You are on page 1of 5

NAME: MUYRONG, JOHN DENVER S.

SECTION: 1-A ANIMATION

MGA KUWENTONG BARBERO “BARBER’S TALES”


NI JUN ROBLES LANA

BUOD:
Sa isang bayan ng Rizal sa taong 1975, si Jose ay kilala at nag-
iisang barber sa kaniyang lugar. Ang kanyang kabiyak na si Marilou ang
siyang nagaalaga at nagsisilbi sa kaniya. Hindi alintana kay Marilou ang
pagiging chauvinist ng asawa. Isang gabi ay nagpaalam si Jose kay
Marilou pupunta siya kay Mayor para pagupitan ito ngunit pupuntahan lang
pala nito ang isang prostitute na si Rosa sa casa. Umuwing lasing at may
sakit si Jose at kinaumagahan siya ay namatay. Sa lamay ni Jose, Katabi
ni Marilou ang kanyang mga kaibigan na sina Tessie, isang matandang
dalaga at Susan na madalas ginagalaw ng kanyang asawa kaya’t laging
nabubuntis. Dumating ang kapatid ni Jose na sinisisi si Marilou sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Malaking kawalan si Jose lalo na kay
Father Arturo dahil mapipilitan siyang pumunta sa ibang bayan para
magpagupit. Dahil dito naisipan ni Marilou na gamitin ang mga tinuro ni
Jose sa kaniya upang maging sunod na barber ng bayan. Nagustuhan ni
Father Arturo ang kanyang gupit at nirekomenda si Marilou ni Father Arturo
sa mga tao pagkatapos ng kaniyang misa. Marami pa rin ang nagdududa
sa kanyang abilidad kahjt tinulungan pa siya ni Susan sa pamamagitan ng
pang-enganyo. Dumating ang pamangkin ni Tessie na si Edmond mula
Maynila. Isang gabi nabulabog si Marilou nang pumasok si Edmond na
may kasamang sugatang lalaki. Nalaman niya na sumusuporta ang
kaniyang inaanak sa isang rebeldeng grupo. Pinatuloy ito ni Marilou at
humiling ang kasama ni Edmond na makita ang kanyang kapatid na si
Rosa. Umalis kinaumaghan si Edmond at ang kanyang kasama ngunit di
sila makalagpas ng checkpoint sa gupit ng kanyang kasama kaya’t
ginupitan siya ni Marilou. Biglang lumago ang barberya ng Marilou at bigla
siyang ipinatawag ni Mayor Alberto Bartolome upang pagupitan ang
kanyang buhok. Dito niya nakita si Cecilia, ang asawa ni Mayor. Isang
beses nakita ni Marilou si Cecilia umiiyak sa kumpisalan na naging rason
ng kanilang pagkakaibigan. Labis na ang pag-aalala ni Tessie dahil lagi
nang gabi umuuwi si Edmond. Ayaw ipaalam ni Edmond ang kaniyang
ginagawa sa tiyahin kaya’t ginawa itong lihim ni Marilou. Rason ni Edmond
ay dahil namulat siya sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar
habang nag-aaral siya sa Maynila. Ginupitan muli ni Marilou si Father
Arturo at siya’y binigyan nito ng gantimpala. Binigyan siya ng kopya ng
librong Noli Me Tangere upang magkaroon siya ng kaalaman di lamang sa
paggupit. Pag-uwi ni Marilou ay nakitulog si Susan dahil ginagalaw siya
palagi ng kanyang asawa. Kinabukasan naman ay pinatay si Father Arturo
dahil sa pagtulong niya sa mga rebelde. Unti-unting namulat si Marilou sa
sitwasyon at pumayag gawing meeting place ang kaniyang bahay ng mga
rebelde. Nagpakita muli si Cecilia na puno ng pasa at siya’y dinamayan ni
Marilou. Ilanga raw nang hindi umuuwi si Edmond kaya’t di natiis ni Marilou
na itago ang lihim kay Tessie. Pumunta naman sa casa si Edmond upang
sabihin kay Rosa na patay na ang kaniyang kapatid. Nagtamo ni sugat si
Edmond siya’y dinala sa bahay ni Marilou. Kinabukasan ay pinaghahanap
siya ng military at gumawa si Susan ng paraan upang hindi siya mahuli.
Nagkita muli sina Marilou at Cecilia na may dala nanamang bagong mga
pasa. Nagpasama si Cecilia sa isang lugar na hindi alam ni Marilou at
nagpakamatay ito. Pinalabas sa imbestigasyon ni Mayor na in-ambush si
Cecilia. Naenganyo si Marcos dalawin ang lamay ni Cecilia. Nagusap ang
Mayor at si Marilou na maging tahimik sa totoong nangyari kay Cecilia.
Nagkapatawaran sina Marilou at Tessie. Isang araw pinatawag ng Mayor si
Cecilia upang magpagupit dahil sa pagdating ni Marcos. Dahil sa lahat ng
nangyaring naranasan ni Marilou ay sinasak niya sa leeg gamit ng gunting
ang Mayor na kung saan ito ay namatay. Tumakas si Marilou at siya ay
pinaghahanap. Tinulungan siya ng kapwa niyang kabayan upang makatas
sa checkpoint. Huling siyang nakitang sumali sa isang grupo ng mga
rebelde at nagpalit ng pangalan bilang si Luz.
MGA TAUHAN AT MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NA
HUMUBOG SA PAGKATAO NILA SA KUWENTO

1. MARILOU (EUGENE DOMINGO)


Si Marilou ang bida ng pelikula. Ang buong kuwento ay umiikot sa
kaniyang mga karanasan at pagkamulat niya sa pangyayari sa mundo.
Nagsimula si Marilou na tipong sunod-sunuran lamang sa kanyang asawa.
Wala siyang sariling desisyon dahil si Jose ang nagdedesisyon para sa
kaniya. Mula nang mawala siya, naranasan niyang magkaroon ng tiwala sa
kaniyang sarili lalo na sa kanyang kasanayan. Naranasan niya ang
sitwasyon ng pilipinas sa ilalim ng batas militar na kung saan binabaluktot
ang katotohanan sa masa. Siya ang pinakamalaking pagbabago sa
pelikula. Nagsimula siyang sunud-sunuran at walang desisyon at naging
taong may sariling paninindigan upang tumulong sa pagbabago ng
Pilipinas.

2. CECILIA (IZA CALZADO)


Si Cecilia ang asawa ni Mayor na kung saan sa lahat ng
pangyayaring kaniyang naranasan ay nahila siyang pababa dahil sa bigat
ng kaniyang dinadala. Kaunting lamang pagkataong nahubog sa kaniya
nung dumating si Marilou sa kanyang buhay, siya ang nagbigay ng
kaunting rason para siya ay mabuhay. Ang interaksyon nilang dalawa ang
nagbigay daan para malaman natin ang kaniyang kuwento at kung bakit
siya nagkaganito. Di man humubog ang kaniyang pagkatao ngunit siya ang
naging rason sa pagkahubog ng pagkatao ni Marilou.

3. EDMOND (NIKKO MANALO)


Si Edmond ang nagsisimbolo sa ordinaryong tao sa panahon ng
batas military. Pinapakita ng kaniyang karakter ang pagkamit ng Kalayaan
ng mga tao sa dahas ng gobyerno noon. Di kaagad nakita sa pelikula ang
paghubog ng kaniyang pagkatao ngunit nadadama ito mula sa kaniyang
interaksyon kay Marilou. Nagsimula siyang isang estudyanteng gusto
lamang makapagaral at makapagtapos para sa kaniyang tiyahin ngunit
tauhan siya nang makita ang sitwasyon ng pilipinas na kung saan ang mga
inosente ay dinadakip at pinapatay na humubog sa kaniya sumali sa mga
rebelde upang makamit ang Kalayaan mula sa dahas.

4. FATHER ARTURO (EDDIE GARCIA)


Si Father Arturo ang unang karakter na ating nakita. Simula sa una
niyang pagpapakita ay wala masyadong nahubog sa kanyang pagkatao
kundi mas nalaman lang natin ang lalim ng kaniyang karakter na naging
rason ng paghubog ng pagkatao ni Marilou. Nagsimula siyang mabuting
taong nagpapagupit lamang, simpleng pari para sa maliit na bayan. Sa
simula pa lamang hubog na ang kaniyang karakter. Nagtapos ang
kaniyang kuwento noong pinatay siya dahil sa pagtulong sa mga rebelde.
Ang kaniyang pagkamatay ang naghubog sa pagkatao ni Marilou maging
mulat sa katotohanan ng mga pangyayari.

5. JOSE (DANIEL FERNANDO)


Isa si Jose sa unang karakter na ating nakita. Walang pangyayari
humubog sa kaniyang pagkatao kundi siya ang rason na humubog sa
pagkatao ni Marilou. Ang kaniyang pagkatao ay isang dominante at
matapang na asawa na nagdededisyon para kay Marilou. Di siya tapat sa
kaniyang asawa sa pamamagitan ng pagsisinungaling at paggawa sa
ibang babae. Ang kaniyang pagkamatay ang naghubog sa pagkatao ni
Marilou.

6. MAYOR ALFREDO BARTOLOME (NONIE BUENCAMINO)


Si Mayor Alfredo Bartolome ang maituturing na katunggali sa
pelikula. Ang kaniyang karakter ang nagpapakita sa sitwasyon ng gobyerno
sa panahon ng batas military na kung saan ang nakakataas ang siyang
nasusunod at nagbabaluktot ng katotohanan sa masa. Nagsimula siyang
masasabi nating mabuting Mayor na kaibigan ni Jose ngunit sa pagtuloy ng
pelikula at pagkilala kay Celine ang siyang nagbunyag sa katotohanan ng
kaniyang pagkatao. Ang pagpatay ni Marilou kay Mayor ang
pinakamalaking epekto sa paghubog ng karakter ni Marilou na naging
rason para sumali siya sa rebelde sa pagkamit ng katotohanan at
kalayaan.
7. TESSIE (SHAMAINE CENTENERA BUENCAMINO)
Si Tessie ang tiyahin ni Edmond na kung saan siya ang nagpapaaral
sa kaniya. Nagsimula si Tessie na tipong kaibigan lamang ni Marilou na
sumusuporta sa kanya. Ang gawain ni Edmond ang naghubog sa kaniyang
karakter. Si Tessie ay nagsimulang may malasakit sa kaniyang mga
kaibigan at kay Edmond nang malaman niya na kasama si Edmond sa
kilusan at nilihim ito ni Marilou ay ang mahalagang pangyayari na humubog
sa kaniyang pagkatao. Ang pagkatanto nito ang naging rason ng pagkagalit
at kinasaunan pagtawad kay Marilou sa pagkaroonn niya ng realisasyon at
pagsuporta sa dalawa.

8. SUSAN (GLADYS REYES)


Si Susan ang isa sa mga kaibigan ni Marilou na laging nabubuntis
dahil ginagalaw ng kaniyang asawa. Ang karakter ni Susan ang
nagpapakita sa sitwasyon ng kababaihan noon na kung saan naaabuso
sila palagi ng kanilang asawa sa sekswal na pamamagitan. Lagi lamang
sumusuporta si Susan sa kaniyang kaibgan at ang realisasyon ng pagsali
ni Edmond sa rebelde at pagkamatay ni Father Arturo ang naging rason ng
pagsuporta niya kay Marilou sa pamamagitan ng paggawa ng paraan para
makatakas si Edmond at Marilou.

9. ROSA (SUE PRADO)


Si Rosa ang kapatid ng kasama ni Edmond. Wala masyadong hubog
sa pagkatao ang kaniyang karakter kundi ang pagtulong at pagsuporta na
rin sa rebeldeng kilusan. Nagsimula siyang prostitute sa pelikula at sa
pagdaan ng mga pangyayari, mas nakilala natin siya bilang mabuting
kapatid at napipilitan lamang maging prostitute upang mabuhay na
nagsisimbolo sa sitwasyon ng kababaihan noon.

You might also like