You are on page 1of 2

SUMMARY

Isang alien (kalaunang nakilala sa pangalang PK), na may katawang tulad ng sa


ating mga tao, ang dumating sa daigdig upang magsagawa ng pananaliksik tungkol sa
sibilisasayon sa mundo. Subalit, makalipas lamang ang ilang sandali ng kanyang
pagdating ay naagaw sa kanya ang “remote control” ng kanyang spaceship dahilan kung
bakit hindi siya makabalik sa kanyang sariling planeta. Sa paghahanap ng kanyang
remote control ay naharap siya sa maraming pagsubok dahil sa kakulangan nya sa
kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo lalong-lalo na sa lingguahe ginagamit
ng mga tao.

Mabuti na lang at may nakilala siyang lalaki na may mabuting kalooban na


tumulong sa kanya upang matuto siya ng lingguahe ng tao at makapunta siya sa Delhi,
na sinasabing karaniwang pinagbebentahan ng mga bagay na nanakaw. Sa
pagtatanong-tanong niya kung nasaan ang kanyang remote control, ang laging tugon sa
kanya ng mga tao ay ang Diyos lamang ang nakakaalam at makakatulong sa kanya.
Dahil wala siyang ideya sa konsepto ng Diyos, tinatak niya sa isipan niya na hahanapin
niya ito. Sa paghahanap niya ay nalaman niya ang tungkol sa iba’t-ibang uri ng relihiyon
na may magkakaibang kinikilalang Diyos at magkakaibang paraan ng pananampalataya
na nagbunga ng kalituhan sa kanyang isipan.

Gayunpaman, isinagawa niya ang bawat bagay na iniuutos ng bawat relihiyon


alang-alang sa paghahahanap niya ng kanyang remote control. Subalit, wala ni isa sa
mga relihiyong kanyang sinalihan ang nakapagturo sa kinalalagyang ng kanyang remote-
control. Dahil dito ay kinuwestiyon niya ang mga walang-kabuluhang gawain at tradisyon
base sa kanyang obserbasyon ng mga organisadong relihiyon na tinawag niyang "wrong
numbers" at sinabing ginagamit lamang ito ng mga pinuno nito na tinawag niyang
"managers" upang manipulahin at maabuso ang mga inosente at kung saan,
nakakalimutan na ang tunay na mensahe at mabuting aral ng Diyos.

Sa pananatili niya sa mundo ay nakilala niya si Jaggu, isang babaeng TV reporter


at natatanging may alam sa pagiging alien niya at kalaunan ay ang nakatulong sa kanya
upang makuha niya muli ang kanyang remote control mula sa isang maimpluwensyang
lider ng isang organisadong relihiyon at makabalik siya sa kung saan man siya
nanggaling. Sa pangkalahatan, ang palabas na ito ay kwento ng pananamplataya,
pagkakaibigan at pagmamahal.

REAKSYON

Para sa akin, ang PK ay isang natatanging palabas na naglakas loob na


talakayin ang isa sa pinaka-sensitibong usapin sa mundo, ang relihiyon. Bagama’t hindi
nito kinuwestiyon ang kahalagahan ng relihiyon at ang pagkakaroon ng Diyos, tinalakay
nito ang mga tila walang-kabuluhan at makamundong tradisyon ng pananampalataya
na kasalukuyang maoobserbahan sa mga organisadong relihiyon at mga kasapi nito.

Sa kabilang banda, kahit seryoso ang pangunahing usapin na tinalakay ng


palabas, inilahad ito sa komedyang paraan kung kaya’t hindi mawawala ang ngiti mo
habang pinapanood ito. Dagdag pa rito, nagiwan ito ng mga aral sa mga nanonood.
Tinuruan tayo nito na dapat matuto tayong kwestiyunin ang mga bagay-bagay na
nakikita nating mali at hindi dapat nating hayaan na maabuso tayo ng mga taong
gumagamit ng pangalan ng Diyos upang makalamang sa iba. Tinuruan rin tayo nito ng
halaga ng pagtitiwala, pagkakaibigan at pagmamahal. Tumatak sa akin ang huling
huling parte ng palabas kung saan sinabi ni Jaggu na masyadong malalim ang
pagmamahal ni PK kung kaya’t nagawa siya nitong magparaya.

You might also like