You are on page 1of 11

7E BANGHAY ARALIN SA HEKASI

Paksa Ang Pananakop ng mga Hapones: Ang Pagbomba sa Pearl Harbor


Baitang Baitang 6
Takdang Oras 1 Oras / 60 minuto
Developer Dave Matthew B. Libiran
Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) at Layunin (Objectives)

Kasanayan sa Pagkatuto/
Learning Competency: Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop
ng mga Hapones

Layunin/Objectives: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga


pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano
at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na
makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
 Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto,
dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at
ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sakontribusyon ng
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap na kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon
at estado.

ELICIT ( 5 minuto ) Kagamitan (Materials)

Pagganyak!
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng isang watawat na naglalarawan sa bansang Hapon.
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.

 Kartolina
 Larawan ng isang
watawat ng
bansang Hapon

Gabay na tanong:
1. Sa anong bansa ang watawat na ito?
2. Maganda ba ang ugnayan ng bansang Hapon at Pilipinas ngayon?
3. Paano nakakatulong ang bansang Hapon sa atin?
ENGAGE ( 10 minuto )

Tukuyin!
Panuto: Ang guro ay magpapakita muli ng mga larawan at kikilalanin ito ng mag-aaral.
Susundan ito ng guro sa pagbigay ng gabay na tanong.

 Mga Larawan na
naglalarawan sa
Ally
 PowerPoint
Presentation
 Laptop
 Projector

Mga gabay na tanong:


1. Sa anong bansa ang watawat na ito?
2. Maganda ba ang ugnayan ng bansang Amerika at Pilipinas ngayon?
3. Ano ang maitatawag natin sa ito?

EXPLORE ( 10 minuto )

 Pisara
Gawain:  PowerPoint
Ang guro ay magtatanong sa kanyang mga estudyante kung mayroon silang nabalitaan na Presentation
may digmaan. Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, ang mga estudyante ay  Laptop
susulat ng mga mangyayare sa mga tao kapag nagigging matagal ang digmaan sa isang  Projector
lugar.
Gabay na tanong:
1. Sa inyong palagay, ano ang digmaan? Ano ang mangyayari sa mga tao kung
sakali tumagal ang digmaan? Isulat ito sa binigay na graphic organizer.
2. Nitong nakaraan may nabalitaan ba kayong digmaan?

EXPLAIN ( 10 minuto )

Talakayan!
Panuto: Sa puntong ito, ang klase ay papanoorin ang isang bidyo na pinamagatang “Pearl
Harbor: Ang Kasaysayan at Dahilan Kung Bakit Binomba ng Japan”. Tatalakayin ng
guro ang bawat pangyayare na naganap na digmaan sa pagitan ng Amerika at Hapon.
Susundan ito ng pagsagot ng mga magaaaral sa inihandang graphic organizer sa ibaba.
Sasagutan ito sa isang buong papel.

Sanhi Bunga
 PowerPoint
Lulusubin ang Pearl Harbour Presentation
 Laptop
 Projector
Palihim na inatake ang Pearl
Harbour

Hindi nagtagumpay
ang planong pahinain
ang hukbong
Amerikano.

ELABORATE ( 10 minuto )
 Isang buong
MMK (Magtulungan, Magkaaisa, Kalinisan): manila paper
Ang guro ay magpapangkat ng apat na grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng paksa na  Marker
kanilang gagawin.

Pangkat 1 - Ilarawan ang relasyon ng Pilipinas at Hapon noon at ngayon


Pangkat 2 - Bakit inatake ng Hapon ang Pearl Harbour.
Pangkat 3 - Sa pamamagitan ng pagguhit ng emoticons. Iguhit mo ang mukha ng mga
tao sa Pearl Harbour nang ito ay inatake. Sabihin sa klase kung bakit ito ang inyong
naguhit.
Pangkat 4 - Kumpletohin ang pangungusap.

Rubriks para sa naturang Gawain:

5 puntos Naisasagawa ang Gawain ng wasto,


malinis, at may pagkakaisa
4 puntos Naisasagawa ang Gawain na wasto,
malinis, at iilan lamang ang
nagtutulungan
3 puntos Naisasagawa ang Gawain na may
bahagyang mali
2-1 puntos Hindi wasto ang Gawain

EXTEND ( 5 minuto )

Buodin natin!  Isang buong


Panuto: Ang guro ay bubuodin ang tinalakay tungkol sa Pananakop ng hapones. papel (1 whole
Sasagutin ng bawat mag-aaral ang mga gabay na tanong. paper)
 Bolpen
Mga Gabay na Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Pearl Harbour?
2. Bakit ito ang unang inatake ng bansang Hapon noon?

EVALUATE ( 10 minuto )
 Isang buong
Pagsusulit: papel
Panuto: Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit sa mga mag- aaral. Sasagutan  Bolpen
nila ito sa isang buong papel.  Tsart / Manila
Paper
 Pisara
1. Saan matatagpuan ang Pearl Harbour?  Scotch tape
a. Vietnam
b. Australia
c. Guam
d. Hawaii

2. Ang mga sumusunod aymga dahilan kung bakit ito ng


unang inatake ng bansang Hapon noon , maliban sa isa?
a. Para humina nag sandatahang lakas ng Amerikano.
b. Isa ito sa basemilitar ng Amerikano.
c. Maraming tao doon.
d. Para hindi na makatulong sa iabang bansa.
3. Anong oras inatake ang Pearl Harbour?
a. 8 ng umaga
b. 8 ng gabi
c. 3 ng hapon
d. 5 ng umaga

4. Ano ang pinakamahalagang ginawa ng Hapon para gulatin


ang mga Amerikano sa Pearl Harbour.
A, Nagsanay silang mabuti.
b. Pinaghandaan nila ng matagal bago ang atake.
c. Inatake nila ito sa umaga.
d. Hindi sila nagdeklara ng “Declaration of War” laban sa mga
Amerikano.

5. Kailan nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbour?


a. December 7, 1941
b. December 8, 1941
c. December 5, 1940
d. December 31, 1942

Takdang-Aralin:
 Isang buong
papel
Bilang pagkatuto sa aralin, Iguhit ang pag-atake ng Bansang Hapon sa Pearl Harbour.
 Krayola

Mga Sanggunian:
1. Ang Lakbay ng Lahing Pilipino p. 155
2. Kayamanan p. 136
3. AP6KDP-IIe-5
4. https://www.youtube.com/watch?v=bBh_rZDIRWw “Pearl Harbor: Ang
Kasaysayan at Dahilan Kung Bakit Binomba ng Japan”

Inihanda ni: Dave Matthew B. Libiran


DEMONSTRATION PLAN / INSTRUCTIONAL PLAN IN SOCIAL STUDIES

Baitang: 6 (Ika-anim) Course Title: HEKASI 6


Markahan: 2 (Pangalawa) Bilang ng Oras: 1 Oras Domain: Ang Pananakop ng mga Hapones
Developer: Dave Matthew B. Libiran

Part 1. Mga Pamantayan (Standards), Kasanayan (Competencies) at Layunin (Objectives).


Nilalaman Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagkatuto Pamantayan sa Pagganap
(Content) (Content Standards) ( Learning Competency) (Performance Standard)

Ang mag-aaral ay:


Ang mag-aaral ay:
Naipamamalas ang mapanuring pag-
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri
unawa sa pamamahala at mga pagbabago
at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan,
sa lipunang Pilipino sa panahon ng
epekto at pagbabago sa lipunan ng
kolonyalismong Amerikano at ng Natatalakay ang mga mahahalagang
Ang Pagbomba sa kolonyalismong Amerikano at ng pananakop
pananakop ng mga Hapon at ang pangyayari sa pananakop
Pearl Harbor ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino ng mga Hapones
kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga
namakamtan ang kalayaan tungo sa
Pilipino namakamit ang ganap na kalayaan
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
tungo sa pagkabuo ng kamalayang
pagkakakilanlang malayang nasyon at
pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
estado.
nasyon at estado.
Part 2
5 Tenets of Whole
Child Approach

Challenged
Supported
7E Model Maikling Paglalarawan ng Gawain 21st Century Skills

Healthy

Engage
Safe
Pagganyak!  Critical Thinking
 Sa pamamagitan ng isang watawat ng bansang  Communication
Elicit hapon, mahgkakaroon ang mga estudyante ng  Creativity
paunang kaalaman sa paksang tatalakayin.  Information Literacy

Tukuyin!
 Gamit ang mga larawan, ang mga mag-aaral ay
 Critical Thinking
Engaged nabibigyan ng pagkakataon upang tukuyin kung ano
 Information Literacy
maitatawag sa mga nasa larawan.

Gawain!
 Critical Thinking
 Sa tulong ng isang graphic organizer, mabibigyang
 Collaboration
Explore kahulugan ang digmaan at kung ano ang maaaring
 Information Literacy
mangyari sa mga tao kung ito ay mas tumagal.
 Leadership
Talakayan!
 Sa pangunguna ng guro sa talakayan gamit ang isang  Critical Thinking
bidyo, nabibigyang kaalaman ang mga mag-aaral  Communication
Explain
patungkol sa mga nangyari sa digmaan sa panahon  Information Literacy
ng mga hapones.  Social Skills

MMK (Magtulungan, Magkaisa, Kalinisan)  Critical Thinking


Elaborate  Ang mga mag-aaral ay papangkatin at bibigyan ang  Information Literacy
bawat grupo ng paksa na kanilang tatalakayin.  Collaboration
Buodin natin!
 Sa pamamagitan ng pagbuod ng guro mabibigay ito  Critical Thinking
ng mga tanong na dapat sagutin ng mag-aaral upang  Collaboration
Extend
malaman kung ang tinuro ay naintindihan ng  Communication
Mabuti.

Pagsusulit!
 Susukatin ng guro ang mga kaalamang natutunan ng
kaniyang mga estudyante sa pamamagitan ng  Critical Thinking
Evaluate
pagtataya na kinakailangang mapunan ng mga mag-  Information Literacy
aaral ng tamang nilalaman.

Part 3. Lesson Proper


ELICIT

Paglalarawan ng Gawain

 Ang klase ay magsisimula sa pagsasagawa ng isang gawain na tinatawag na Pagganyak. Sa gawaing ito, ang guro ay magbibigay ng isang larawan na
nagpapakita ng walatawat sa bansang Hapon. Ang guro ay magtatanong at susundan ito ng pagpili ng guro sa mga estudyanteng magbabahagi ng kanilang
mga sagot sa klase. Ang sagot ng mga mag-aaral ay magbibigay-daan at inaasahan din sa gawain na ito ang pagpapakilala at pagbibigay ng guro ng
introduksyon ng aralin.
ENGAGE

Paglalarawan ng Gawain

 Ang tawag sa gawain na ito ay Tukuyin, masusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa dalawang bansang naging bahagi sa digmaan. Ang guro
ay magpapakita ng larawan sa klase na nagrerepresenta ng isang bansa. Ang tungkulin ng mga napiling mag-aaral ay tukuyin kung anong bansa ang
makikita sa larawan at ano ang maitatawag sa kanila. Ang gawaing ito ay nakatutulong upang malinang ang masusing pag-iisip ng mga mag-aaral at
magkaroon ng ideya patungkol bansang na napasali sa pandaigdigang digmaan. Susundan ito sa pagtanong ng guro sa mga magaaral sa pamamagitan ng
mga gabay na tanong pipili ang guro sa mga estudyanteng magbabahagi ng kanilang mga sagot sa klase. Sa gawaing ito, ipababatid ng guro sa mga
estudyante ang kahulugan ng isang Allied Country.

EXPLORE

Paglalarawan ng Gawain
 Ang klase ay magsasagawa ng Gawain, ang bawat mag-aaral ay gagayahin ang Graphic organizer na naka presenta sa harapan. Isusulat ng bawat mag-aaral
ang mga mangyayari sa tao kung sakali ang digmaan ay tumagal. Ito ay sasagutan isa isang buong malinis na papel. Tatapusin ito ng guro sa pagbigay ng
mga gabay na tanong.

EXPLAIN

Paglalarawan ng Gawain

 Sa puntong ito ng pag-aaral, pangugunahan ng guro ang Talakayan patungkol sa mga naganap na pangyayari sa pananakop ng mga Hapones sa
pamamagitan ng isang bidyo na ipre-presenta. Tatalakayin sa klase ang ibat-ibang naganap sa pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbot at kung bakit ito
inatake ng mga Hapon. Susundan nito ang pagsagot nga mga magaaral sa isang Graphic organizer. Sasagutin ito sa isang buong papel. Sa gawain din na
ito, maiuugnay ng guro ang mga bansa na napasali sa digmaan. Inaasahan na ang guro ay magbabato ng mga katanungang susuri sa mga nalalaman ng mga
mag-aaral patungkol sa mga konseptong pinag-uusapan sa talakayan. Nagbibigay-daan ang talakayang ito upang malinaw na maipaliwanag ng guro sa mga
mag-aaral ang ibat-ibang pangyayare na nakapagpabago ng buhay ng tao.
ELABORATE

Paglalarawan ng Gawain

 Matapos ang talakayan patungkol sa mga pangyayaring naganap na digmaan sa pagitan ng Amerika at Hapon. Magkakaroon ng pangkating gaawai9n at
tatawagin itong MMK (Magtulungan, Magkaisa, Kalinisan), papangkatin ng guro sa apat na grupo ang klase. Bawat grupo ay may ibibigay na paksa na
kanilang gagawin. Sa Pangkat 1 ay ilalarawan nila ang relasyon ng Pilipinas at Hapon noon at ngayon. Sa Pangkat 2 ay sasagutin nila ang tanong na “Bakit
inatake ng Hapon and Pearl Harbour?”. Sa Pangkat 3 naman ay guguhit sila ng emoticon na naglalarawan ng reaksyon ng mga tao noong inatake ang Pearl
Harbour. Huli, Pangkat 4 ay kukumpletuhin nila ang pangungusap na ibibigay ng guro. Ito ay gagawin sa Manila Paper at ipre-presenta sa harap ng klase.
Sa pamamagitan ng rubriks na inihanda ng guro ay siyang gagamitin upang makuha ang iskor ng bawat grupo.
EXTEND

Paglalarawan ng Gawain
 Ang guro ay bubuodin ang tinalakay na aral patungkol sa pananakop ng mga hapones at ang pag atake nito sa Pearl Harbour. Ibibigay din ng guro kung ano
ang pinaka naging ugat o dahilan kung bakit ito nangyare. Ang paksa ay mas maiinitindihan ng mga mag-aaral kung ano ba ang totoong dahilan kung bakit
sinakop ng hapones ang Pilipinas. Tatapusin ito ng guro sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong

EVALUATE

Paglalarawan ng Gawain

 Upang malaman ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral mula sa mga gawain at talakayan na isinagawa, aatasan ang mga estudyante na sagutain
ang Pagsusulit na inihanda ng guro. Ang sagot ay isusulat ng mga mag-aaral sa isang buong papel (1 whole). Sa gawaing ito, nasusubok ang kakayahan ng
mga mag-aaral na alalahanin ang mga pangyayareng naipabatid sa kanila sa talakayan. Makakatulong ito upang magkaroon ng ideya ang guro kung naging
epektibo ba ang pagtuturo at kung natamo ba ang hangad na pagkatuto.

Mga Sanggunian:
1. Ang Lakbay ng Lahing Pilipino p. 155
2. Kayamanan p. 136
3. AP6KDP-IIe-5
4. https://www.youtube.com/watch?v=bBh_rZDIRWw “Pearl Harbor: Ang Kasaysayan at Dahilan Kung Bakit Binomba ng Japan”

You might also like