You are on page 1of 14

Pag-unlad ng Nobela Kontemporaryong Panahon

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng
mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.

Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersyal , lalo na iyong
isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula. Muling nagbalik
ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga manunulat na may
layunin ay nawala. (Gonzales:1982). Ilan sa mga bantog na nobelang naisulat sa panahong ito
ay ang mga sumusunod:

1. Gapo - Lualhati Bautista

2. Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig – Reynaldo a. Duque

3. Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe – Jun Cruz Reyes

4. Kulang ng Isa sa Sandusena Ba’t Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang – Victor Francisco

5. Bata, Isinaksak Isinilid sa Baul – Tony Perez

Gapo ni Lualhati Bautista


Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda
ay Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.

Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945.


Nakapagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at
sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum University of the
Philippines sa kursong Journalism ngunit nag-drop bago pa man matapos ang kanyang unang
taon.

Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyang


makatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaeng
Filipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap na
sitwasyon sa bahay at sa trabaho.

Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para sa nobelang Gapo, Dekada
70 at Bata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga
kababaihan noong panahon ni Marcos. Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din
ng Palanca Awards ang "Talong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala,
1982) at "Buwan, Buwan, Hulugan mo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983). Hindi rin
matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang unang screenplay ay
ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga magtutubo. Ang kanyang ikalawang
pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang Ulap" noong 1984 na nominado sa Film Academy.
Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mga kababaihang
nakulong. Nahakot nito halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila Film
Festival. Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986,
nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng Kapisanan ng
mga Manunulat ng Nobelang Popular.

Gapo
ni Lualhati Bautista

Sa Olongapo, sikat na sikat ang lugar na buhay na buhay tuwing gabi dahil sa
ingay at malalakas na tawanan ng mga tumatao dito. Isa na rito ang Freedom Pad na
bentang benta sa mga sundalong Amerikano dahil sa aliw na ibinibigay nito tuwing
sasapit ang gabi. Sikat sa bar na iyon ang mang-aawit na si Michael Taylor,Jr. Nakapaskil
sa pagpasok  pa lamang ng bar ang malaking larawan ni Mike na nakadikit sa malaking
salamin. Ang mga kinakanta ni Mike ay mga uri ng awiting pampasaya at pampatama sa
mga Amerikano. Hindi naman ito naiintindihan ng mga kano kaya tuwang tuwa pa rin
sila na sumsabay sa musika.
Abot langit ang kaligayahan ng may aring intsik dahil sa dami ng kostumer nilang
mga kano. Bentang benta ang mga beer at ladies drink na halo lang naman ng mirinda at
konting alak. Ang mga babaeng bayaran ay nakaakbay sa mga sundalong kano. Sige ang
tawag ng isang pinoy sa wayter na rumoronda sa bar subalit hindi siya nito naririnig dahil
kasalukuyan pa nitong pinaglilingkuran ang mga kano. Naiinis ang pinoy kaya nagsiklab
ng away sa bar. Galit na galit ang instik na may-ari ng bar dahil natakot ang kaniyang
mga parukyanong kano kaya sige ang pasensya niya sa mga ito. Nagreklamo ang hostess
at sinabing huwag ng magpapasok ng pinoy sa bar dahil puro gulo lang ang inihahatid ng
mga ito.
Ang downtown Olongapo naman ay walang kaibahan sa ibang lugar ng
probinsya. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na ang mga taga-aliw sa lansanggan.
Ang lugar ay nahahati sa iba’t ibang teritoryo.Merong lugar na puro black American lang
ang pwede meron din namang puro puti lang. Si Mike ay hindi inaasahang napadpad sa
lugar ng mga itim kaya pinaghahahabol siya ng mga ito. Puti kasi si Mike. Naanakan ang
ina niyang si Dolores ng isang sundalong kano noon. Nakuha ni Mike ang pisikal niyan
katangian kaya marami ang napagkakakamalan siyang kano kahit na Tagalog ang salita
niya. Nagtatakbo si Mike at nakita siya sa gilid ng iskinita si Modesto at Si Ali.
Tinulungan siya ng mga ito kaya nakaligtas siya. Nang makaalis si Mike, napag-usapan
ni Modesto at ni Ali ang diskriminasyon na nangyayari sa lipunan nila dahil sa base ng
mga kano.
Pag-uwi ni Mike sa bahay ay naabutan niya ang kaibigang si Magda kasama sa
sofa ang isang kano. Ibinarog ni Mike ang pinto pagpasok niya sa kwarto. Nagalit si Sam 
kaya iniwan niya si Magda. Hahabo-habol si Magda sa kano.Kinaumagahan ay nag-usap
si Magna at si Mike.  Nagkaroon sila ng sagutan dahil sa nangyari kagabi. 
Lalong lumaki ang galit ni Mike sa mga kano. Sinabi naman ni Magdalena na
kailangan na nilang maghiwalay ng tahanan dahil kung ano-ano ang iniisip sa kanila ng
mga tao, pati na rin si Sam. Sinabi ni Mike na kung may aalis ay si Magdalena daw ito
dahil siya naman ang tunay na nakatira doon mula pa noon. Napunta lang naman dun si
Magda dahil naging kabigan nito ang nanay niyang si Dolores.
            Umalis ang barko ng mga sundalo sa daungan.Nawalan ng sigla ang negosyo sa
Olongapo. Ang mga hostess ay nagsimula ng manamlay at hindi mag-ayos ng sarili.
Natuwa ang mga Pilipino dahil sa wakas ay maibebenta na ng mga hostess ang kanilang
mga colored tv na mula States at iba pang gamit dahil mauubusan na sila ng kita. Si
Magdalena ay namili muna nag mag pagkaing galing sa States.  Niyaya niyang kumain si
Mike subalit tumanggi ito dahil sabi niya ay nabalita daw sa telebisyon na maraming
nagkasakit dahil sa imported na produkto. Dalawa pa nga daw ang namatay dahil doon.
Sinabi din ni Mike na tira tira lang ang dumadating na produkto sa bansa natin dahil
nagsisilbi lang tayong tapunan ng mga Amerikano. Biglang nakaramdam ng kulo sa tiyan
si Magdalena kaya isinuka niya ang kinain niya. Nagsimula na ding magbenta ng mga
gamit si Magdalena dahil wala na siyang kita. Tuwang tuwa ang pamilyang Pilipinong
nabentahan niya ng TV galing sa kano. Iniisip nila na kapag galling sa States ang gamit
mo, sikat ka.
                 Maagang umalis si Mike sa bar dahil wala rin namang gaanong kostumer.
Tinawag siya ni Modesto at niyayang makipag-inuman. May isang hostess dun ang
nagsisilbi sa kano, naging waiter na din dahil walang empliyado ang napasok dahil
karamihan ay naka-leave. Siya ang kumuha ng order nila Mike at Modesto. Kada utos ng
dalawa ay sigeng tawag din ng isang kano. Nainis si Modesto kaya sinabihan si Rosalie
na mag bihis dahil ilalabas daw siya ni Mike. Nagulat si Mike sa sinabi ng kaibigan.
Nadarama niya na gusto ni Modesto na maghamon ng away kaya umalis na palabas si
Mike at Rosalie.
            Kinabukasan, sa kabila ng mga patawa ni Mike ay kapansin pansin na
nananamlay pa din ang Freedom Pad. Ang mga empleyado ay naglaro na lang ng sugal
dahil wala silang ginagawa. Sa isip isip ni Mike, wala ng ngang kita, natalo pa.
              Si Ali naman ay na problemado kasi sa kanya iniwan ang pamangking si Jeffrey
na lumaki sa Amerika. Biglang nawala ang kapatid niyang si Alicia na nabutis ng isang
kano, kaya ito tagapag-alaga siya ngayon ng isang batang kano. Napag-isip isip niya na
kailangan niya ng makahanap ng mapapang-asawa dahil baka lumaking bakla ang
pamangkin. Kailangan kasing makahanap ito ng ideyang lalaki upang hindi ito lumaking
mahina. Pinuntahan ni Ali si Modesto. Pinakiusapan na baka pwedeng magsama sila
kahit alam ni Ali na may pamilya na si Modesto. Hindi umepek ang paiyak iyak ni Ali
kaya sa huli, kinuha niya na lamang si Modesto bilang ninong ni Jeffrey sa kumpil.
Kasama din si Michael sa pagiging ninong.
           Dumating ang araw ng kumpil ni Jeffrey. Pagtapos noon ay nagtungo sila sa
beach. Abalang-abala si Michael at Modesto sa pag-aaliw kay Jeffrey. Nakatulala si Ali
ng biglang nilapitan siya ng isang kano nagngangalang Richard Halloway.
       Ang araw ng pagdaong ulit ng barko ng US sa Olongapo ay dumating na.
Nabuhayan nanamang muli ang lahat. Kasabay ng mga umusbong na pangarap ng mga
hostess na makahanap ng katambal na magdadala sa kanila sa lupaing pinapangarap.
Pinana ni kupido si Ali kay Richard. Nalove at first sight daw. Hayun naman si
Magdalena at nakakilala nanaman ng bagong kano na nagngangalang Steve Taylor.
  Dinala ni Magda si Steve sa bahay nila ni Michael. Ipinakilala at sinabi na pareho
silang Taylor. Naabutan nila na nagpapraktis ng gitara si Mike sa tulong ng Jingle Chord
Book. Nakinig ang kano at nagkapalagayan sila ng loob ni Mike. Masaya si Magda dahil
sa wakas ay hindi na naging suplado si Mike sa mga kano. Kinagabihan, nagtataka si
Mike kung bakit hindi niya aabutan ang kano sa apartment. Iba si Steve sa mga naunang
karelasyon ni Magdalena. May respeto ito at masayang kasama.
  Masayang nag inuman si Modesto at si Mike. Napagkwentuhan nila ang usad ng
mga relasyon ni Ali at ni Richard, Magdalena at Steve. Masaya silang nag angat ng alak
para sa ligaya ng mga kaibigan.Tuwing dumadalaw daw kasi si Richard kay Ali ay may
dala pang bulaklak at pinapasyal ang pamangkin nitong si Jeffrey, ani ni Modesto.
Naging magkaibigan naman si Mike at Steve, lagi siyang pinapanood ng kano sa
pagpapraktis.
        Pumasa sa eksamin ang anak ni Modesto na makapagtrabaho sa Base. Natatakot
siya kung paano sasabihin sa ama. Ayaw kasi ni Modesto na magtrabaho dun si Jun dahil
nga alam niya na ang patakaran doon.Sinabi ni Jun na natanggap na nga siya. Tinanong
nito sa ama kung ano ang ibigsabihin ng salitang “yardbird”. Nanlamig ang pakiramdam
ni Modesto. Sinabi niya na ang kahulugan nun ay patay gutom at walang dapat magsabi
nun sa anak. Sinagot naman ni Jun ang ama, sinabi nito na hindi naman siya ang
tinatawag na ganoon ni Johnson kundi ang ama. Natahimik si Modesto, nalaman na ng
anak niya ang pang-aapi sa kanya sa base na araw-araw niyang tinitiis. Ang alam kasi
nila ay matigas ang tatay nila at walang makakapang-api dito.
Nakaka-ilang alak na si Modesto at kahit sino ay hindi nito pinapansin pati na si
Mike. Noong pumasok siya sa trabaho hindi rin niya kinakausap ang kaibigan niyang si
William Smith. Isa itong kanong naging sobrang bait kay Modesto. Hindi ito sang-ayon
sa patakaran ng Amerikano. Tunay na kaibigan ang turing ni William kay Modesto.
Sa trabaho, habang nagwewelding si Modesto ay may tumatawag sa kanya ng
yardbird. Hindi niya ito pinapansin dahil baka ibang kasamahang Pilipino ang tinatawag
ni Johnson. Lahat na ng empleyadong Pilipino ay lumingon kay Johnson liban kay
Modesto. Nagpatuloy ang pagtawag. Napuno si Modesto at sinabing wag na wag siyang
tatawaging yardbird. Nagkainitan ang dalawa. Pumagitna si William subalit hindi niya ito
naawat. Sinapak ni Modesto si Johnson. Babawi na si Johnson subalit bumanat ulit si
Modesto. Umawat na rin ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Base. Hinampas ng puting
kamay ang tubo sa ulo ni Modesto. Nakita ni William ang lahat ng nangyari sa kaibigan,
sakanya tumatalsik ang dulo kada hampas ng tubo.
Nagluluksa ang lahat. Dumalaw sa burol ni Modesto si Mike. Inuuyam siya ng
mga nakikiramay dahil akala ay kano siya. Nagpaliwanag siya na kaibigan niya ang
namapatay. Si Ali naman ay hindi man lamang nakadalaw sa burol hanggang pagkalibing
ni Modesto dahil sa sobrang seloso ni Richard.
Handang tumestigo si William dahil alam niya ang nagyari at may pinagsamahan
sila ng kaibigan. Subalit inutos ng pinakamataas sa barko na gawin na lamang ang
idinidikta niya. Pinabalik si William sa US kahit hindi siya sang-ayon upang
mapagtakpan ang kaso laban sa mga puti. Hindi makatarungan.
Sa bar, bigalang may tumawag sa telepono, hinahanap si Mike. Nang makarating
siya sa telepono ay wala namang nagsasalita. Panay ang “Hello”’ niya sa linya. Naisip
niya ang kaibigang si Ali kaya pinuntahan niya ito. Saradong sarado ang bahay nila Ali.
Sumilip siya sa bintana ng biglang may narinig siyang tinig ng paghihingalo. Binasag
niya ang bintana. Tumawag ng pulis ang mga kapit-bahay dahil akala magnanakaw si
Mike. Nang makapasok sila sa bahay ay nakalupasay si Ali at hinang-hina. Sinabi nito na
pinagnakawan siya ni Richard. Dala nito ang kaha de yero. Ginamit lamang siya nito
dahil alam na mapera siya.
Umuwi na si Mike. Umaga na ng muli siyang magising. Napansin niya na may
kumakaluskos sa ibaba kaya bumangon na siya. Si Magdalena pala. Hindi ito pumasok at
napansin ni Mike na namumugto ang mga mata nito. Sa bar, napansin niyang nag iisa sa
table si Steve. Matapos kumanta ay pinuntahan niya ang kaibigan. Sinabi ni Steve na
kaibigan lang talaga ang turing niya ka Magdalena at may pamilya siya sa Amerika. Kaya
lang, masyadong umasa si Magdalena kaya nabuntis ito dahil hindi nag-iingat. Nagpantig
ang tengga ni Mike sa mga pinagsasabi ni Steve. Kinuha niya ang gitara at hinampas sa
ulo ni Steve.
Dumalaw si Magdalena kay Mike. Dinalahan ito ng pagkain. Homicide ang kaso
nito. Humingi ng pabor si Mike na habang nagpapagaling si Ali ay si Magda muna ang
mag-alaga kay Jefferey. Masaya si Magdalena sa pabor dahil gusto niya na daw
maranasan makitungo sa batang kano upang paghahanda sa paglabas ng anak.

Bulaklak ng Ng Maynila ni Domigo Landicho


Si Domigo Landicho ay isang premyadong manunulat, awtor ng mga 50 aklat ng tula,
maikling kwento, nobela, dula, talambuhay, literaturang pambata at mga aklat sa pag-aaral. Siya
ay ginawaran ng honorary title ng Professor Emeritus ng malikhaing pagsulat at panitikan sa
Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Uniberidad ng Pilipinas sa kanyang pagreretiro noong Agosto
2004. Itinalaga siyang Writer-in-Residence ng De La Salle University sa taong 2010-2011.
Siya’y naging pangulo ng 16th World Congress of Poets na nagdaos ng isang pandaigdigang
kongreso ng mga makata sa Clark Field sa Angeles City, Pampanga noong 2000. Pinili siyang
isa sa 2000 Outstanding Writers of the 20th Century ng International Biographical Centre,
Cambridge, England para sa taong 2000. Tumanggap ng Artist Ambassador Award mula sa
Artist Embassy International sa California, USA, noong 2000, Poet of the Millenium Award
mula sa International Poets Academy, India, noong 2000 at S.E.A. Write noong 2003 sa
Thailand. Nagtapos ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U.P. at isa ring artista sa tanghalan, telebisyon
at pelikula. Kasalukuyan siyang Faithful Navigator ng Knights of Columbus. Isinilang siya sa
Luntal, Taal, Batangas noong 4 Agosto 1939, anak ng magsasaka.

Buod Ng Bulaklak Ng Maynila


ni Domigo Landicho

Mga Tauhan At Kanilang Papel:


Timo- Isang namumuhunang nagpapautang sa mga taga bangketa na may gusto kay
Azun.
Ed- Pamangkin ni Doray, nagtitinda sa bangketa na may gusto kay Ada.
Ada- Isang magandang nagdadalaga at kaisa-isang anak ng mag asawang Azun at Roque.
Azun- Isang tindera sa bangketa at matagal nang gusto ni Timo kahit may asawa na.
Roque- Asawa ni Azun, lasinggero at nakakulong dahil sa pagpatay ng isang Intsik.
Cris- Unang naging kasintahan ni Ada, na nangangarap maging isang artista.
Mang Tomas- Isang nag-aayos ng mga sirang sapatos sa bangketa.
Doray- Isang nagtitinda sa bangketa na mahilig sa tsimis.
Mirna- Isang madungis na batang nagtitinda sa bangketa na naging kaibigan ni Ada.
Aling Mimay- Kasambahay ni Timo
Angelita- Isang bulag nagpapalimos sa bangketa habang kumakanta.

Kabanata 1 Bituka Ng Bakal


Isang umaga, masipag si Roque naglalatag ng kanilang paninda sa bangketa ,
nakutuban ni Azun na ginamit ni Roque ang perang pangbayad nila kay Timo kaya ito
nagsipag, nang mga oras na iyon nag away ang mag-asawa habang nakatingin sa kanila
ang mga tsimosa at ang mga taong naglalakad sa bangketa, at ang kaisa’t isang anak
nilang si Ada na nag aaral.
Kabanata 2 Mga Katok Sa Puso Ng Gabi
Si Ada na walang kamuwang muwang na malapit nang magdalaga, nang pumasok
ito sa skwelahan nakilala niya si Cris isang fourth year na laging nagsasabi na maganda
siya nang gabing kumain silang mag ina hindi dumating si Roque ng mga oras na iyon
dumaan si Ed sa kanilang tirahan at may dalang pansit dahil kaarawan pala nito. Habang
tulog na si Ada pumunta si Timo sa kanilang at nang gabing din iyon hindi natuloy ang
masamang plano ni Timo dahil biglang dumating si Roque nang mga oras na
sinasamantala na niya ang kahinaan ni Azun.
Kabanata 3 Pagbukad Sa Bangketa
Si Ada ay tumulong magbantay sa kanilang paninda sa bangketa, nagtitininan
yung ibang tao dahil sa kagandahan ni Ada sinasabihan siya na parang prinsesa at hindi
siya nababagay sa lugar na iyon. Hanggang dumating si Ed na may nakaaway si Ada at
pinagtanggol naman ang lalaki, sinamantala ni Ed ang pagkakataon kaya nagpapahayag
na siya nag pagtingin kay Ada.
Kabanata 4 Tukso Ng Bituin
Si Cris naman laging nakaabang tuwing uwian ni Ada. Gusto nitong ihatid ito pag
uwi, nagpapakita ito ng paghanga kay Ada, nagkaraket ako kagabi kaya libre kita ang
meryenda ngayon sabi ni Cris kay Ada. Nagbilin ito ng salita na manunundo pa ulit.
Kabanata 5 Dalawang Ilog
Lasing na lasing naman umuwi si Roque nang gabing iyon at tinano nito sa
kanyang asawa ”anong tsimis ang aking narinig sa bangketa tungkol sa inyo ni Timo?”
Pero alam ni Azun kung ano talaga ang gustong sabihin ng kanyang asawa pero
nagmaang-maangan ito at nagkukunwaring walang alam sa mga nangyayari, kailangan
niyang takpan ang katotohanan.Nang dahil sa kalasingan pinuntahan nito si Timo at
naghamon. Alam ni Timo na si Roque ang pinakamalaking hadlang sa plano niya kay
Azun.
Kabanata 6 Latak Ng Lipunan
Isang biglaang pangyayari ni pinagbabawal ng alkalde ang pagtitinda sa bangketa
at walang magawa ang mag nagtitinda kundi sumunod at nagtitinda ng patago tumatakbo
kapag may mga naghuhuli. Habang si Angelita naman ay tuloy ang buhay samantalang
ang iba naman nagpapalimos at nagkukwentuhan sa kanilang mga buhay.
Kabanata 7 Pagbibinyag Sa Silakbo
Araw na ipapasyal ni Cris si Ada at dito naghayag ng kanyang nararamdam. Sa
pagkakataong ito unang nahalikan ni Cris si Ada at naging magkasintahan sila. Nagyaya
nang umuwi si Ada pero napumilit si Cris na wag muna dahil gusto nitong ipakilala sa
kanyang tiyahin at doon unang may nangyari sa kanila. Doon nakuha ni Cris ang kanyag
pagkababae.
Kabanata 8 Bahaghari Sa Kubakob
Malalim na ang gabi nang umuwi si Ada sa kanila hindi niya namalayan ang oras.
Hindi lamang ang kanyang mga magulang pati rin si Ed ay nag-alala na kung bakit hindi
pa umuuwi si Ada. Nang tinanong si Ada sinabi niyang namasyal silang magkaklasi kaya
ginabi nang uwi. Hinatid ni Cris si Ada nang pauwi na ito. Kinausap siya ni Ed at
naghamon ito ng suntukan dahil sa selos .
Kabanata 9 Bilog Na Guhit
Nag usap- usap ang mag tindera sa bangketa para sa bagong utos ng kanilang
Chairman. “Dapat sa bungad may mga nakabantay sa atin, magtulungan tayo” sabi ni
Mang Tomas. “Mahirap kapag may mahuli sa atin. Kapag tayo’y nakulong mahirap
tubusin madaming taong dapat lapitan”. Pinag uusapan din ng mga tsimosa ang
namagitan kina Timo at Azun. Nang matapos ang kanilang pag-uusap nagsabi si Timo na
magpaiwan si Azun at dito nagpapahayag na naman si Timo sa kanyang damdamin kay
Azun.
Kabanata 10 Bangungot
Ginabi nanaman si Azun nang umuwi at di niya akalain na madadatnan niya si
Roque. Nagtatanong at naghihinala na naman tungkol sa kanila ni Timo. Dahil sa
pagmamahal ni Roque kay Azun, parang bata itong nagmamakaawa na huwag siyang
iwanan. Niyakap ni Azun ang asawa dahil ang totoo mahal din naman talaga niya ito, at
nangako siya kay Azun na bukas magiging big time rin siya.
Kabanata 11 Mata Ng Sindak
Nang magising si Azun wala sa tabi ang kanyang asawa, lalo siyang kinabahan
kung ano ang gagawin ng kanyang asawa at kung ano ang kahulugan tungkol sa sinabi
nito kagabi. Nabalitaan na lamang nila ito na nakapatay ng isang intsik at kinasuhan ng
Robbery at Homicide. Pinaghahanap ito ng mga pulis.
Kabanata 12 Kuko Ng Uwak
Taglay pa rin ni Azun ang pangamba at hinala. Naghihinala na si Azun na may
kinalaman si Timo sa nangyari sa kanyang asawa. Nang gabing iyon dumaan si Roque sa
bahay nila para makausap nito ang asawa, pinagtapat nito lahat ng nangyari sa kanila
hanggang nang gabing din iyon nahuli ng mga pulis si Roque.
Kabanata 13 Bitag Ng Hikahos
Nang mga sumunod na araw dahan-dahang nararamdaman nina Azun at Ada ang
dahilan ng pagkawala ni Roque. Nagpaabot ng pasabi si Timo na handa siyang tumulong
sa mag-ina. Hihinto pansamantala ng pag aaral si Ada kasabay nito pinapaalis silang
mag-iina sa kanilang tinitirhan dahil gusto ni Timo sa kanila sila titira at nangako si Timo
na gagawing buhay prinsesa ang mag- ina.
Kabanata 14 Kumunoy Ng Lungsod
Araw na hinahanap ni Ada ang tinitirhan ni Ed at masamang balita ang kanyang
nabalitaan namatay na pala ang kanyang tiyahin na si Doray pero hindi pa ito nakalibing
dahil kulang pa ang kanilang pundo at hindi pa sapat ang kanilang perang naipon
pangpalibing. Nakita niya ang kalagayan ni Ed na nahihirapan. Nang gabing yun may
alok kay Ada at itoay tinanggap niya. Sumayaw siya sa club upang magkapera at
makatulong kay Ed.
Kabanata 15 Hawlang Pilak
Tumira na ang mag-ina sa bahay ni Timo wala na silang magawa kundi makisama
at nagawa na ni Timo ang balak nitong masama kay Azun. Tuluyang binigay ni Azun ang
kanyang sarili kapalit nito ang pagsilbihan ni Azun si Timo.
Kabanata 16 Ina At Anak
Hunyo na naman bumalik sa pag- aaral si Ada .Nang mga panahong iyon
naramdaman ni Ada ang magandang buhay. Nagsasabi na rin si Ada na mahalaga si Ed sa
buhay niya. Samantalang si Azun unting-unting ginagawang alila ni Timo. Pinahayag na
rin ni Timo na gagawing Reyna Elena si Ada sa Santacruzan. Dito nagsimula ang
malaking tiwala ni Ada sa kanyang tiyuhing Timo.
Kabanata 17 Tukso Ng Luningning
Isang gabing magiging reyna Elena si Ada, si Cris ang kanyang konsorte na
hinahangaan at kinagulat ang mga tagabangketa ang pagiging reyna niya. Nalaman
lamang ni Ada na binayaran pala si Cris ng kanyang tiyuhin para maging escort ng
gabing yun samantalang ang gusto niya ay si Ed pero ayaw nila Azun at Timo kaya wala
siyang magawa sa mga panahong yun. Nang gabing yun napakaraming taong nanood ng
sagala. Ibang-iba ang tawag kay Ada, ng mga tao “Reyna ng kagandahan.” ika nga ng
ilan.
Kabanata 18 Luha Ng Tala
Pagkatapos ng gabing naging reyna si Ada , habang tulog siya ay nakaramdam
siya ng haplos ng isang tao sa kanyang katawan. Nang mabuksan niya ang ilaw nakita
niya na si Timo iyon. Ginahasa at may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Hindi siya
makapanglaban dahil nagbanta ito na papatayin silang mag-ina at yun ang kaniyang
ikinatatakot. Kinabukasan paggising niya nagpaalam ang kaniyang ina kasama ang
kanilang kayulong maningil sa umuutang kay Timo. Natatakot si Ada na baka mangyari
ulit sa kanila. Nagpasya siyang unahan na niyang lalayas siya sa bahay na yun. Napadpad
siya sa isang negosyanteng intsik. Inalok siya na magtrabaho bilang labandera at
tinanggap niya ang trabahong yun. Nang kinagabihan naramdaman naman niya habang
tulog siya na may humahawak sa katawan niya. Nang mabuksan niya ang ilaw nakita
niya na ang kanyang among intsik. Tumatakbo siya sa may labasan at tinulungan siya ng
tinder upang makatakas dahil ayaw ng tindera na mangyari rin ito sa iba dahil ginawa na
rin ito ng intsik sa kanya.
Kabanata 19 Kalansay
Nasa isip ni Ada na pupunta na lang siya sa kanyang kaibigan na si Mirna, ang
kaibigang batang babae na nagtitinda ng sigarilyo sa bangketa. Kinabukasan kinausap
niya si Teresita na pumasok at bumalik ulit sa pagsasayaw sa club. Hanggang sa
pangatlong gabi nakita niya si Ed sa club at nagyaya ito na magsama na. Pumayag naman
si Ada. Isang araw habang nagtititnda si Ed ay nasagasaan siya sa may riles ng tren at yun
dahilan ng kanyag pagkamatay. Upang maaliw at di siya malungkot, bumalik siya sa
pagtratrabaho sa club pero hindi na siya sumasayaw kung hindi tagahugas na ng plato,
tanda ng pagrespeto kay Ed. Habang nasa club si Ada dinalaw siya ni Cris at nagpaalam
na aalis muna at ipagdasal daw siya, yun ang pakiusap ni Cris kay Ada.
Kabanata 20 Haplit Ng Liwanag
Lasing na dumating si Timo, sinabi kay Azun ang buhay mayroon si Ada ngayon.
Pinuntahan ni Azun kung saan nakatira si Ada, nang magkita sila ay nagyakapan ang mag
ina. Inalok ni Azun na bumalik na si Ada sa kanilang tirahan at yun din ang pakiusap ni
Timo pero alam ni Ada na gawa lamang ito ni Timo at ginamit na kasangkapan ang
kanyang ina . Hinayaan na lang ni Ada na huwag ng sabihin sa kanyang ina ang tunay na
nangyari. Nang umuwi ang kanyang ina , sumunod din siya sa pagpunta sa dati niyang
tinitirhan. Dinalaw niya si Angelita, ang bulag na kanyang kaibigan at nabalitaan niyang
makakakakita si Angelita kapag naopera kaya babalik si Ada sa pagsasayaw sa club
upang makatulong kay Angelita.
Kabanata 21 Halimaw
Katulad ng mga nakaraang gabi, lasing na naman nang umuwi si Timo. Sinaktan
siya nito, pinagmumura at kahit anong masamang salita ang narinig nito, sinuntok at
nawalan ng malay si Azun buti na lang ay nagkataong naroon si Mang Tomas na
tumulong sa kanya.
Kabanata 22 Manunubos
Sa kabaitan ni Mang Tomas dinala niya muna sa bahay si Azun upang
makapagpahinga. Dahil pansamantalang nawala ang bait ni Azun kaya pangsamantalang
inaalagaan muna ni Mang Tomas. Pagkatapos pakainin, pumunta muna siya sa kanyang
sapatosan para magsara Pag- uwi niya nakasalubong niya si Angelita. Siya muna ang taga
pag- alaga nito. Pumayag naman ang matanda kaya dalawa ang alaga niya ngayon si
Azun at Angelita.
Kabanata 23 Unos
Gabing bumalik na naman si Ada sa pagsasayaw sa club, nang mabalitaan niya na
kasalukuyang sinira ang kanilang tahanan ay agad niya itong pinuntahan. Pagdating niya
wala na siyang naabutan. Binalita ni Mang Tomas na si Azun ay nasa kanyang
pangangalaga ngayon.
Kabanata 24 Oyayi Sa Balangaw
Walang ginawa si Ada kung hindi alagaan ang kanyang ina para mabilis itong
gumaling. Habang may dumating sa kanyang balita na dumating ang tiyuhin ni Cris at
hinanap siya. Inabot sa kanya ang sobreng naglalaman ng malaking halaga at dito
magbabago ang buhay ni Ada.
Kabanata 25 Alimpuyo Ng Api
Linggo ng gabi, araw nag pagsali ni Angelita sa paligsahan ng kantahan. Ang
dalawang mag ina ang naiwan sa bahay ni Mang Tomas. Dito dumating si Timo at
muntik ng gahasain si Ada. Biglang natauhan si Azun at sinaksak ito hanggang sa
mapatay si Timo.
Kabanata 26 May Bituin Sa Kubakob
Halimaw ang tawag ni Azun kay Timo, napatay niya ito dahil sa pagtatanggol sa
kanyang anak. May abogado na nagboluntaryong tulungan silang mag- ina. Samantalang
sasapit na ang pasko gusto ni Ada mabuo ang kanilang pamilya.
Kabanata 27 Daluyong
Prosisyon ng itim na Nazareno , na may mahabang tali sa karosa, may mga taong
naghahagis ng puting tuwalya. Habang nanood si Ada nakita niya si Cris umakyat at
nagpunas din sa mukha ng Nazareno. Di akalain ni Ada na dadalawin siya ni Cris ng
gabing iyon.
Kabanata 28 Bagong Liwayway
Hindi makapaniwala si Roque na may dalaw siya at nakita niya ang kanyang
mag-ina. Doon nagyakapan at nagkapatawaran silang mag-iina at pinapangako ni Ada na
gagawa siya ng paraan para makalabas ang kanyang ama.
Kabanata 29 Talulot Sa Bangketa
Nagbalik na ang sigla ni Azun, bumalik na siya sa pagtitinda sa banketa. Laking
pasasalamat niya sa tulong ni Mang Tomas. Dumating din ang mga taong nangangako
kay Angelita na tutulong para ma opera ang kanyang mga mata.

You might also like