You are on page 1of 4

Proyekto

Sa
Rizal

NOLI ME TANGERE

Ipinasa ni: Edralin B. Dalgo Jr.

Ipinasa kay: Mrs. Shirley Bermio Navalta


I. PAMAGAT : KABANATA 54

 LAHAT NG LIHIM AY NABUBUNYAG AT WALANG DI


NAGKAKAMIT NG PARUSA

II. MGA TAUHAN

 Padre Salvi – kura sa San Diego na pumalit kay Padre Damaso


 Alpares - asawa ni Donya Consolacion at makapangyarihan sa San
Diego
 Elias - Nagligtas kay Crisostomo at anak ng kaaway ng mga ninuno
ni Ibarra
 Crisostomo Ibarra - nag -iisang anak ni Don Rafael Ibarra at siya
ang kasintahan ni Maria Clara

III. TALASALITAAN

 Nangangatal – Nanginginig
o Bagamat nangangatal din sa takot ay hindi ko natiis na hindi
bumalik para masiguro ang hinala.
 Pagkagitla – Pagkagulat
o Siya’y may malay pa rin subalit nasa matinding pagkagitla.
 Nagkukumahog – Nagmamalabis
o Unang araw pa lamang ay muntik na akong mahuli sa klase kung
hindi lang ako nagkumahog sa pagkilos.
 Napaduhapang – Napadapa
o Siya ay napaduhapang sa kalsada sa kaniyang pagmamadali.

 Pag-aalsa – Paghihimagsik
o Ang kampo ni Adryen ay nagkaroon ng pagaalsa laban sa kanyang
kalaban.

IV. MAIKLING BUOD

Nagpunta ang kura sa bahay ng alperes upang ibalita rito ang


pinaplanong pag-aaklas at paglusob sa kuwartel. Nalaman daw ito ng
kura dahil sa isang babaeng nagkumpisal. Pinaghandaan ng kura at ng
alperes ang sinasabing pag-aaklas. Nagtalaga sila ng mga guwardiya sibil
sa kumbento habang lihim na nakamasid ang mga sibil sa kuwartel.
Dali-dali ring nagpunta sa bahay ni Ibarra si Elias. Natagpuan niya ito sa
laboratoryo. Sinabi nito ang planong pag-aaklas na tiyak na si Ibarra ang
ituturong nagbayad sa kilusan ng paglusob. Dahil dito, susunugin nila
ang mga aklat at kasulatan ni Ibarra na maaaring magamit na ebidensya
laban sa kaniya. Nakita ni Elias ang isang kasulatan tungkol kay Don
Pedro Eibarramendia. Itinanong ni Elias kung kaano-ano ito ni Ibarra.
Sumagot siya na nuno raw niya ito. Nanginig sag alit si Elias sapagkat
ang Don na iyon ang nagpahirap sa kaniyang nuno. Nais na sanang
gamitin ni Elias ang balaraw kay Ibarra. Ngunit natauhan ito at umalis
na lamang.

V. PAGPAPAHALAGA

Walang lihim na hindi nabubunyag. Minsan ang kasagutang


hinahanap natin ay nasa paligid na lamang. Kailangan lamang nating
maging mapagmasid.

VI. SARILING PUNA


Mula sa aral ay masasabi kong nakontrol ni Elias ang kanyangsarili
kung saanmuntik na niyang masaktan si Ibarra dahil sa
kanyangnalaman. Maihahalintulad ko ito sa aming kapitbahay sa Irisan.
Ang babaengasawa ay nagkaroon ng ibang lalaki dahil siguro nasa
abroad ang kanyangasawa ay ibinaling niya sa iba ang kanyang pag-ibig.
Pero sa di inaasahangpagkakataon ang lalaking asawa ay sinorpresa ang
kanyang asawa sakanyang pag-uwi. Imbes na siya yung manonorpresa
ay kasalungat angnagyari dahil siya yung nasorpresa sa kanyang nakita.
Nakita niya langnaman na nakikipagtalik sa iba ang kanyang asawa. Sa
galit niya ay ginuloniya lahat ang mga kagamitan nila sa bahay at agad
ring umalis. Kahanga-hanga ang kanyang ginawa dahil imbes na sa
asawa o sa kabit ng kanyangasawa ibunton ang kanyang galit ay
ibinunton niya lamang ito sa kanilangkasangkapan

You might also like