You are on page 1of 1

Mahirap ang mahiwalay sa pamilya Saludo kami sa inyong pagtiyatiyaga

Lalo na yong nakikipagsapalaran Kahit na kayo ay nasa ibang bansa


Na di alam kung ano ang kapalaran Buo pa rin ang inyong mga suporta
Para lamang kumita ng pera’t barya Para na rin sa inyong mga pamilya

Mula sa Pinas patungong ibang bansa


Magtatrabaho para lamang may kita
Upang mapakain ang buong pamilya
Ang lahat ay gagawin at kinakaya

Mahirap talaga na mangibang bansa


Para sa kwarta ang pamilya’y iiwan
Isipin ang buhay at kinabukasan
Dahil sa pamilyang sayo’y umaasa

Pagod at ang hirap ay kayang tiisin


Para sa pamilya ay may ipakain
Tintipid ang sarili hanggat kaya
Para sa Pinas ay makapagpadala

Tunay at marangal na mga bayani


Mga Pinoy na dapat ipagmalaki
Di lamang sa Batanes hanggang sa Julo
Kung hindi pati na rin sa buong mundo

Mga kapwa nating mga Pilipino


Na nagtatrabaho sa mga arabo
Hapon, Instek, Koreano, Amerikano
Pati na rin sa iba pang mga tao

You might also like