You are on page 1of 2

GAPO

ni: Lualhati Bautista

Buod

Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang
freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala.
Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa
kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan
niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang
nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga
sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni
Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito
sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya
na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang
baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong
sundalo na si Richard Halloway.

Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base
militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto
nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni
William, napatay nila si Modesto.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.

Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong


simula ay napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng
isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados
Unidos.

Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano.
Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve
sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael.

Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang
pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit
ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.

You might also like