paraan


ng komunikasyong
pantao

•Naitala sa ating
kasaysayan

•Maaaring maganap
and pagrerebisa at
matamang paghahanda
ng isusulat na mensahe.

Pasulat Pasalita
9. Ano ang teksto? (2 puntos)

Sagot: Ang teksto ay ang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't
ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari.

10. Ano ang konteksto? (2 puntos)

Sagot: Ang konteksto ay isang salitang ginagamit upang ilarawan ang buod ng isang
bagay na nais iparating. Ito ay isang mahalagang elemento na komunikasyon sapagkat
dito nakasalalay ang maaring maging reaksyon o feedback ng taong tagtanggap o
tagapakinig ng mensahe o impormasyon.
11. Maliban sa mga nabanggit sa modyul, magbigay ng iba pang halimbawa ng
kontekstong pandiskusro. (6 puntos)

Kontekstong Kontekstong Pang- Kontekstong


Interpersonal masa Interkultural
Hal. Usapang Hal. Hal. Babasahin
magkaibigan, Pangangampanya o tungkol sa
usapang mag-anak o pagbibigay ng batas/karapatang
magkapamilya talumpati ng isang pantao, pagpupulong
politiko sa harap ng ng mga pinuno gaya
mga botanteng ng pagpupulong ng
nasasakupan. mga pinuno ng
bansang ASEAN

Kontekstong Pang- Kontekstong Pang- Kontekstong Pang-


grupo organisasyon kasarian
Hal. Pulong ng Hal. Memorandum ng Hal. Usapang mag-
pamunuan ng isang pangulo ng asawa, usapan ng
samahang pang kanyang kompanya mga bakla, usapan
mag-aaral. sa lahat ng ng mga ina
empleyado.
Memorandum ng
isang pangulo ng
unibersidad sa mga
guro, estudyante at
mga kawani

12. Ano-ano ang mga kailangang isaalang-alang matiyak na magiging mabisa ang
komunikasyon? Bigyan ng sariling pagpapaliwanag ang mga ito. (16 puntos)

Sagot: Ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung
isasaayos at sa pagsasaayos ng komunikasyon may bagay na dapat isaalang-alang at
ito ay ang S.P.E.A.K.I.N.G.
Setting – Ito ay ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga
tao. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap halimbawa,kapag tayo ay nasa
isang pormal na palatuntunan hindi tayo nakikipag-usap na parang tayo ay nasa kalsada
lamang

Participant - Isinasaalang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung
paano sita kakausapin. Hal. Hindi natin kinakausap ang ating mga magulang sa paraang
ginagamit natin tuwing ang kausap natin ang ating mga kaklase o kaibigan.

Ends – dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin ng pakikipag-usap.


Nararapat na isaalang-alang ang layunin natin uoang maiangkop natin ang paraan ng
ating pakikipagtalastasan.

Act Sequence- Ito ay ang takbo ng usapan. Ang isang mahusay na komunikasyon ay
nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan uoang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.

Keys- Tono ng pakikipag-usap. Dapat isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan kung ito
ba ay pormal o di-pormao.

Instrumentalities- Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. Inaangkop natin ang


tsanel sa gagamitin sa kung ano ba ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin.

Norm- Ito ay ang paksang usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
Suriin muna natin kung ilalahad natin ay tama o hindi
Genre- diskursong ginagamit kung nagsasalaysay o nakikipagtalo o nangangatwiran.
Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa
miskomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap

You might also like