You are on page 1of 2

Ang pelikulang Dekada `70 na hinango sa nobela ni Lualhati Bautista ay

umiikot sa pamilya Bartolome sa panahon ng Batas Militar. Si Vilma Santos


bilang si Amanda Bartolome ay asawa ni Julian at ina ng limang lalaki na
sina Jules, Emmanuel, Isagani at Jason. Si Jules ay naging isang aktibista
samantalang si Emmanuel naman ay naging isang manunulat na
bumabatikos sa pamahalaan. Si Gani ay naging isang US Navy at si Jason
naman ay naging biktima ng hindi makaratungang pagkamatay. Sa palabas
na ito ay nalahad ang ibatibang paghihirap na naranasan ng isang tipikal
na pamilya noong panahon ng Batas Militar.

Maraming katauhan sa Dekada `70 ang maihahalintulad sa mga tauhan ng


Pasyon at Florante at Laura. Unang-una na rito ay ang katauhan ni Jules.
Si Jules ay maihahalintulad sa katauhan ni Kristo. Makikita sa pakikisama
ni Jules sa mga demonstrasyon at rally na matibay ang kaniyang moralidad
at paniniwala. Dahil dito ay handa niyang ialay ang kaniyang sariling buhay
upang makatulong at maiahon ang mga mamamayan sa pang-aabuso at
api. Si Jules ay may mabuting kalooban at gusto lamang ang ikabubuti ng
kaniyang kapwa. Makikita rin naman ang pagiging mapagmalasakit nang
kaniyang tinulungan si Rene nang siya ay masugatan. Sa kabila ng mga
paghihirap na naranasan ni Jules upang matigil ang pang-aabuso ng mga
Pilipino ay sila ay nagtagumpay. Nagtagumpay ang rebolusyon laban sa
mapang-abusong gobyerno. Ang tauhan naman ni Amanda Bartolome ay
maihahalintulad sa katauhan ni Birheng Maria. Tulad ni Maria, si Amanda
Bartolome ay isang mapagmahal na ina kung kayaâ”t naranasan rin niya
ang paghihirap ng isang ina dulot ng pagdurusa ng kaniyang anak. Isa pa
ay makikita rin na si Amanda ay malungkot at lumuluha sa relasyon nila ni
Julian. Dahil sa kulang ng komunikasyon ay hindi na niya maintindihan ang
kaniyang asawa. Si Amanda Bartolome ay mapagmahal sa pamilya at
matatag sa harap ng problema tulad ni Birheng Maria. Ang maihahalintulad
naman kay Hudas sa pelikula ay si Rene. Tulad ni Hudas, pagkatapos na
siya ay pagkatiwalaan at tulungan ay kaniyang pinagtaksilan at inilantad sa
gobyerno ang pamilya ni Jules. Sa halip na pasalamatan niya ang mga
Bartolome ay kaniyang isinumbong ito dahil siya pala ay isang espiya ng
gobyerno. Ang katauhan naman ni Florante ay maihahalintulad kay Julian.
Si Julian ay hindi mapanibugho dahil sa ibang lalaki ngunit pinaghihigpitan
niya si Amanda na tuklasin ang kaniyang sarili. Makikita na hindi sumang-
ayon si Julian sa paghahanap ng trabaho ni Amanda sapagkat para sa
kaniya, ito ay malaking insulto. Dahil dito, hindi naging masaya si Amanda
sa buhay nilang mag-asawa ngunit sa dulo rin naman ay natauhan si Julian
sa kaniyang pagkukulang bilang ama at asawa at humingi ng kapatawaran
kay Amanda. At ang huling tauhan na maaaring ihalintulad ay ang
gobyerno. Maaaring maihalintulad ang gobyerno sa katauhan ni Adolfo.
Sila ang kontrabida na nagdulot ng pagdurusa ng mga Bartolome at sa
pelikula, isinasalamin na ang gobyerno ay uhaw sa kapangyarihan kung
kaya’t gumagawa ng mga paraang hindi makatarungan upang ito ay
makamtan. Makikita rin na sumanib si Rene sa gobyerno na nagpapakita
ng malimit na pagsanib ng tauhang tipong-Hudas sa tauhang tipong-
Adolfo. Ang lahat ng ito ay nagdulot ng pagwasak ng kapayapaan sa
bayan.

Tunay na makikita sa iba’t ibang tauhan ang mga isteryotipikong tauhan.


Hindi lamang sa pelikulang ito, ngunit sa maraming pelikula rin. Ang mga
tauhang ito, sinadya mang ihalintulad, ay nakagawa ng mga magagandang
kuwento at pelikula. Ngunit, sa aking palagay ay hindi rin naman
makasasama kung palawakin ang tipo ng mga tauhan. Sa pamamagitan
nito ay maiiwasan ang isteryotipikong storya at makagagawa ng
makabagong uri ng pelikula. Kung makagawa ng ibang klaseng tauhan ay
makakagawa rin ng ibang klaseng mga pelikula na maaaring hindi
tangkilikin ng masa ngunit makabago at makabuluhan. Panahon na upang
ang pelikulang Pilipino ay paunlarin at gawin ang mga ito hindi lamang
upang kumita ng pera ngunit upang maipakita sa mga mamamayan ang
tunay na kahulugan at kahalagahan ng media.

You might also like