You are on page 1of 3

Isang Pagtanaw sa Pelikulang, Mga Kuwentong Barbero

Isang ngang natatangi ang pelikulang ito. Sa mga taong nagsasabi na


wala ng pag-asa ang film industry dito sa Pilipinas ay maaaring hindi pa
napapanood ang pelikulang itong nagngangalang Mga Kuwentong Barbero.
Pinasilip tayo ng pelikulang ito sa karurukan ng pamahalaan ng Marcos
noong 1975 kung saan dahas ang kapangyarihan ng gobyerno. Nakapokus
ang palabas tungkol sa buhay ni Marilou bilang isang babaeng hinahanap
ang kanyang sarili sa kabuuan ng palabas.
Umpisa pa lamang ng pelikula ay nakuha na agad nito ang atensyon
ko. Mula sa boses sa background ay may nagsasalita at sabi nitoy For most
of history, Anonymous was a woman. Sabi pa nitoy kung nagkatawang tao
ito ay lalaki ang tinatawag anonymous na ito. Ngayong hinanap ko sa
internet ang nasabing pelikula, aking natagpuan na nanggaling pala kay
Virgina Woolf ang For most of history, Anonymous was a woman. Talaga
ngang konektado ito sa sumunod na ipinalabas, sapagkat aking napagtanto
na ang anonymous pala na tinutukoy ay si Marilou, ang bida ng pelikula. Sa
buong pelikula, aking napansin na paunti-unting nahanap ni Marilou ang
kanyang sarili ngayong siyay naging byuda at namatayan ng anak.
Isa ring kapansin-pansing bagay sa pelikula ay ang pagturing sa mga
babae na para bang ipinapakita na mahina ang mga babae at dapat nasa
bahay lamang. Sa unang bahagi ng pelikula ay makikitang parang utusan na
lamang ang turing ni Jose kay Marilou kahit na silay mag-asawa. Si Marilou
naman ay kahit ganito na ang turing sa kanya ay hindi nagrereklamo at tuloy
pa rin ang pag-sunod sa asawa. Kahit na alam niyang nakikipag-inuman at
nakikipagsiping ang asawa sa ibang babae ay hinahayaan niya rin ito.
Ipinapakita na si Marilou ay tila walang lakas para ipagtanggol ang kanyang
sarili.

Matapos pa mamatay ni Jose ay nagpaplanong lumuwas ng Maynila si


Marilou at magkatulong na lamang. Itoy sinabi niya sa kaibigang si Tessie at
ang nagpakita ng hindi pag-sang-ayon si Tessie. Ang sabi ni Marilou ay
mamamasukan na lamang daw siya bilang katulong sapagkat wala naman
na siyang pamilya. Ang sagot sa kanya ni Tessie ay paano naman daw siyang
matandang dalaga na wala na ring pamilya, dapat na raw din ba siyang
magkatulong. Pinapakita sa kaganapang ito na ang kadalasang tadhana ng
babae noon ay ang pagiging taong-bahay kung saan gumagawa lamang gn
gawaing-bahay o kaya namay pagkakatulong.
Ngayong hindi na natuloy sa pagpunta sa Maynila si Marilou ay
sinabihan na lamang ni Susan na ituloy na lamang niya ang barberya ni Jose.
Si Marilou naman ay nagdadalawang-isip kung itutuloy niya ito sapagkat
noong panahon na iyon ay hindi karaniwan ang pagiging babaeng barbero at
tila siya ay hindi nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Mabuti na lang at
nagkaroon ng pagkakataon kung saan siya ay ang gumupit sa buhok ng pari
at kanyang napagtanto na maayos din pala siyang gumupit ng buhok.
Paunti-unti ay gumagaling siya at nahanap na rin niya sa wakas ang kung
saan siya magaling. Sa kanya na rin nagpapagupit ng buhok ang mga tao sa
kanilang lugar sapagkat malinis siya kung maggupit. Naipakita sa
pangyayaring ito na paunti-unti siyang lumalaya sa pagiging di kilalang tao o
anonymous.
Isang malaking pangyayari na nagpamulat kay Marilou sa pelikula ay
ang pagkamatay ng pari at ng iba pa sa simbahan. Kanyang napagtanto rito
nang sinabi ni Edmond, isang rebelde na nanghihingi ng kanyang tulong, na
ganito naman talaga ang gawain ng gobyerno at bakit pa siya magugulat.
Naisip niya na may punto si Edmond at simula noon ay pumayag na siyang
gawing lugar para sa pulong ang kanyang barberya. Lalo pa siyang namulat
ng nalaman niya na sinasaktan ng mayor si Cecilia. Kanyang mas
naunawaan pa noong iniba nila ang storya ng pagkamatay ni Cecilia at para

bang minamanipula na nila ang media para lamang pumangit ang tingin ng
tao sa mga rebelde. Ito marahil ang nagtulak sa kanya upang patayin ang
mayor.
Sa kabuuan, ang pelikulang itoy naglalaman ng kalayaan ni Marilou sa
pagiging isang di kilalang tao. Kung datiy wala siyang self-identity dahil sa
sumusunod lang siya sa sinasabi ng ibang tao. Noong huliy natuto siyang
tumayo sa kanyang sariling mga paa. Siya ngay maaring representasyon ng
mga kababaihan noong panahong iyon. Kung hindi siya naging bukas sa mga
bagay-bagay at nanatili siyang ignorante sa nangyayari sa kapaligiran siguro
hanggang siyay tumanda ay nagkatulong na lamang siya. Gamit ng kanyang
natagpuang lakas at tapang, sumali siya sa isang kilusan. Dito niya nahanap
ang kanyang sarili. Hindi na siya si Marilou na mahina at walang lakas,
sapagkat siya na ngayon si Luz na matapang at may paninindigan.

You might also like