You are on page 1of 13

ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)

H
E
K
A
S
I

DistanceEducationforElementarySchools

SELFINSTRUCTIONALMATERIALS

ANGPAKIKIPAG
UGNAYANNGMGA
DAYUHANSABANSA
DepartmentofEducation

BUREAUOFELEMENTARYEDUCATION
2ndFloorBonifacioBuilding
DepEdComplex,MeralcoAvenue
PasigCity

Revised2010
bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),
DepEdDivisionofNegrosOccidental
undertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation
inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Thiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistribution
throughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupported
byAusAID.

GRADE IV
ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN
NG MGA DAYUHAN SA BANSA

ALAMIN MO

Suriin ang larawan sa itaas. Sinu-sino ang mga unang dayuhang ito na
nakipag-ugnayan sa ating bansa? Nakilala mo na ba sila?
Sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Matututuhan mo ang tungkol sa mga
sumusunod:

Ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa


Ang mga bansa sa Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipino
Ang mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga
dayuhan
1

PAG-ARALAN MO

Sa tulong ng mapa ng mundo sa ibaba, hanapin mo ang mga bansang


pinagmulan ng ibat ibang pangkat ng dayuhang dumating sa bansa.

Batay sa ginawa mong paghanap sa mga bansa, sa isang bahagi lamang


ba ng mundo nagmula ang mga ito?
Bakit kaya sila nakaabot sa ating bansa?
Ano kaya ang pangunhaing dahilan at nakarating sa Pilipinas ang mga
dayuhang ito?

Basahin mo ang mga sumusunod na talata upang masagot mo ang mga


katanungan.
Ang Mga Orang Dampuan at Orang Banjar
Unang dumating sa Pilipinas ang mga Orang Dampuan o ang
mga taga-Champa. Ang Champa ay ang kilalang Vietnam sa ngayon.
Pumunta sila sa Pilipinas upang makipagkalakalan. Nagtatag sila ng
Kalakalan sa Sulu. Wala silang plano na sakupin ang mga taga-Sulu
na tinatawag na Buramin. Hindi naging maganda ang ugnayan ng mga
Orang Dampuan at ng mga Buramin at nauwi ito sa digmaan. Natalo
ang mga Buramin dahil sa mahuhusay na armas ng kalaban.
Ang mga Orang Banjar ay mga taong buhat sa Banjarmasin,
isang teritoryong sakop ng Imperyong Shri-Visaya sa kanlurang
Indonesia. Nabalitaan nila ang tungkol sa magagandang Perlas sa
Sulu kaya pumunta sila rito upang makipagkalakalan noong ika-13
daantaon. Naging maganda ang samahan ng mga Orang Banjar at
Buramin, hanggang sa nang magtagal, naging higit na
makapangyarihan ang mga Orang Banjar kaysa sa mga Buramin. Ang
mga Buramin pa ang nagbabayad ng buwis sa mga Orang Banjar.
Marami pang Banjarmasin ang dumating sa Sulu. Nagawa nilang
itaboy ang mga Buramin.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sinu-sino ang mga Orang Dampuan at Orang Banjar? Saan sila
nagmula?
2. Nakabuti ba sa atin ang pakikipag-ugnayan ng mga Orang Dampuan
at Orang Banjar? Bakit?
3. Ano ang dahilan ng pagkikipag-ugnayan nila sa ating bansa?

Maaari mong isulat ang mga sagot sa mga katanungang ito sa iyong
kuwadernong sagutan upang makita ng iyong guro.

Ang Mga Tsino


Sa mga unang pangkat na nakipag-ugnayan sa ating bansa ang mga
Tsino ang may pinakamatagal na pakikipagkalakalan. Nagsimula ang
kalakalan noong ika-10 siglo, ang mga Tsinong nagsimulang manirahan
noong ika-12 siglo. Nakaimpluwensiya sa ating kultura ang mahabang
pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Tsino. Ang mga kagamitang
tulad ng tapayang proselana, kristal, aboloryo, karayom, plorera, patalim,
telang seda at jade ay namana natin sa mga Tsino. Sa kanila din natin
natutuhan ang paggawa ng pulbura at mga kagamitang yari sa metal.
Natutuhan din ng mga Pilipino ang paggamit ng mga paputok at kwitis,
paying, tsinelas at bakya mula sa mga Tsino. Ang paglalaro ng trumpo at
sungka, pagpapalipad ng saranggola ay sa mga Tsino rin nagmula.
Maraming pagkaing Tsino ang naging bahagi na ng pagkaing
Pilipino. Ilan dito ang pansit, lumpia, siopao, mami, okoy, siomai at
chopsuey. Ang mga gulay tulad ng petsay, kintsay at bataw ay dala rin ng
mga Tsino.
May mga salita ring naging bahagi ng ating wika. Ilan dito ay ang ate,
ditse, sangco, gunting, susi, sipit at kuya. Ang mga kaugaliang tulad ng
pagkakabuklod ng pamilya at paggalang sa mga magulang at matatanda ay
namana rin natin sa mga Tsino.
Sagutin mo ang mga tanong.
1. Ang mga Tsino ang may pinakamatagal na pakikipag-ugnayan sa mga
Pilipino, ano kaya ang dahilan ng kanilang pakikipag-ugnayan?
2. Anu-ano ang palatandaan ng impluwensiya ng mga Tsino sa ating
bansa?
3. Anu-anong mga kagamitan, pagkain, laro at salita ang namana natin
sa mga Tsino?
4

Isulat mo ang mga kasagutan sa iyong kuwadernong sagutan at ipakita


mo sa iyong guro na panahon ng inyong pagkikita.

Ang Mga Arabe


Tulad ng mga ibang dayuhan, naparito ang mga Arabe upang
makipagkalakalan at magpalaganap ng relihiyong Islam. Bagamat ang
mga Arabe ay nakarating na sa bansa dahil sa pakikipag-kalakalan sa
Tsina, noon lamang ika-15 daantaon nagsimulang lumaganap ang
impluwensiya ng Islam sa Pilipinas. Ang paglaganap ng Islam ang
nagbigay daan sa pagtatag ng pamahalaang sultanato.
Ito ang
pamahalaang pinamumunuan ng sultan.
Ang mga batas at kaugalian sa Mindanao at Sulu ay impluwensiya
rin ng mga Arabe. Ang mga batas na ito ay batay sa Koran na siyang banal
na aklat ng mga Muslim. Ang di-pagkain ng baboy at ang pagdalaw sa
Mecca at iba pang lugar na banal sa kanila ay impluwensiya rin ng mga
Arabeng nakipag-ugnayan sa mga Pilipinong Muslim.
Ang Singkil na sayaw-pangkasal ng mga Tausug sa Mindanao at
Sulu ay buhat din sa Arabia. Ang wika tulad ng sulat, pilat, alamat, apo,
bukas, alak at maalam ay hango sa Arabe. Ang epikong Indarapatra at
Sulayman na nahahawig sa mga kuwento ng Arabian Nights ay
impluwensiya rin ng Arabe.
Sagutin ang mga tanong.
1.
2.
3.
4.

Paano nakipag-ugnayan ang mga Arabe sa ating mga ninuno?


Ano ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga Arabe sa bansa?
Anu-ano ang mga impluwensiya ng Arabe sa kulturang Pilipino?
Maituturo mo ba sa mapa ang kinalalagyan ng Arabia?
5

Ang Mga Hapones


Ayon sa kasaysayan ng sinaunang Hapones, ang mga Hapon ay
nagtungo rito upang makipag-kalakalan o manirahan. Nanirahan sila sa
mga purok ng Ilog Cagayan, Golpo ng Lingayen at Maynila.
Matagal ding nag-ugnayan ang mga Hapones at ang mga unang
Pilipino. Nagkaroon din ng impluwensiya ang kulturang Hapones sa ating
kultura. Natutuhan natin ang pag-aalaga ng itik at pagpaparami ng isda.
Kasabay ng kaalamang ito ang pagkatutuo ng pagluluwas ng itlog at tuyong
isda sa ibang bansa. Natuto ring magpanday ang mga Pilipino kaya
nakayari sila ng ibat ibang kagamitan sa paggawa. Ang paggawa ng alahas
ay kanila ring natutuhan. Tinuruan din tayo ng mga Hapones ng negosyong
tingian, ang pagtatabas ng balat ng hayop at ang paggawa ng sandata.
Itinuro rin ng Hapones ang paggawa ng katad mula sa balat ng usa.
Nakapangasawahan ang ilang Hapones at Pilipino.
Sagutin ang mga tanong.
1. Saan-saang pook sa bansa nanirahan ang mga Hapones na nagtungo
rito?
2. Anu-ano ang natutuhan natin sa mga Hapones?
3. Nakabuti kaya ang pakikipag-ugnayan ng mga Hapones sa ating mga
ninuno?
4. Makikita mo ba sa mapa kung nasaan ang Hapon?
5. Ano kaya ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng Hapones sa ating
bansa?
Isulat mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong kuwadernong
sagutan at ipakita mo sa iyong guro.

Ang Mga Hindu


Nakarating sa Pilipinas ang kulturang Indian sa tulong ng mga
mangangalakal na buhat sa Indonesia. Malakas ang impluwensiya sa
kanila ng Imperyong Shri-Visaya. Pumalit dito ang Imperyong Madyapahit.
Nagpatuloy ang impluwensiya ng Indian sa Pilipinas.
Ang pinakamalaking impluwensiya ng kulturang Indian ay makikita
sa papantig na pagsulat natin. Humigit-kumulang sa 350 salita sa Filipino
ang hango sa Sanskrit. Sinaunang wika ng mga Indian ang Sanskrit. Ilan
sa mga salitang ito ay ang sumusunod: diwata, sampalataya, saksi, dusa,
parusa, suka, mukha, sutla, hari, ama, asawa, maharlika, mutya, kudyapi
at sandata.
Ang kasuotang tulad ng putong at sarong ay buhat din sa Indian.
Ang mga kasuotang Igorota ay hawig sa kasuotan ng mga Hindu. Ang
barong tagalog ay nahahawig sa tabas at burda sa kurta ng India. May
mga prutas na nagmula rin sa India tulad ng mangga, langka at aratilis.
Kabilang naman ang ampalaya, patola at malunggay sa mga gulay. Ang
sampaguita at champaca ay galing din sa India.
Ang paglalagay ng belo at kurdon sa mga ikinakasal ay
impluwensiya rin ng India. May mga paniniwala ang Pilipino na nanggaling
sa India, tulad ng : ang babaing kumain ng kambal na saging ay
magkakaanak ng kambal; ang dalagang umaawit habang nagluluto ay
magkakaasawa ng biyudo; at ang paglitaw ng kometa ay babala ng
taggutom, digmaan at iba pang masamang pangyayari.

PAGSANAYAN MO

A. Isulat ang pangkat ng mga taong pinagmulan ng mga sumusunod na


impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong
sagutan.

1. Pag-aalaga ng itik
2. Tapayang Porselana
3. Relihiyong Islam
4. Kasuotang putong at sarong
5. Pagpapaputok ng kwitis
6. Paglalagay ng belo at kurdon sa ikinakasal
7. Sayaw na Singkil
8. Pagtabas ng balat ng hayop
9. Pancit, siopao, siomai
10. Ang di-pagkain ng baboy
B. Piliin ang titik ng salita sa hanay B na kaugnay ng nasa hanay A. Isulat
ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Hanay A

Hanay B

1. mga taong taga-Champa

A. Indian

2. mga taong sumakop sa Buranon ng Sulu

B. Orang Dampuan

3. ipinalit sa kalakal ng Tsino

C. Orang Bajar

4. nagsimula ng negosyong tingian

D. Hapones

5. Sanskrit

E. Perlas

C. Punan ang tsart ng mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa


mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Tsino

Dahilan ng Pakikipag-ugnayan
Arabe
Hapones

Indian

TANDAAN MO

Ang mga unang dayuhan na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan


sa mga unang Pilipino ay ang mga Arabe, Intsik, Hapones,
Indian, Orang Dampuan at Orang Banjar.

Nakipagkalakalan ang mga unang dayuhan sa mga


katutubong Pilipino.

Ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan ng mga unang


Pilipino ay nakapagpayaman at nagkaroon ng impluwensiya sa
katutubo nilang kultura

ISAPUSO MO

1. Nakabuti ba ang ating pakikipag-ugnayan sa mga tao buhat sa ibang


bansa? Bakit?
2. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating kultura kung hindi tayo
nakipag-ugnayan sa mga dayuhan?
Isulat mo ang iyong paliwanag sa kuwadernong sagutan. Ipakita sa guro
para ikaw ay mamarkahan.

ISAPUSO MO

Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng mga


dayuhan sa mga unang Pilipino at gawing diorama. Ipakita sa iyong guro
para mamarkahan.

PAGTATAYA

A. Kilalanin ang mga unang dayuhan sa Pilipinas. Isulat k,ung anong


pangkat ang nagkaroon ng mga sumusunod na impluwensiya sa kulturang
Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
1.
2.
3.
4.

mga taong mula sa Banjarmasin ________


mga taong hindi makasundo ng Buranon ________
mga taong pinagmulan ng putong at sarong ________
mga taong nagturo sa mga Pilipino ng paggamit ng tsinelas, bakya
________
5. mga taong nagpakilala ng relihiyong Islam ________
6. nagpaunlad ng kalakalan sa Sulu ________
10

7. pinanggalingan ng ilang paniniwala ________


8. nagturo ng paggawa ng pulbura ________
9. pinagbuhatan ng sayaw na singkil ________
10. .nagturo ng paggawa ng katad mula sa balat ng usa ________
B. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
kuwadernong sagutan.
1-4.

Sinu-sino ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa


bansa?
5.
Ano ang tanging dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga unang
dayuhan sa ating bansa?
6.
Bakit umalis ang Orang Dampuan sa Sulu?
7.
Ano ang ibang tawag sa Banjarmasin?
8.
Anong kasuotang banyaga ang kahawig ng barong Tagalog?
9-10. Sa aling bahagi ng pamumuhay ngayon makikita ang
pambansang kultura ng mga Arabe? Hapones?

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

11