You are on page 1of 32

MGA ANTAS

PANLIPUNAN NG
SINAUNANG
PILIPINO
Bago pa dumating ang mga Espanyol
sa Pilipinas, may sariling sistemang
panlipunan, pampolitika, at pang
ekonomiya na ang mga Pilipino – ang
Barangay
2
Ang lipunang Pilipino ay nahati sa
ibat-ibang antas, batay sa yaman,
impluwensiya sa lipunan, at mga
pribilehiyong tinatamasa ng sinaunang
Pilipino
3
May tatlong antas o pagpapangkat ang
mga sinaunang tao sa lipunang Tagalog
at Bisaya – ang datu at maginoo;
maharlika at timawa; at ang alipin o
oripun
4
Maginoo at Datu
Ang pinaka mataas na
antas ng tao sa
lipunang Tagalog at
Bisaya.

5
Maginoo at Datu
Maaring maging datu ang isang
kasapi ng barangay sa
pamamagitan ng katapangan,
katalinuhan, pagmamana o
kayamanan.

6
Maginoo at Datu
Nasusukat ang yaman ng isang
datu sa dami ng kanyang
alipin, ginto, at lawak ng
pagmamay aring lupain.

7
Ginto ang simbolo ng
mataas na katayuan sa
sinaunang lipunan.

8
Sa sinaunang lipunang Tagalog,
ginamit bilang tanda ng
paggalang at pagkilala ang
salitang “Gat” o “Lakan” upang
tumukoy sa mga maginoo.

9
Maharlika at Timawa
Tinawag na Bagani ang
mahuhusay na mandirigma.
Marami sa mga ito ay mula sa
pangkat ng mga maharlika.

10
Maharlika at Timawa
Tungkulin nilang tulungan
ang datu sa pagtatangol at
pagpapanatili gn
kapayappaan sa barangay.

11
Maharlika at Timawa
Ang malayang tao at mga
taong lumaya mula sa
pagkaalipin. Kabilang din sa
kanila ang mga inaanak o inapo
ng mga datu mula sa kanilang
ikalawang asawa.

12
Maharlika at Timawa
Maaring mag may-ari ng lupa
ang timawa. May karapatan din
siya sa kita ng kanyang ani
nang hindi nagbibigay ng
tributo sa datu.

13
Maharlika at Timawa
Tungkulin nilang sundin ang
ano mang utos ng datu, tulad
ng pagtulong sa pagtatanim,
pag aani, pangingisda o
pagsama sa paglalakbay nito.

14
Maharlika at Timawa
Ang mga timawang naglilingkod sa
datu ay hindi nagtatrabaho sa bukid, at
hindi din nagbabayad ng tributo, sa
halip, sila ay nagsisilbing kasama ng
datu sa digmaan, tagasagwan ng
bangka, tagatikim ng alak ng datu, o
sugo sa pakikipagkasundo sa kasal ng
mga anak ng mga datu.

15
Alipin o Oripun
Ang alipin (Tagalog) at oripun
(Bisaya) ang bumubuo sa
pinaka mababang antas
panlipunan noong sinaunang
panahon.

16
Alipin o Oripun
Maaring maging alipin ang isang tao
bilang kaparusahan sa krimen at
kawalan ng bayad sa nagawang
krimen. Ang taong tumutubos sa
pagkakautang o krimen ng isang
alipin ay maaring maging panginoon
ng aliping ito.

17
Alipin o Oripun
Tungkulin ng datu na gawing
alipin niya ang mga batang
naulila at walang kumupkop na
kamag-anak, pati narin ang mga
naabandona sa digmaan at ulila.

18
Alipin o Oripun
Tungkulin ng datu na gawing
alipin niya ang mga batang
naulila at walang kumupkop na
kamag-anak, pati narin ang mga
naabandona sa digmaan at ulila.

19
Mga Uri ng Alipin Mga Uri ng Oripun
Aliping namamahay Ayuey
• Nakatira sa sariling bahay • Pinakamababang pangkat ng oripun
• Nagbibigay ng taunang tributo • Naninilbihan kailan man naisin ng datu
• Tumutulong sa paghahanda ng mga
kakailanganin sa paglalakbay ng datu. Tumarumpuk
• Katulong sa pagdaraos ng mga pagtitipon. • Naninilbihan ng isang araw kada lingo
• Maaaring magkaroon ng sariling ari-arian. sa datu
• Maaring magbayad ng palay kapalit ng
Aliping saguiguilid kaniyang paninilbihan.
• Nanirahan sa tirahan ng datu, maaring
bumukod kapag nakapag-asawa at Tumataban
manilbihan nang parang aliping • Naninilbihan sa datu tuwing may piging
namamahay o pagtitipon.
• Nagsisilbi araw at gabi
• Hindi maaring magkaroon ng sariling ari-
arian.

20
Alipin o Oripun
Ang isang alipin ay maaring
maging alipin habambuhay. Ito ay
kung ang alipin ay ipinagbili ng
kanyang mga magulang dahil sa
kahirapan o atingding
pangangailangan.

21
Alipin o Oripun
Ang isang alipin ay maaring
maging alipin habambuhay. Ito ay
kung ang alipin ay ipinagbili ng
kanyang mga magulang dahil sa
kahirapan o atingding
pangangailangan.

22
Alipin o Oripun
Maari ding umangat sa pagiging
timawa ang isang alipin sa
pamamagitan ng sumusunod na
paraan:
 Nabayarang ang kanyang pagkakautang
 Nakompleto ang isang kautusan o kasunduan
 Natubos ng ginto ang kanyang Kalayaan.

23
KABABAIHAN SA
SINAUNANG
LIPUNANG
FILIPINO
Mataas ang pagpapahalaga ng
sinaunang lipunang Pilipino sa
kababaihan. Bukod sa katungkulan
bilang ina at tagapangalaga ng
pamilya, may mahalagang bahagi rin
silang ginagampanan sa lipunan.

25
Kababaihan ang nagsisilbing mga
espirituwal na pinuno sa
sinaunang lipunang Pilipino

26
Katalonan o Babaylan
Ang nanguna sa mga pangrelihiyong
ritwal. Nag sisilbi bilang tulay sa
pagitan ng tao at ng mga diyos at
diyosa at tagapamagitan upang
makausap ng mga nabubuhay ang
mga yumao.

27
Katalonan o Babaylan
Idinudulong din sa mga katalonan at
babaylan ang mga karamdaman –
pisikal man o supernatural.

28
Katalonan o Babaylan
Nagtatamasa din sila ng mga
sumusunod:
 Pagmamayari at pagmamana ng ari-arian.
 Pakikipagkalakalan
 Pagiging datu kung walang lalaking
magmamana ng katungkulang ito.
 Pumili ng mapapangasawa.
 Pagpapangalan ng anak.

29
Sino Sila? Tukuyin ang uring panlipunan sa sinaunang lipunang
Pilipino na tinutukoy sa bawat bilang.
1. Mahusay na mandirigma at tagapagtangol ng barangay.
2. Malalayang tao sa sinaunang lipunang Pilipino na nagsasagwan ng
bangka ng pinuno sa pamayanan.
3. Tagatikim ng alak ng datu kung may ginaganap na piging o
handaan.
4. Tawag sa pinakamababang uring panlipunan sa Visayas noong
sinaunang panahon

30
5. Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya.
6. Ginagamit bilang tanda ng paggalang at pagkilala sa antas
panlipunan na ito ang salitang “Gat” o “Lakan”.
7. Ang mas mababang alipin sa sinaunang lipunang Bisaya dahil
naninilbihan kailan man naisin ng datu.
8. Sumusunod sa mga utos ng datu katulad ng pagtulong sa
pagtatanim, pagaani ng sakahan, o pangingisda.

31
9. Antas panlipunan sa sinaunang lipunang Tagalog na hindi maaring
magkaroon ng sariling ari-arian.
10. Karaniwang nagiging kabilang sa antas panlipunang ito ang isang
tao dahil sa pagmamana, katalinuhan, katapangan, o kayaman.

32

You might also like