You are on page 1of 11

Paulo S.

Abella FILI 2003


BSED 2-5 MCARTHUR

I. Libro

Sa pabalat pa lamang ng libro ay maantig kana sa kulay nito na itim at pula. Sa harap ng

pabalat nito ay makikita ang malalaking letra na ang naksulat ay “MCARTHUR”. Kung

babalikan ang kasaysayan. Si Mcarthur ay isa sa mga naging maingay na pangalan noong

ikalawang pandaigdigang digmaan. Noong nasa panahon ng mga Amerikano, noon ay mas

kilala na Heneral Mcarthur.

Ngunit sa katunayan ang aklat naman ay hindi tungkol sa buhay ni Heneral

Mcarthur. Bagkos ay nuhay ng ibat ibang binata na nalulong sa bisyo at nakakagawa na ng

masama dahil sa kanilang pag-aadik. Ang libro ay maliit ngunit puno ng makukuhang

kaalaman lalo na sa isang pangkaraniwang buhay ng mga taong ninanais na umuhnlad na ni

kahiit pagkapit sa patalim ay gagawin.

Ang likod ng pabalat ng libro ay mababasa naman ang mga katagang merong matigas,

merong malambot, meron tuwid, merong kulot, merong buo, merong durog at merong mga

taong hindi basta-basta lumulubog. Higit sa lahat ay ang katagang batung- bato kanaba?
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

rockrockan na! ito ay nagpapakita ng mga ginagawa ng mga tauhan at ang kanilang bisyo na

lagi ginagawa.

II. Awtor

Bob-ong

Si Bob Ong ay isang Pilipinong manunulat, nakapaglabas na siya ng ilang libro.

Nagsimula ang lahat nang kanyang ilathala ang isang berdeng libro na mistulang pisara

na ang mga sulat ay mula sa mitsa. Yun ay ang libro niya na pinamagatang

ABNKKBSNPLAko?!. Sa pagtagal ng maraming panahon ay patuloy pa rin namayagpag

ang pagsusulat ni Bob Ong kung kayat marami siyang nagawa akda na nailathala dito sa

Pilipinas.

III. Buod

Nagsimula ang kwento ng mabulabog ang mga tao sa isang ale na nagsisigaw dahil siya

ay nahablutan o nanakawan ng isang 18k na kwintas. Ang kwintas na ito ay may kamahalang

halaga kung ipapalit sa pera. Mabilis naman ang takbo ni Cyrus na may hawak ng kwintas sa

kanyang saradong kamao habang siya ay palundag-lundag sa mga bilao na nakakalat sa malawak

na palengke. Sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo ang anino lamang ng bata ang kayang

habulin ng mga kawatan na humahabol sa kanya.

Noong nakikita niya na mayroon pa ring mga taong pursigidong humahabol sa kanya.

Isinubo niya ang kwintas na kanyang hawak bago lumiko sa masikip na kalye. Takbo pa rin siya

ng takbo kahit na napapagod ay hindi niya pa rin ito iniinda. Naghahabol na siya ng kanyang

hininga.
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

Nang mahuli siya ni Topak, isang tiwaling pulis ay noon lamang niya naramdaman ang

sobrang bigat ng kamay ng pulis. Kasabay nito ang mala-sawang paghigpit ng bisig nito paikot

sa kanyang leeg. Pilit na pinapalabas ni Topak ang kwintas na nilunok ni Cyrus. Ngunit matigas

si Cyrus at ayaw ilabas ang nakuha.

Makalipas ang apat na oras ay inilabas din ni Cyrus dahil hindi na niya kaya ang

pangbubugbog ng pulis sa kanya. Isinuko niya ang 18k na kwintas matapos itong linisan at

banlawan. Pagkatapos ay hinayaan naman siyang makauwe ng pulis at umuwi nga si Cyrus na

parang walang nangyari.

Naabutan ni Cyrus ang mga barkada na nagbibiruan sa kung anong gamit ang kukuhanin

ni Noel sa kanilang bahay. Nandito si Jim at Voltron na inaasar si Noel sa kung ano ang dapat

niyang kunin gamit upang magkaraoon naman sila ng maraming pera at gamit. Pagkatapos ay

pinasara ni Cyrus ang pinto sa kadahilanang sila ay magbabato(droga). Muling naibaling ang

atensyin kay Noel. Kung kagamitan sa kanilang bahay ang kinabubuhay ni Noel, si Cyrus naman

ay gamit ng ibang tao ang kinabubuhay. Kung ano ang mahablot sa ibang tao na nasa kalye ay

ikinasasaya na ni Cyrus. Nagpatuloy ang kwentuhan ng buong barkada habang nakatingin sila sa

isang maliit na kandila na nasa kanilang harapan habang sinisinghot ang usok ng munting

kapiraso ng bato na kanilang sinusunog.

Napunta na ang kwento sa pamilya na inuuwian ni Noel. Sa bahay na tinitirhan niya ay

madalas lang siyang tulog sa bahay. Dahil na rin sa epekto ng kanyang mga hinihithit. Mayroon

siyang mapag-unawang ina na si Aling Sally at ang kanyang kapatid na nagngangalang Lyla na

laging niyang nakakagalit dahil sa ugali ni Noel na pangunguha ng gamit sa kanilang bahay.

Isang araw hinahanap ni Lyla ang kanyang stethoscope dahil isa siyang nursing student. Hinanap
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

niya kay noel ang gamit niya ngunit nagalit si Noel at inakmang sasaktan siya. Ang ayaw sa laht

ni Noel ay pinagbibintangan siya kahit siya ang may sala.

Dahil wala pa naman ang tropa minabuti na magsaing muna si Cyrus ng panghapunan.

Madalas itong gawin ni Cyrus para sa pagdating ng kanyang lolo pero tinuturing niyang tatay na

su Mang Justo ay makapagpahinga ito. Nilinis na rin niya ang buong bahay upang maliwalas na

itong tignan. Binato ni Cyrus ang isang kulay itim na pusa ng tsinelas. Inaakala niya na ibang

nilalang ito kung kayat takot na takot siya. Hanggang sa dumating si Mang Justo galing sa

pagupitan na kanyang pinagtatrabahuhan. Hanggang sa naghapunan an ang dalawa at

nagkwentuhan sa kung anong buhay ang gusto ni Cyrus para sa kanilang dalawa.

Maaga namang nambubulabog ng mga kaibigan si Voltron upang dumiskarte ng

panggatas ng kanyang anak. Una ay nagpunta siya kila Noel ngunit walang lumalabas. Kung

kayat minabuti niyang kila Jim nalang pumunta. Ngunit wala pa rin siyang napala kila Jim.

Hanggang sa nakita siya ni Edwin napagkwentuhan nila na nangangailangan ng pera si Voltron.

Hanggang sa nagkasama-sama muli ang buong tropa sa maliit na kwarto at sabay-sabay

na bumatak ng kanilang mga bisyo. Habang nagkakasiyahan sila ay napagkwentuhan nila kung

ano talaga ang buhay na gusto nila at pinangarap nila kung sakalaing wala sila sa kanilang

kalagayan sa kasalukuyan.

Sa bahay nila Noel habang wala si Lyla, wala rin ang kanyang ama na si Mang Fred at

ang nadoon lang ay ang kanyang ina na si Aling Sally. Pinasok ni Noel ang kwarto ni Lyla upang

makapagnakaw sa kapatid ngunit nakakandado lahat ng pinagtataguan ni Lyla kung kayat medyo

naiinis si Noel. Nakita siya ng ina sa loob ng kwarto ng kapatid. Inalok siya ng pagkain ng ina

kahit alam ng ina kung ano ang pakay ng kanyang anak sa loob ng kwarto ni Lyla. Hanggang sa
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

nakita niya ang pitaka ng kanialng bunsong kapatid. Kinuha at ibinulsa na lamang niya ang

beinte pesos na laman nito.

Madilim ang gabi. May nabiktima si Cyrus sa madilim na kalye. Mabilis ang pagtakbo ng

bata upang makalayo sa mga humahabol sa kanyan. Napansin niyang mga asong ulol ang

humahabol sa kanya. Kahit anong gawing takbo ni Cyrus ay hindi siya makaalis sa

kinakakalagyan.

Pinagbentahan naman ni Jim ng sapatos si Noel. Ngunit walang pera na maipapambili si

Noel kaya minabuti niya na umuwi na lamang ng bahay. Nang makauwe siya sa bahay ay nakita

niya ang asawa nito na nakabihis at nagtatangka na umalis na sa puder ni Jim. Dahil hindi naman

yun ang pinapangarap na buhay ng kanyang asawa. Hanggang pangako na lamang ang ginagawa

ni Jim para sa kanyang asawa.

Sa kabilang banada ay umuwi naman si Cyrus sa kanilang bahay at hindi niya inaasahan

na makikita niya si Mang Justo sa kanilang bahay. Kung kayat nagtanong ang matanda at sinagot

naman ito ni Cyrus. Bigla na lamang nalungkot si Cyrus dahil sa nalaman niyang may iniindang

sakit si Mang Justo.

Sa mga susunod na pangyayari masayang nag-iinuman ang buong barkada. Sabay-sabay

rin silang nagtatawanan at humahalakhak sa bawat kwento na kanilang naririnig. Halos puro na

lamang oagtawa at pagsasaya ang kanilang ginawa.

Kinagabihan, ibang pamilya ang inuwian ni Noel. Hinahanap ni Aling Sally kay Noel

ang relo na isinanla sa kanya ng kaibigan niyang si Mareng Helen. Agad naman ikinagalit ito ni

Noel kaya umakyat agad ito papasok sa kanyang kwarto. Biglang nagsalita si Lyla tungkol sa

kanyang magnanakaw na kapatid kung kayat dali daling tumakbo si Noel pabalik sa baba at
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

dinamput niya ang plastic na upuan at hinagis sa kanyang kapatid. Umiiyak si Apple habang

nakikita ang magkapatid na nag-aaway. Dahil sa gulo ng magkapatid ay lumabas si Mang Fred

sa kanyang kwarto at tumakbo sa kanya si Apple na umiiyak. Natigil si Noel at sa sobrang inis

ng ama ay pinalayas niya ito sa pamamahay.

Sa di inaasahang pangyayari ay muling nanaginip si Cyrus ng masama na halos ipaghabol

na rin niya ng kanyang hininga. Kumatok naman si Noel at ginising si Cyrus upang itaning kung

pwede siyang tumuloy sa bahay nila. Bilang upa ay binigay ni Noel ang isang baril kay Cyrus.

Kaagad naman itong itinago ni Cyrus sa ilalim ng unan niya.

Nakaakbay si Voltron si Edwin, kilalang druglord sa kanilang lugar. Pinapasok nila ang

isang eskinita kung nasaan ang maliit nilang warehouse na sumusustento kay Voltron.

Mula sa galaan, dahan-dahang binuksan nina Cyrus at Noel ang pinto ng maliit nilang

dampa. Dahan-dahang kinuha ni Cyrus ang gasera upang magkaroon ng kaunting liwanag. Noon

lamang nila nalaman na gising pa ang matanda, agad din niyang nilapat ang mga kamay sa noo

ng matanda upang malaman kung ito ay may lagnat, ang dumi na rin ng paligid sapagkat halos

isang linggo na rin sumusuka ang matanda. Agad dinala ni na Cyrus at Noel ang matanda sa

ospital.

Naka-confine sa ospital ang matandang si Mang Justo dahil sa sakit sa bato.

Kinakailangan daw niya ng transplant sabi ng doktor.

Halos di pa mag-usap sina Jim at Cyrus ng makarinig ng palakpak mula sa labas ng

ospital, si Noel, agad na bumama ang magkakaibigan at tumatakbo agad upang sundan si Noel.

Tumigil sila sa isang creek kung saan din nila nakita ang nanay ni Voltron na si Aling Seding. Di

makapaniwala si Jim ng makita ang pugot na ulo na bangkay ng kaibigang si Voltron.


Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

Ilang araw mula noong maiconfine si Mang Justo ay napagdesisiyunan ni Cyrus na tuloy

ang operasyon atil mismong bato niya ang kanyang ibibigay. Naging matagumpay ang

operasyon at agad ding nakauwi ang matanda.

Di na iba kay Mang Justo ang madalas na pakikipagkwentuhan ng batang si Noel sa

kanya. Biglang naalala ng matanda na ubos na ang kanyang gamot kaya kanyang pinakisuyuan

muna si Noel na kung sana ay ibili na muna siya ng gamot nito. Tulog naman at namamahinga

naman ang apo niyang si Cyrus sa papag. Nananaginip nananaman ng masama ang binatang si

Cyrus. Muli niyang nakita sa kanyang panaginip ang babaeng humahabol sa kanya. Naglalaway,

umuungol, hinihingal. Wala na siyang iba pang matakbuhan at papalapit na sa kanya ang

maligno. Sigaw ng sigaw si Cyrus, pero sa isip lang. Walang nakakarinig sa kanya. Ibinuka ng

halimaw ang mapangil na bibig at tuluyang nilunok ang lolo ni Cyrus. Agad naman siyang

isinunid ng halimaw. Sa isang iglap, nabunot niya sa ilalim ng unan niya ang baril na galing kay

Noel at ipinutok ito sa halimaw. Bawat mura niya sa halimaw ay isang bala sa katawan nito.

Bumagsak sa sahig ang katawan ni Mang Justo. Basag ang bungo l, butas na katawan at

walang buhay. Baha sa dugo ang maliit na bahay.

Nang kinabukasan naman ay agad ding bumalik ang binatang si Noel sa kanilang bahay agad na

napatawad ng magulang sa kanyang pagkakasala.

IV. Tauhan

 Voltron- payat na lalaking may maumbok na dibdib, maliit na ulo, at malaking kamay at

paa. Hindi proportional ang katawan, mukhang robot na kapag nagsalita ay nagpapaulan

ng laway. Siya ang namatay sa kanilang magkakaibigan na natagpuan ang kanyang

katawan na pugot ulo. Dahil na rin sa pagsama niya sa druglord.


Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

 Cyrus- ang pinakabagtang miyembro, may pinakamabilis na kamay, pinakamatuling paa,

pinakawais at madiskarte at siya ang laging nahuhuli ng pulisya. Siya ay nakatira sa

poder ng kanyang lolo na si Mang Justo. Siya ay laging nanaginip ng mga maligno dahil

na rin sa labis niyang pagbatak. Dahil sa panaginip niya ay napatay niya ng kaisa-isang

nag-laga sa kanya na si Mang Justo.

 Jim- beinte-tres anyos, pimakamatanda sa lahat. May malaking katawan, maliit na utak.

Siya ay may pamilya na at hindi maibigay ang ninanais na buhay ng kanyang asawa.

 Noel- pangkaraniwang college boy na laging kaaway ang kanyang kapatid at laging

nagnanakaw ng mga bagay-bagay sa bahay nila. Naging kakwentuhan ni Mang Justo

simula noong lumipat siya o nakitira muna kila Cyrus. Siya rin ang nagbigay ng baril kay

Cyrus.

 Mang Justo- lolo ni Cyrus na tinuturing niyang tatay. Ginagaw ni Cyrusb lahat para

lamang mapagamot siya ngunit sa dulo ay mapapatay rin siya ni Cyrus dahil sa isang

pagkakamali.

V. Lugar

Squatters Area- ito ang lugar kung saan nakatira ang buong barkada. Madalas silang

nagtatakbuhan dito tangay ang mga gamit na kanilang nakuha sa mga tao.

VI. Mensahe

Ang kwento ng nobelang ito ay kwento ng apat na magkakaibigan nagkagulo gulo ang buhay

dahil sa masamang gamot at udyok na rin ng kahirapan ay nakagagawa ng mga bagay na hindi
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

naman dapat. Ilan nga sa mga bagay na ito ay ang pagnanakaw, pagsisinungaling at kung minsan

maging ang kanilang mga pangarap ay nasira.

Ang kwento ay nagbibigay ng mensahe na hindi sagot ang anumang tiwaling gawain upang

makuha ang mga bagay na maari nating pagsisihan sa huli. Ang paggamit ng mga ipinagbabawal

ay mali at kung minsan nagiging sanhi pa ng ating pagiging bayolente.

Minsan kahit na gaano na tayo karumi at makasalanan ay hindi pa rin mawawala ang

pagmamahal natin sa pamilya. Laging nangingibabaw ang pagmamahal natin sa ating mga mahal

sa buhay kahit na palagian tayong nakagagawa ng mga kasalanan. Natututo rin tayong lumaban

sa hamon ng buhay at hindi pinababayaan na madaig tayo ng mga problema ngunit may mga

pagkakataon talaga na kailangan na rin natin kumapit sa patalim dahil wala na tayong maisip pa

na ibang paraan.

VII. Bakit kailangang magbasa ang mga kabataan?

Kailangang magbasa ng maraming kabataan upang mas lumawak ang kanilang kaisipa

tungkol sa mudo ng panitikan na mayroon ang ating bansa. Mahalaga rin na malaman ng mga

kabataan kung ano ang madalas na paksain ng mga kwentong kanilang mababasa. Kadalasan

kasi ang mga kwento ay nahahahango sa ibat ibang isyung panlipunan na maaring sasalamin sa

kung ano ang kasalukuyang estado ng lipunan mayroon ang bansa.

Sa pagbabasa ay maari rin mamulat ang mga kabataan sa kung ano ang dapat nilang maging

papel sa mga bagay na dapat nilang gawin o kanilang maging gampanin. Malaki ang nagiging

papel ng pagbabasa para sa mga kbataan na ninanais na lumawak o mas umunlad ang kanilang

kaisipan. Dahil kung minsan habang sila ay nagbabasa ay mas lumalabas ang alab sa kanilag

mga damdamin. Mas nailalabas nila ang mga saloobin nila ng mas mabuti pang paraan.
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

Sa pagbabasa makikita ng kabataan ang halaga ng panitikan ng bansa. Malaking

instrumenyto ng pagkatuto ang pagbabasa dahil mas malawak at malaking impormasyon ang

makukuha sa tuwing tayo ay magbabasa. Kung kayat nararapat lamang sa mga kabataan ang

pagbabasa dahil kung minsan ang pagbabasa ay nagiging pundasyon ng kanilang karunungan.

VIII. Bakit kailangang mabasa ng mga kabataan ang libro?

Sa panahon natin ngayon mga kabataan na ang madalas nasasangkot sa krimen. Madalas

na kalaban ng mga awtoridad at opisyales dahil na rin sa pagsuway o pagtaliwas nila sa

batas. Ang McArthur ni Bob Ong ay hindi ganun kahirap unawain at basahin. May mga

salita na bago lang sa ating mga pandinig ngunit kung uunawain mabuti ay tipikal na

kwento ng buhay ng mga kabataan na napariwara ang buhay dahil sa mga dinaranas sa

buhay at sa bisyo.

Kailangang mabasa ito ng mga kabataan dahil hindi ito nalalayo sa

pangkaraniwan at isang buhay ng kabataan ngayon. Kung titignan ang kwento ng

McArthur ay kwento ng mga binatang ninais rin na gustong gumanda ang kanilang buhay

nginit nawalan na sila ng pagkakataon marahil na nga rin sa kahirapan ng buhay.

Kung titignan ng mabuti kung ang akdang ito ay babasahin ng mga kabataan ay

makikita nila kung ano ang isyu ng mga kabataan sa panahon ngayon. Kung ano ang

kalagayan nila sa pangaraw-araw na pamumuhay. Mas lumalawak ang kaisipan nila na

hindi lamang sa kung ano ang nakikita nila sa tunay na reyalidad ng buhay kundi pati na

rin sa mga nakikita nila sa mga akdang pampanitikan tulad na lamang ng mga kabataan

sa McArthur.

Malaki ang papel ng akdang ito sa pagmulat sa mga kabataan kung ano ang mga

maling gawain na dapat nila maiwasan. Mga gawain na dapat nila matanto na hindi nila
Paulo S. Abella FILI 2003
BSED 2-5 MCARTHUR

dapat gawin dahil maari nilang pagsisihan. Mga gawain na kapag kanilang ginawa ay

may mga kapalit. Ngunit kahit na ganoon ay nakita pa rin ang pagmamahal ng mga

tauhan para sa kanikanilang mga pamilya.

IX. Line o quote na gusto sa libro.

“Sa kalangitan, ang mga nagliparang pangako ng hinaharap, dahan-dahang hinahangin,

kasama ang mga nasayang na pangarap, papunta sa walang hanggang kawalan”.

You might also like