You are on page 1of 58

Isang Pagsusuri sa

Nobelang: GAPÔ
(at isang puting Pilipino, sa
mundo ng mga Amerikanong
kulay brown)
Ni Lualhati Bautista
Mga Tauhan at mga
Katangian nito
1. Michael Taylor Jr.- Isang singer sa loob ng freedom pad,siya ay makabansa at siya ay Galit sa mga
Kano dahil sa pagiging irresponsable ng mga ito.

2. Magdalena - Isang mabuting kaibigan kay Dolores. Isang babaing nag-ambisiyon na makarating sa
Amerika.

3. Alipio - Isang bakla na nagkagusto kay Modesto, siya ang mabait na tito at maalaga sa kanyang
pamangkin na si Jeffrey. Ang kanyang kahinaan ay ang maaring hindi magandang impluwensiya niya sa
kanyang pamangkin.

4. Modesto - matatag na lalaki dahil kinaya niya ang masasakit na salita ng mga kano.

5. Dolores- Isang babaeng minsan nangmnagutom at ibenenta ang katawan sa isang Kano at nabuntis,
isang matatag na babae dahil sa kabila ng nangyari ay nagpakatatag siya at isinilang ang kaniyang anak
na si Michael.

6. William Smith - Isang responsableng Kano na pinakasalan ang isang pilipina nang nabuntis,
palakaibigan siya at hindi nanapak ng ibang tao.
7. Johnson - Isang mapanlait at marahas na Kano. Minamaliit niya ang kakayahan
ng mga Pilipino.

8. Richard Hallowway- palakaibigan na Kano subalit mapagmaliit at


mapagsamantala.

9. Jeffrey - ang pamangkin ni Ali at makulit at hindi marunong magsalita ng


Filipino.

10. Jun - anak ni Modesto,mapagmahal sa magulang.

11. Steve Taylor - mapag-alala at respeto kay Magda.

12. Igna – boy nina Alipio at gahaman dahil nakipagsabwatan kay Richard para
bugbugin at nakawan si Alipio.
Buod
Umikot sa lugar ng Olongapo ang kwento, kilala ang maraming club doon lalo na
ang Freedom Pad na bentang benta sa mga sundalong amerikano dahil sa aliw na
ibinibigay nito tuwing sasapit ang gabi. Sikat sa bar na iyon ang mang-aawit na si
Michael Taylor,Jr. Ang mga kinakanta ni Mike ay mga uri ng awiting bastos at
kuwela, may mga pampasaya din at pampatama sa mga kano. Kahit hindi
nauunawaan ng mga kano ay tuwang tuwa pa rin sila na sumsabay sa musika nito.

Pagsapit ng alas singko ay lumalabas na ang mga taga-aliw sa lansanggan. Ang


downtown ng Olongapo ay nahahati sa iba’t ibang teritoryo. Merong lugar na
puro black American lang ang pwede meron din namang puro puti lang. Si Mike
ay puti, nabuntis ang ina niyang si Dolores ng isang sundalong kano noon.
Nakuha ni Mike ang pisikal niyan katangian kaya marami ang napagkakakamalan
siyang kano kahit na filipino ang ginagamit niyang wika.
Kahit kano ang am ani Mike ay matindi ang galit nito sa mga ito sa kadahhilanang mas sila pa
ang umaangkin sa teritoryo ng mg Pilipino kaysa sa mga orihinal na mamamayan nito. Kaya
naman, nang umuwi siya sa kanilang bahay at nang makita ang kaibigang si Magda kasama sa
sofa ang isang kano. Binalibag ni Mike nang malakas ang pinto pagpasok niya sa kwarto.
Nagalit si Sam kaya iniwan niya si Magda. Hahabo-habol si Magda sa kano. Kinaumagahan ay
nag-usap si Magda at si Mike. Nagkaroon sila ng sagutan dahil sa nangyari noong gabing iyon.

Nang umalis ang barko ng mga kano ay naging matamlay ang mga hostess sa Olongapo.
Naging matumal ang negosyo ng mga club. Maagang umalis si Mike sa bar dahil wala din
namang gaanong kostumer.nang pauwi ay tinawag siya ni Modesto at niyayang makipag-
inuman. May isang hostess dun ang nagsisilbi sa kano,naging waiter na din dahil walang
empliyado ang napasok dahil karamihan ay naka-leave. Siya ang kumuha ng order nila Mike at
Modesto. Kada utos ng dalawa ay sigeng tawag din ng isang kano. Nainis si Modesto kaya
sinabihan nya ang hostess na mag bihis dahil ilalabas daw siya ni Mike. Nagulat si Mike sa
sinabi ng kaibigan. Nadarama niya na gusto ni Modesto na maghamon ng away kaya umalis na
palabas si Mike at ang hostess na nagngangalang Rosalie.
Ang baklang Ali naman ay na problemado kasi sa kanya iniwan ang pamangking si
Jeffrey na lumaki sa Amerika. Biglang nawala ang kapatid niyang si Alicia na nabutis
ng isang kano, kaya ito tagapag-alaga siya ngayon ng isang batang kano.Napag-isip
isip niya na kailangan niya ng makahanap ng mapapang-asawa dahil baka lumaking
bakla kagaya niya ang pamangkin.Kaya naman, ang naisip na solusyon ni Ali ay si
Modesto. Pinakiusapan na baka pwedeng magsama sila kahit alam ni Ali na may
pamilya na si Modesto. Hindi tumalab ang paiyak iyak ni Ali kaya sa huli, kinuha niya
na lamang si Modesto bilang ninong ni Jeffrey sa kumpil kasama Mike.

Dumating ang pagdaong ulit ng barko ng US sa Olongapo, kaya nabuhayan nanaman


ang lahat. Kasabay ng mga umusbong na pangarap ng mga hostess na makahanap ng
kanong magdadala sa kanila sa lupaing pinapangarap. Pinana ni kupido si Ali kay
Richard. Nalove at first sight daw. Hayun naman si Magdalena at nakakilala nanaman
ng bagong kano na nagngangalang Steve Taylor.
Dinala ni Magda si Steve sa bahay nila ni Michael. Ipinakilala at sinabi na pareho silang
Taylor. Naabutan nila na nagpapraktis ng gitara si Mike sa tulong ng Jingle Chord Book.
Nakinig ang kano at nagkapalagayan sila ng loob ni Mike. Masaya si Magda dahil sa wakas
ay hindi na naging suplado si Mike sa mga kano. Kinagabihan, nagtatatka si Mike kung
bakit hindi niya anabutan ang kano sa apartment. Iba si Steve sa mga naunang
karelasyon ni Magdalena. May respeto ito at masayang kasama.

Taliwas sa pag-uugali ni Steve ay kabaliktaran naman ang mga katrabahong kano ni


Modesto sa base. Habang nagwewelding siya ay may tumatawag sa kanya ng yardbird.
Hindi niya ito pinapansin dahil baka ibang kasamahang Pilipino ang tinatawag ni
Johnson. Lahat na ng empleyadon Pilipino ay lumingon kay Johnson liban kay Modesto.
Nagpatuloy ang pagtawag. Napuno si Modesto at sinabing wag na wag siyang tatawaging
yardbird. Nagkainitan ang dalawa. Pumagitna si William subalit hindi niya ito naawat.
Umabot sa pagsusuntukan si Modesto at Johnson. Dahil sa komosyong nalikha ng dalawa
ay umawat na rin ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Base. Hinampas ni Johnson si
Modesto ng tubo sa ulo. Nakita ni William ang lahat ng nangyari sa kaibigan.
Dahil sa nangyari ay nawalan ng buhay si Modesto. Nais magtestigo ni William para
sa kaibigan alalng-alang sa pinagsamahan nilang dalawa. Ngunit inutos ng
pinakamataas sa barko na gawin na lamang ang idinidikta niya. Pinabalik si William sa
US kahit hindi siya sang-ayon upang mapagtakpan ang kaso laban sa mga puti.
Walang nakamit na hustisya para sa pagkamatay ni Modesto.

Sa kabilang banda, sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tumawag sa telepono at


hinahanap si Mike. Nang sagutin niya telepono ay wala namang nagsasalita. Panay
ang “Hello”’ niya sa linya. Naisip niya nab aka ang kaibigang si Ali ang tumawag at
nasa piligro ito. Kaya pinuntahan niya ito kaagad. Saradong sarado ang bahay nila Ali.
Sumilip siya sa bintana nang biglang may narinig siyang tinig ng paghihingalo.
Binasag niya ang bintana. Nang makapasok siya sa bahay ay nakalupasay si Ali at
hinang-hina. Sinabi nito na pinagnakawan siya ni Richard at kasabwat nito si Igna na
kaniyang katulong sa bahay. Dala-dala ng mga nito ang kaha de yero. Ginamit lamang
siya ng nito dahil alam nilang marami siyang pera.
Nang makauwi si Mike sa kanilang bahay ay umidlip ito at umaga na nang magising.
Napansin niyang hindi pumasok si Magda at mugto ang mga mata, mukhang galing sa
pag-iyak. Tinanong ito ni Mike ngunit hindi ito sumasagot. Sa bar, napansin niyang
nag iisa sa table si Steve. Matapos kumanta ay pinuntahan niya ang kaibigan. Sinabi
ni Steve na kaibigan lang talaga ang turing niya ka Magdalena at may pamilya siya sa
Amerika. Kaya lang, masyadong umasa si Magdalena kaya nabuntis ito dahil hindi
nag-iingat. Nagpantig ang tengga ni Mike sa mga pinagsasabi ni Steve. Kinuha niya
ang gitara at hinampas sa ulo ni Steve. Dahilan upang mawalan ito ng buhay.

Nang daahil dito ay nakulong si Mike na may kasong Homicide. Dumalaw si


Magdalena kay Mike. Dinalahan niya ito ng pancit. Huminge ng pabor si Mike kay
Magda na habang nagpapagaling si Ali ay si siya na muna ang mag-alaga kay Jefferey
na pamangkin ni Ali. Masaya si Magdalena sa pabor dahil gusto niya na daw
maranasan makitungo sa bata upang paghahanda sa paglabas ng anak.
Napagdesisyonan din ni Magda na isunod kay Mike ang magiging pangalan ng
kaniyang anak.
Pagsusuri
KABANATA 1

1. Sumasabog ang palakpakan at tawanan sa loob ng Freedom Pad.


Hyperbole/Pagmamalabis
Kabanata 1, Pahina 7
Ang ibig sabihin ng “Sumasabog” sa pahayag ay ang lakas ng pagpalakpak at tawanan
ng nasa loob ng Freedom Pad. Hindi literal na pagsabog ng palakpak, kundi mayroon
lamang malakas na ingay.

2. Tumatawag ng atensyon ang mga bastos at kuwelang kanta ni Micheal Taylor Jr.
Metapora
Kabanata 1, Pahina 7
Ang pagkuha ng atensyon ng kanta ni Micheal ay inihalintulad sa isang tabo na kung
saan tulad ng isang tabo ay humahakot ito, hindi ng tubig kundi atensyon ng mga tao
sa paligid niya.
3. Narinig ang US Embassy, sabog uli sa tawanan ang mga parukyanong kano.
Hyperbole
Kabanata 1, Pahina 9
Ang sabog na tinutukoy sa pahayag na ito ay ang lakas ng hiyawan at tawanan ng mga
karakter na kano sa istorya. Malakas lang dapat ito, dahil may pagmamalabis kaya
ginamitan ng “Sabog”.

4. “There is something wrong in his song that I can’t quite put my finger on”
Metapora
Kabanata 1, Pahina 10
Inihahintulad ng karakter sa isang bagay na ayaw niyang hawakan ang nararamdaman
niyang kaba sa kung ano ang ibigsabihin ng mga kanta ni micheal.
5. “Pumako ang lahat ng mata sa galit na mukha ng Pilipino.”
Metapora
Kabanata 1, Pahina 11
Ang pagtingin ng mga tao sa bar sa isang galit na parukyano ay inihalintulad sa katangian
ng isang pako na kung saan ay naka direkta o naka tusok sa kanya ang atensyon ng lahat.

6. Basta sa loob ng isang iglap, nahalihaw ang Freedom Pad.


Hyperbole
Kabanata 1, Pahina 11
Ginamit ang katagang “Isang Iglap” upang ilarawan kung papaano naging mabilis na
nagbago ang mga pangyayari sa loob ng Freedom Pad.

7. Lumipad ang mga bote at baso.


Metapora
Kabanata 1, Pahina 11
Ang pagtapon ng mga bote ay inihalintulad sa katangiang paglipad ng mga ibon, ang mga
bote nga ay nagliparan, ngunit hindi ito kusa.
8. “Basta nakakakita kayo ng Dolyar, naduduling na kayo.”
Metapora
Kabanata 1, Pahina 13
Ang paggamit ng katagang “Naduduling na kayo” ay hind isa literal na paraan, kundi
inilalarawan niya kung paano hindi mapakali lagi ang mga serbidor kapag merong kano na
kostumer, kung kaya’t inihalintulad niya ito sa isang duling.
KABANATA 2

1. ano ang laban niya ron, e kano yon, ang laki laki sa kanya non.
metapora
Kabanata 2, pahina 15
Inihahambing siya sa isang kano na porket kano ay wala na itong laban

2. umusok ang mga huling baga ng mga ihawan ng barkekyu


hyperbole
Kabanata 2 , pahina 16
Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung iyong susuriin
sapagkat hindi literal na umuusok ang huling baga ng mga ihawan ngunit kabaliktaran
nitong muling pag-usok .
3. ’’nanlalata yata pati tuhod ng anghel de la guwardia niya.
hyperbole
Kabanata 2, pahina 17
Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung iyong susuriin
sapgkat hindi naman na literal na nalalanta ang tuhod ng anghel

4. liban lng sa ang luha niyay hindi ukol sa nag-walked out na pag-ibig.
Antiklaymaks
Kabanata 2, pahina 21
Pagkat ang pahayag ay nagpapahiwatig ng lungkot na emosyon na ang pahayag ay
nangangahulugang isang pagkakataong makarating sa amerika na nakawala na naman
KABANATA 3

1.Nag ulayaw silay’y walang nadamang kasiyahan si modesto


Antiklaymaks
Kabanata 3, Pahina 22
Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o kaisipan na may maliwanag
na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.

2. ”Sabagay, kung wala sila rito, wala akong trabaho.”


metapora
Kabanata 3, Pahina 23
Inihahambing ang ang trabaho sa mga kano na kung wla raw sila dito sa pilipinas wala raw
siyang trabaho
3. Ito yata ang batas ng kasarian at pardon ng mga buhay ng mga katulad gaya ni Ali
Pagpapalit-saklaw/ Senekdoke
kabanata 3,pahina 23
Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan na
kung susuriin ang pahayag ito, ito ay nangahulugang likas na sa lahat ng mga bakla
na pinipirahan lang sila ng mga lalaki.

4. Uuwi si Bakla nang barya na lang laman ng pitaka niya


pagpapalit saklaw/ senedoke
kabanata 3, pahina 23
ang pahayag ay tumutukoy ng kabuuang idea na kung saan ito ay nangangahulugan
wala na itong pera at naubos na sa kalilibre sa kasamang lalaki
KABANATA 4

1.mas matrapik nga lang sa maynila kumpara sa maluwag na rizal avenue ng gapo
pagtutulad
Kabanata 4, pahina 29
Ipinapakita sa pahayag na inihahambing ang matrapik na maynila kumpara sa
maluwag na rizal avenue ng gapo

2.mugto ang mga mata ni Magdalena sa harap ng maitim na kape


metapora
Kabanata 4, pahina 29
Inihahambing ang mata ni magda sa harap ng maitim na kape ,Namumugto nga ang
mga mata ni Magdalena pagkaraang mag-iiyakit dahil sa nangyari
3. Mas abala nga lang ang mga traysikel dito imbis na dyipning gaya sa Manila.
Metapora
kabanata 4, pahina 29
metapora ito sapagkat makikita ang paghahambing ng pahayag na kung saan
pinapakita na abala ang mga traysikel sa gapo imbis na sa dyipning gaya sa manila

4. Sorry baby, pero hindi ikaw ang unang nangarap mag states. Nauna sa iyo ang
nanay ko at marami pa ring nauna sa nanay ko.
metapora
kabanata 4 pahina 31
metapora dahil inihahambing ni michael ang kanyang mama kay magdalena
KABANATA 5

1.Bumaha ang alak at ladies drink


hyperbole
Kabanata 5, Pahina 39
Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag sapagkat kung ating
susuriin hindi naman bumabaha ng alak at ladies drink bagkus ginamit lamang ang
mga pahayag na ito upang sabihin na bagong swelso ang mga tao at may
panggagastos ito

2.umagos ang mga piso wala nang dolyar


hyperbole
Kabanata 5, Pahina 39
Hindi literal na umagos ang piso at wala nang dolyar ginamit lamang ang pahayag na
ito upanng sabihin na wala nang mga kano sa sa naturang lugar at mga Pilipino na
lamang ang mga customer rito
3.”kung bakit naman kasi isinilang ka sa hindi maunawaan kasarian’’
Pang-uyam
Kabanata 5, Pahina 43
Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit
ito’y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri na imbis sabihin na bakit kang
ipinangank na bakla ay idinaan ito s aka puri na paraan.

4.gusto mong magpaka-ama, e talagang damdaming-ina ka.


Pagpapalit saklaw
Kabanata 5, Pahina 43
Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan na
ang ibis ipahiwatig ay gusto niyang maging ama pero taglay niya ang pusong pagiging
ina
5.bakla na nga ako’t lahat, pati pamangkin ko babaklain ko parin?
metapora
Kabanata 5, Pahina 43
Nagpapahayag ito ng paghahambing na inihahambing niya ang kanyang sarili at sa
maaring pwedeng mangyarai sa kanyang pamangkin

6. andito naman ho ako, e. lalaking-lalaki naman ho ako


metapora
Kabanata 5, Pahina 43
Nagpapahayag na paghahambing na kung saan inihahambing niya ang kaniyang sarili
sa isang lalaki na maaring gumabay sa kanyang alaga para maging tuwid
KABANATA 6

1. “Hindi siya magkandadala sa dalawang naglalakihang grocery bags nang umuwi.”


Hyperbole
Kabanata 6, Pahina 45
Ginamit ang salitang “Naglalakihan” bilang pagmamalabis sa dami ng mga pinamili ni
Magda. Ipinapakita sa pahayag kung gaano ka hirap na hirap si Magda sa pagbitbit ng
kanyang mga binili.

2. “Ginagawang tapunan di lamang ng mga sobrang kotse at tv, kundi pati narin ng
mga pagkaindi makain ng mga bansang puti.”
Metapora
Kabanata 6, Pahina 46
Inihalintulad ni Mike ang itinatrato ng mga kano sa pilipinas sa isang tapunan. Na kung
saan lahat ng mga bagay at pagkain na hindi na katanggap-tanggap sa Amerika ay
ipinapadala sa Pilipinas.
3. “Ang mahalaga’y mabalik ang panginoong dolyar na sinimot ng digmaan sa Vietnam.”
Personipikasyon
Kabanata 6, Pahina 47
Ginamit ang salitang “Panginoon” upang ipakita ang kapangyarihan ng dolyar pagdating sa halaga
nito.

4. “Sumasama ang timpla nya. Parang ibig halukayin ang tiyan niya.”
Hyperbole
Kabanata 6, Pahina 47
Ang katagang “Halukayin” ay ginamit upang ipadama at ilarawan kung ano ang sakit na
nararaamdaman ni Magda sa nakain niyang masamang pagkain.

5. “Sabi ko na nga ba, di nagdidilang-anghel na yata ako.”


Hyperbole
Kabanata 6, Pahina 47
Dahil nagkataon na agad nagkasakit si Magda matapos makakain ng masama. Agad na sinabi ni
mike na nagdidilang-anghel siya bilang pagmamalabis sa pagkakataon na tumumpak siya.
6. “Nakataas ang bandera ni Mike at talagang aalaskahin niya si Magda.”
Metapora
Kabanata 6, Pahina 47
Ang pagkakaroon ng Mike ng pagkakataon na makapang Alaska ay inihalintulad sa isang banderang
itinaas, na nangangahulugang panahon na niya o tyansa na niya.

7. “Walang mapamimilian ang Pilipinas at parang kapit sa patalim.”


Metapora
Kabanata 6, Pahina 49
Dahil sa kawalan ng mapililian at napipilian ay inihalintulad ang pagpirma ng gobyerno ng ating bansa
bilang pagkapit sa patalim dahil sa matinding pangangailangan ng bansa.

8. “Pero tumatagal umaasim ang hanimun nilang dalawa dahil sa mga eskandalong nangyayari sa
loob at paligid ng base-amerikano”
Metapora
Kabanata 6, Pahina 49
Hinalintulad ng awtor ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa isang umaasim na Honeymoon. Dahil
kahit na ipinapakita ng dalawang bansa ang mabuting relasyon sa isa’t isa ay mayroon paring isyu na
nagaganap na lumihihis sa hangad ng dalawang bansa.
9. “But man, I am white; can’t you get that through your thick head?”
Idyoma
Kabanata 6, Pahina 51
Ginamit ng amerikanong karakter ang katagang “Thick Head” bilang pagiinsulto sa
pinoy na trabahador dahil mukhang hindi nito naiintindihan ang kanilang sitwasyon.

10. “Basta siya ang guwardiya ng pinoy tapos ang usapan, Ngunit kung
magkawalaan sa barko, pagpalain ng Diyos ang pobreng pinoy.”
Irony
Kabanata 6, Pahina 52
Ang katagang ito ay nagpapakita ng irony, sa kadahilanang sa parte na “Ngunit kung
magkawalaan sa barko, pagpalain ng Diyos ang pobreng pinoy.” Ay ipinahayag sa
paraang sarkastiko dahil ang pinoy na sangkot ay tiyak na mapapagbintangan at
mapapahamak.
KABANATA 7

1. “Nakakabulag ang takbuhan ng mga ilaw.”


Hyperbole
Kabanata 7, Pahina 54
Ginamitan ng pagmamalabis sa paglalarawan sa kung ano ang atmospera ng bar na “nakakabulag” umano
ang mga ilaw nito. Ipinapahiwatig kung ano ang tipikal na kalagayan sa loob ng isang karaniwang bar.

2. “Pagnatatagilid ay nahahalata ang taba (kabuntisan) ng tiyan.”


Yupemismo
Kabanata 7, Pahina 55
Ang “taba ng tiyan” ay ginamit na kataga upang pagaanin ang sitwasyon sa pagtatago ng totoong
kundisyon ng babaeng serbidora na buntis, malamang ay dahil sa mga kano.

3. “Tila sila mga manikang kahoy na pintado ang mukha at plastic pati ngiti.”
Simile
Kabanata 7, Pahina 55
Dahil sa paggamit ng salitang “Tila” hinahalintulad ng may akda ang mga babae sa bar sa isang manika
dahil sa mga ekspresyon nito at palamuti sa mukha.
4. “Tumatagal, parang parusa sa kanila ang pagsayaw imbis na kasiyahan.”
Simile
Kabanata 7, Pahina 58
Dahil sa paggamit ng salitang “Parang” hinahalintulad ng may akda ang matagal na
pagsayaw ng mga babaeng dancers sa isang parusa, dahil sa pagod ng mga ito sa
matagal na pagsayaw at di gaano pinapansin ng karamihan sa kanilang mga audience.

5. “You should do something about it, make a petition, lay your cards, or worse
comes to worst, go on a strike”
Idyoma
Kabanata 7, Pahina 60
Ang katagang “lay your cards” ay nagpapahiwatig na dapat ilatag ng mga Pilipino ang
kanilang mga hinaing sa kinauukulan upang sila ay mapakinggan.
6. Samantala’y nananatili ang iringan ng puti at itim.
Metapora
Kabanata 7, Pahina 60
Dahil inihalintulad ng akda ang mga karakter sa kulay dahil sa kulay ng mga balat nito.

7. “Nginig pati tumbong nang iniaabot ng pangalawang kano ang singkuwenta pesos
sa waiter.”
Hyperbole
Kabanata 7, Pahina 60
Ipinapakita ng katagang ito ang labis na pagkatakot ng isang karakter sa pamamagitan
ng paggamit ng katagang “Nginig pati tumbong” na nagpapahiwatig ng sobrang nginig
at takot ng karakter sa istorya.
KABANATA 8

1.”Alam mo, Mike: ang daming may gusto sayo rito. Sa amin lang pag napapadaan ka, kinikilig kami.”
Pag-uulit na (Aliterasyon)
Kabanata 8, Pahina 62
Ito ay pag-uulit sapagkat may salitang inuulit ang titik o pantig (napapadaan at kinikilg)

2” Wala ka kasing hilig sa chicks!.”.


Pasukdol o Climax
Kabanata 8, Pahina 62
Pasukdol sapagkat ang mga sunod-sunod na salita ay nakaayos sa pataas na pagkakasunod-sunod na
pinapatunayan ng tandang padamdam.

3. “Sana, bumalik ka sa Music box. Sana, pag nagkita tayo uli…makilala mo pa ako.”
Paralelismo
Kabanata 8, Pahina 63
Ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng paralelismo sapagkat ang dalawang pangungusap ay may
parehong gramatika na istraktura.
4.”Tinamaan ng! Tingnan mo naman, pare, kung pano ka gaganahang mga-serbisyo sa mga Pilipino,ang
kukunat!”
Pasukdol
Kabanata 8, Pahina 63
Ito ay Pasukdol sapagkat nagpapahiwatig ito ng pataas na ayos ng pangungusap. Ginamitan din ng
tandang padamdam.

5. “Yan ang hirap sayo, e…ayaw mong makisama! Kaya yong kokonting kostumer natin nag-aalisan pa.”
Antiklaymaks
Kabanata 8, Pahina 64
Antiklaymaks dahil nagpapahiwatig ito ng pananalita sa pangungusap kung saan unti-unting
bumababa ayon sa kahalagahan. Sa pangungusap na ito ang mga kostumer ay bumababa dahil nag-
aalisan na.

6.”Mag-abang ka, mare! Matagal ng walang barko! Wala nang kuwarta’ng mga hostess!”
Pasukdol
Kabanata 8, Pahina 66
Ito ay Pasukdol dahil ang pangungusap ay nakaayos sa pataas na pagkakasunod-sunod.
KABANATA 9

1. “Hindi naman namin kailangan ang color tv. Ang totoo, meron naman kami sa bahay maski black and white. Gusto
ka lang naming matulungan.”
Pagtanggi
Kabanata 9, Pahina 69
Ang pangungusap ay isang halimbawa ng Pagtanggi sapagkat gumagamit ito ng salitang tulad ng hindi upang
ipahayag ang positibong paninindigan. Nagkaroon ng pagtanggi sa pangungusap na ito para sa positibong pahayag na
Gusto ka lang naming tulungan.

2. “Ibinigay mo rin pala sa tawad.”


Personipikasyon
Kabanata 9, Pahina 70
Ito ay personipikasyon sapagkatisinasatao ang personal na katangian ng tao sa bagay na hindi tao. Sa pangungusap
na ito ay ang kilos na “ibinigay” sa “tawad”

3.“Walang-wala na ko rito , e.”


Pag-uulit na Aliterasyon
Kabanata 9, Pahina 70
Pag-uulit dahil iniulit ang unang pantig ng salitang Walang-wala
4.Pa’no masyado kang bulagsak.”
Paglumanay
Kabanata 9, Pahina 70
Paglumanay dahil gumamit ng hindi direktang salita upang palitan ang salitang nakakasakit.

5.“Dapat sayo, matuto kang humawak ng pera. Para pag walang kano, hindi ka benta nang benta.
Paralelismo
Kabanata 9, Pahina 70
Ang pahayag ay isang Paralelismo dahil ang dalawang pangungusap ay may parehong gramatika na istraktura.

6.“Baka pag natuto kang umibig, sa pinoy din?”


Retorika na Tanong
Kabanata 9, Pahina 70
Retorika na Tanong dahil ang tanong ay tinatanong para sa isang dahilan.

7.“mansanas lang, hindi pa makapaglabas.”


Personipikasyon
Kabanata 9, Pahina 71
Personipikasyon sapagkat ang mansanas ay isinisatao ng salitang makapaglabas na katangian ng isang tao.
8.“Bat yong katalogo, kahit san ako pumunta, nakakahawak ako?.”
Pag-uulit
Kabanata 9, Pahina 71
Ito ay pag-uulit daw ang salitang nakakahawak ay may inuulit na pantig.

9“Kaya nga, dapat…mataas ang ranggo mo. Ang deperensiya, hindi umaasenso ang mga Pilipino sa
base,kasi”
Antiklaymaks
Kabanata 9, Pahina 72
Ang pahayag ay isang Antiklaymaks dahil ang pananalita ay unti-unting bumababa ayon sa
kahalagahan.

10.“maski marunong at mataas ang pinag-aralan.”


Personipikasyon
Kabanata 9, Pahina 72
Ang pariralang ito ay isang personipikasyon dahil ang kalikasan ng isang tao ay isiasatao sa bagay na
hindi tao o sa abstrak na kalidad.
KABANATA 10

1. Panginoong Diyos na gumawat sumakop sa atin, hindi ka ba nahahabag sa dugot laman mo atwe?
Apostrope
Kabanata 10, Pahina 75
Ito ay Apostrope sapagkat si Ali ay direktang tumutugon sa Diyos na hindi makatugon sa
katotohanan.

2. E sa maynila parang ginatang halu-halo ang tao.


Metapora
Kabanata 10, Pahina 75-76
Metapora sapagkat inihambing ang maynila sa ginatang halu-halo. Ayon Kay Ali, na mas maganda sa
Olonggapo kaysa Maynila dahil halu-halo ang mga lahi na nakatira dito.

3. Hindi na kita kailangan! May pera na ‘ko ngayon


Pagtanggi
Kabanata 10, Pahina 77
Ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng pagtanggi sapagkat tinanggihan ni Modesto ang alok ni
Ali na maging ama ni Jeffrey.
4. Para mo naring sinabing wakasan ko ang aking buhay.
Hyperbole
Kabanata 10, Pahina 78
Ito ay Hyperbole sapagkat nagpapahiwatig ito ng pagmamalabis o eksaherasyon. Ito ay nagpapakita
ng sobrang pagpapahayag ng kaniyang emosyon na parang hindi makatotohanan.

5. Bahala ka, layuan mo ‘ko. . pero aywan ko lang kung matatahimik ka nang alam mong may isang
kaluluwang nagdurusa dahil sayo.
Hyperbole
Kabanata 10, Pahina 78
Hyperbole dahil nagpapahiwatig ito ng pagmamalabis o eksaherasyon. Mapapansin sa pahayag ang
nakakaaliw na emosyon na ipinapahiwatig ni Ali upang mapapayag lang si Modesto sa kaniyang nais.

6. Santa Barbara! Santa Mariang biglang kinobra!


Apostrope
Kabanata 10, Pahina 79
Ito ay Apostrope dahil tinatawag ni Ali ang Santa na sa katunayan ay hindi ito makakatugon
KABANATA 11

1. Hahaha! Isn't she Christ's lover?


Metapora
Kabanata 11, Pahina 88
Ang pangungusap ay isang halimbawa ng Metapora sapagkat inihambing ni Steve si
Magda bilang Christ’s lover dahil sila ay magkatulad ng pangalan.

2. You are lucky, you are an Amerikan.


Metapora
Kabanata 11, Pahina 90
Ito ay metapora sapagkat inihambing ni Magda ang salitang lucky sa American. Ibig
sabihin lamang na kapag Amerikano ka ay swerte ka.
KABANATA 12

1. Nakatisod ng kano yong salbahe!


Metapora
Kabanata 12, Pahina 95
Metapora dahil inihambing ni Modesto si Ali sa isang katawagan na “salbahe”.

2. Look at the manners of this white elephant.


Metapora
Kabanata 12, Pahina 97
Metapora dahil inihambing ni Ali sa isang white elephant si Richard (ang kaniyang
nobyo na Amerikano) sapagkata puti ang kulay ng balat nito.
3. Kawawa naman si Steve kung ginagawa mo lang siyang kasangkapan para
makarating sa Amerika.
Metapora
Kabanata 12, Pahina 100
Ang pahayag ay isang halimbawa ng metapora dahil inihambing ni Mike si Steve sa
salitang kasangkapan na ibig niyang sabihin ay gagamitin lang ni Magda ito para
matupad ang pangarap na makapunta sa Amerika.

4. Aba nabaligtad na ata ang mundo


Hyperbole
Kabanata 12, Pahina 100
Ito ay hyperbole dahil ang pangungusap ay may bahid ng pagmamalabis o
eksaherasyon at hindi literal ang ibig pagpakahulugan ng mga salita.
KABANATA 13

1.Kaya nga ba ayokong magtrabaho ka sa base, e! Dahil maski insultuhin ka ro’n, hindi ka makakakibo! Alam mo ba’ng ibig
sabihin ng yardbird, ha? Ibig sabihin niyon, pataygutom ka!
Pagsalungat
KABANATA 13, PAHINA 102
Ang kataga ay isang pagsalungat ng tayutay dahil nagpapahayag ito na sinasalungat ni Modesto ang pagtatrabaho ng
anak niya sa base.

2. Ke alak, ke gamot…. Pag lagi mong iniinom, nagiging manhid ang katawan mo. Katagala’y hindi ka na tinatablan.
Totoo ‘yon pati sa kaso ng pagkaapi.
Pagmamalabis (Hyberbole)
KABANATA 13, PAHINA 104
Hyperbole ito dahil ang kaniyang pahayag ay nagbibigay ng pagmamalabis. Binanggit niya na kapag palagi ng umiinom ng
alak o gamot wala ka ng mararamdaman o manhid kana, pero sa totoo niyan mas lalo kang natatamaan o nalalasing kapag
marami ang iniinom mo. Gaya rin kapag inapi ka, mas lalong masakit kung palagi ginagawa sayo.

3.Problema? A, wala , wala! Hindi na rin ako tinatablan ng problema.


Pagtanggi o Litoses
KABANATA 13, PAHINA 106
Ito’y isang Litoses dahil nagpapahayag ito ng hindi pagsang-ayon. Kung makikita sa pahayag hindi sinang-ayon ni
Modesto ang tanong ni Mike tungkol sa kung may problema ba siya o wala.
KABANATA 14

1. Hey, can’t you hear me, you damn stupid crow?!

Pagdaramdam o Exclamation, Pagpapalit-Tawag


KABANATA 14, PAHINA 111
Ang pahayag ay tayutay na Pagdaramdam dahil matindi ang emosyon at ginamitan ng padamdam sa dulo ng salita. Ito rin
ay tayutay na pagpapalit-tawag dahil ang isang bagay o konsepto ay tinutukoy sa pamamagitan ng pangalan ng isang
bagay, gaya ng pagtawag ni Johnson na crow kay Modesto.

2.Kung natuto lang mag-ipon ang kaibigan mo hindi siguro niya kami maiiwan ng paganito lang.
Senekdoke o Pagpapalit Saklaw
KABANATA 14, PAHINA 116
Ang pahayag ay isang tayutay na senekdoke dahil tumutukoy ito sa isang salita o parirala na tumutukoy sa isang bahagi
ng isang bagay ay hinahalili upang tumayo sa kabuuan, o kabaliktaran.

3.Walang nangyari. Sa lahat ng kasong yong, walang nangyari, Jun!


Pagdaramdam o Exclamation
KABANATA 14, PAHINA 117
Ang pahayag na ito ay tayutay na pagdaramdam dahil nagsasad ng matinding damdamin at ginamitan ng padamdam sa
dulo ng pangungusap.
KABANATA 15

1.Lagi nga siya sa Club. Kalahati ng kita niya, do’n niya tinatapon.
Pagmamalabis o Hyperbole
KABANATA 15, PAHINA 115
Ang pahiwatig ng pahayag ay isang tayutay na Hyperbole dahil nagsasaad ang pahayag ng lubhang pagmamalabis patungkol sa
kalagayan ng tao. Sa pahayag, sinabi ng asawa ni Modesto na palagi siya pumupunta sa Club at nagtatapon ng pera, hindi naman
literal na tinatapon lang ni Modesto ang pera ngunit ang nakatagong kahulugan dito ay sa Club ginagastos at inuubos ni Modesto
ang pera niya. Sa halip na baggitin ng asawa ni Modesto ang salitang “ginagastos” ay gumamit siya ng salitang “tinatapon” na
nagpapakita ng pagmamalabis o hyperbole.

2.Saka may gagastahin ba kami, amang? Andiyan na ‘yan. Kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon sa loob, tatanggapin ko.
Mainam naman ang palakad ng mga kano. Ang totoo, may makukuha ‘kong mga benepisyo sa nangyari.
Pag-uulit na Aliterasyon
KABANATA 15, PAHINA 117
Ang pahayag na ito ay isang tayutay na pag-uulit na aliterasyon dahil tumutukoy ito sa unang titik o pantig ng isang salita na inuulit
sa unang bahagi ng salita. Kung makikita, ang salitang gagastahin at tatanggapin ay parehong may pag-uulit sa unang pantig ng
salita.

3.You white monkey! Bumalik ka sa pinanggalingan mo!


Pagdaramdam o Exclamation, Pagpapalit-tawag
KABANATA 15, PAHINA 118
Ito ay tayutay na Pagdaramdam dahil nagtatapos sa padamdam ang pangungusap. Maari ding tayutay na pagpapalit-tawag dahil
dahil ginamit niya ang salitang “monkey” para itawag sa isang tao.
KABANATA 16

1. Come on Steve, don’t say that. We always see fightings on tv and movie.
Shootings,stabbings minsan panga war.
Simili o Pagtutulad
Ika-labing anim na kabanata, pahina 120.
Isang simili ang naturang pahayag sapagkat ni Magda nag pangyayaring patayan sa base ng
mga amerikano sa patayan sa pelikula o sa mga karahasang nakikita sa telebisyon.

2. Im kinda chicken,eh? Kinda sissy?


Metapora o Pagwawangis
Ika-labing anim na kabanata, pahina 120.
Isang itong metapora sa kadahilanang inihambing ni Steve ang kanyang sarili sa isang
manok na nangangahulugang siya ay may kakayahang tulungan si Modesto ngunit wala
siyang nagawa dahil sa takot.
3.Mabait siya, si Modesto. Malakas nga lang uminom.
Pag-uyam
Ika-labing anim na kabanata, pahina 121.
Pag-uyam na uri ng tayutay ang pahayag dahil pinuri nya si Modesto sa angking
kabaitan nito ngunit ang kasunod ay ang pagbanggit sa kanyang bisyo.

4. Mas magugustuhan mo ba siya kung patuloy na hindi na lang siya lalaban,jun?


kung buhay nga siya’y wala namang dangal?
Retorika na Tanong
Ika-labing anim na kabanata, pahina 125.
Isang retorika na tanong ang pahayag dahil nangangailangan ito ng malalimang
kasagutan. Bukod rito, nakasaad ang tanong kay Jun na kung saan sinisisi ang
sarili sa pagkamatay ng amang si Modesto.
KABANATA 17
BERBAL NA KOMUNIKASYON

1. I did not even go! He was buried and all that and I did not even go! Always, I can not go anywhere when
you would not give me the permission!
Pasukdol o Climax
Ika-labimpitong kabanata, pahina 126.
Pasukdol o Climax ang pahayag sapagkat nagpapakita ito ng matinding dramatikong tensyon na kung saan si
Ali, anak ni Modesto ay umiiyak sa kadahilang hindi man lang nakapunta sa burol at Nakita ang ama.

2. There you go again, accusing me of your nonsense! Do you think I will ever go with an old man?
Retorika na Tanong
Ika-labimpitong kabanata, pahina 127.
Isa itong Retorika na Tanong dahil humihiling ito na makapagbigay ng isang mapanghikayat na punto.

3. No way, man. Im doing some practice.


Pagtanggi
Ika-labimpitong kabanata, pahina 128.
Isang Pagtanggi na uri ng tayutay ang pahayag sapagkat umayaw si Mike sa alok ni Steve na pumunta ng
beach.
4. Sabi na sayo, h’wag tayong kakain ng stateside goods!
Metapora o Pagwawangis
Ika-labimpitong kabanata, pahina 129.
Isa itong metapora o pagwawangis dahil inihambing ni Mike ang mga pagkain na ilang kinain sa
almusal bilang isang stateside goods na naging sanhi sa pagsuka ni Magda.

5. And speaking of the devil!


Metapora o Pagwawangis
Ika-labimpitong kabanata, pahina 130.
Metapora o Pagwawangis ang pariralang ito; nagkakaron ng paglilipat sa isang bagay, tao o aksyon
kung saan ay hindi literal na naaangkop. sinabi nya ito sa kay ali nung dumating ito sa
pinamamalagian nila.

6. Maryosep naman, it will not be a surprise anymore. You are going to deny me naman the
happiness of surprising you.
Antiklaymaks
Ika-labimpitong kabanata, pahina 131.
Maituturing na isang antiklaymaks ang pahayag sapagkat nasira ang surpresa ni Ali para kay Richard.
KABANATA 18

1. Isinayaw nya si Magda, at nakipagsayaw sa kanya si Magda. Inilabas nya si Magda at


sumama si Magda
Epipora
Pahina 133
Inuulit-ulit sa dulo ng pangungusap ang salitang “Magda” nang magkakasunod.

2. Kung paminsan-minsan ay binibigyan nya ng pera si Magda.


Pag-uulit na Aliterasyon
Pahina 134
Ang katagang “paminsan-minsan” ay inuulit sa unang bahagi ng pangungusap.

3. Kung meron ditong may dip’rensya ‘yon ay ang panagarap at baliw na paniniwala ni Magda.
Pagpapalit ng wika
Pahina 134
Binigyang katangiang pantao ang salitang “paniniwala”
4. Sumagot ang mga aso sa paligid.
Pagsasatao
Pahina 137
Binigyang katangiang pantao ang hayop na aso

5. Nang mag-isang anino sila sa dilim, nadama nya kay Magda ang kagustuhan at pagpapaubaya.
Pangitain
Pahina 133
Matalinhaga ang pahayag na “nang mag-isang anino sila sa dilim” nagpinta ito ng paglalarawan para sa
mambabasa

6. KRASSS! Isang bintana ng kapitbahay ang nakabig pabukas.


Onomatopeya
Pahina 137
Ginaya ang tunog ng pagbukas ng bintana.

7. “Thief! Police! Get the police!”


Pasukdol
Pahina 138
Ang magkakasunod na mga salita ay may matinding paghayag ng kasukdulan.
8. Padilim at tahimik ang kalye.
Paglilipat ng wika
Pahina 137
Binigyang katangian ang pariralang kalye.

9. Tulong! Pahingi ng tulong!


Pasukdol
Pahina 137
Ang magkakasunod na mga salita ay may matinding paghayag ng kasukdulan.

10. Dahil meron bang magkaibigan lang ay nagtatalik pagdating ng gabi?


Retorika na Tanong
Pahina 134
Pahayag na patanong ngunit nais magpunto ng isang ideya.
KABANATA 19

1. Naidlip ding tuluyan si Mike at kagat na ang dilim nang maggising.


Pagsasatao
Pahina 142
Nagbigay ng representasyong pantao ang salitang “kagat” sa isang bagay na walang buhay.

2. Hindi ka makakunat ng husto. D’on ka sa kwarto.


Pagtanggi
Pahina 141
Gumamit ang pangungusap ng salitang “hindi” na nangangahulugang ito ay nagbabadya ng
pagsalungat.

3. Naramdaman nyan ang kirot ng isang libo’t isang pagsasamantala ng mga puti sa mga
kayumanggi.
Pagmamalabis/ Hyperbole
Pahina 145
Ang nabanggit na numero ay masyadong pagmamalabis sa maghayag ng damdamin.
4. Naramdaman nyan ang kirot ng isang libo’t isang pagsasamantala ng mga puti sa mga
kayumanggi.
Pagpapalit tawag
Pahina 145
Ang pariralang “puti” ay pamalit tawag sa terminong “kano” at ang “kayumanggi” naman ay para sa
mga “pinoy”.

5. Maidlip-magising si Mike sa kaluskos ni Magda sa labas.


Pagtatambis
Pahina 142
Magkasalungat ang salitang maidlip at magising.

6. Nakakahaplos sa damdamin ni Mike na nag-iisa si Steve at walang ka-table na babae.


Pangitain
Pahina 143
Matalinhaga ang katagang “nakakahaplos saa damdamin” ito ay katagang pumupukaw sa
panibagong pandama upang mabasa ng mambabasa.
KABANATA 20

1. Nakadakot ang kamay nya sa tsokolate na tulad sa isang musmos na takot maagawan.
Paghahalintulad
Pahina 147
Inihalintulad ang pagkadakot nya sa tsokolate sa isang musmos.

2. Kung baga, yan ang mga buto, tinik, tira, mismis.


Antiklaymaks
Pahina 147
Unti-unting bumababa ang pahayag mula sa boto hanggang sa mismis.

3. May daluyong ng pangambang nararamdaman sya sa kanyang dibdib.


Pangitain
Pahina 147
Matalinhaga ang pagkakalarawan nya sa nadarama ng tauhan.
4. Lumiit na raw ang lawak ng lupang sinsakop ng base-amerikano.
Pagtatambis
Pahina 148
Magkasalungat ang salitang “lumiit” at “lawak”

5. Natadang mapalitan ng mga Pilipino ang mga puting komander.


Pagpapalit tawag
Pahina 148
Ang salitang “amerikanong komander” ay pinalitan ng “putting komander”

6. At bigla’t sumabog sa iyak si Magda.


Pagmamalabis
Pahina 151
Labis-labis ang salitang “sumabog” para ilarawan ang pag-iyak.
7. Naghintay ang mga mata ni Mike
Pagsasatao
Pahina 152
Binigyang galaw pantao ang mata ni Mike

8. Nakangiti ng malungkot at may pagsuyo, inabot ni Mike ang kamay ni Magda.


Pagtatambis
Pahina 152
Magkasalungat ang mga salitang nakangiti at malungkot.
Maraming Salamat!

You might also like