You are on page 1of 7

5

Activity Sheet sa
Araling Panlipunan 5
Quarter 2 – MELC 3.4
Nasusuri ang Epekto ng mga
Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng
Espanya sa Bansa

REGION VI – KANLURANG VISAYAS


Araling Panlipunan 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaringmagkaroon ng karapatang-ari (sipi) saanumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng Gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 5


Manunulat: Jocelyn C. Montealegre
Christy J. Agramon
Ma. Regina H. Rodrigo
Charisse B. Torres
Editor: Leah M. Pacurib
Helen V. Villar
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Adonna S. Cueva
Tagalapat: Nove P. Macayan

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien P. Pineda

ii
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng SDO-Bacolod City sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi
habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 2, Linggo 7

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 7

Pangalan:_____________________________ Grado at Seksiyon: ________________


Petsa: _________________________________

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

(Nasusuri ang Epekto ng mga Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng


Espanya sa Bansa)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng


Espanya sa bansa.
a. Patakarang pang-ekonomiya (Hal. Pagbubuwis, Sistemang
Bandala, Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal
Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)
b. Patakarang pampolitika (Pamahalaang Kolonyal)
AP5PKE-IIc-d-5

II. Panimula (Susing Konsepto)

Sa Learning Activity Sheet (LAS) na ito, pag-aaralan natin ang iba pang mga
patakarang pangkabuhayan na na ipinatupad ng mga Espanyol: Sistemang
Encomienda.

III. Mga Sanggunian

Palu-ay, Alvenia P. (2010). Makabayan Kasaysayang Pilipino 5.


Araling Panlipunan 5 Batayang Aklat, pahina 91-92

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17205

4
IV. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga teksto sa ibaba.

Sistemang Encomienda
Makabayang Kasaysayang Pilipino 5, Alvenia P. Palu-ay, pahina 91-92

Upang maisakatuparan ang Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas,


may iba’t ibang pamamaraang ginawa ang mga Espanyol. Ang Sistemang
Encomienda ay ang unang patakaran ipinatupad sa kolonya.
Encomienda ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa mga
conquistador sa pamumuno ng gobernador-heneral sa Pilipinas na si
Miguel Lopez de Legazpi. Upang mapalaganap ang kolonyalismo, ibinigay
ang teritoryo sa mga Espanyol bilang gantimpala. Para sa koleksyon ng
buwis itinuring ang Encomienda bilang isang administratibong yunit.
Tungkulin ng isang Encomendero ang mangolekta ng buwis sa mga
kasapi na karaniwang ginagawa ng Cabeza de Barangay, pagbantay sa mga
kasapi ng Encomienda laban sa mga kaaway at siguraduhin na maging
kristiyano ang lahat ng kasapi niya at sumuporta sa misyon ng mga prayle.

Pang-aabusong Dulot ng Encomienda


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17205

1. Nahirapan ang mga kalalakihang Pilipino na may edad 16-60 sa pagbayad


ng walong reales sa Encomendero.
2. Nagkahiwa-hiwalay ang mga katutubo dahil sa paniningil ng buwis ng
kapwa katutubong Cabeza de Barangay.
3. Ang paghihirap ng mga katutubo ay dulot ng kapwa katutubo gaya ng
conquistador.
4. Ang ilan pang epekto ng Sistemang Encomienda ay ang pagiging alipin,
pagiging mahirap at kawalan ng lupain at karapatan ng mga katutubo.
Ang mga pang-aabuso ng mga Encomendero ang naging dahilan kung bakit
hiniling ng mga prayle na itigil ang Sistemang Encomienda. Gumawa sila ng
paraan upang maipatigil ang Sistemang Encomienda noong ika-17 siglo.

5
Gawain 2
Panuto: Punan ng mga letra ang tinutukoy sa bawat bilang upang mabuo
ang diwa at isulat sa sagutang papel.

1. Ang Encomienda ay teritoryong ipinagkakatiwala sa mga

C__ __ q __ __ __ __ __ d __ r

2. Siya ay ang kauna-unahang gobernador-heneral sa Pilipinas.

M__ __ __ __ __ L __ __ __ z __ _ L __ g __ __ __ __

3. Siya ang inuutusan ng Encomendero na maningil ng buwis


sa kanyang nasasakupan.

C __ __ __ __ __ __ __ __ __ r__ __ __ __ __

4. Ito ay ang halagang binabayaran ng mga Pilipino sa Encomendero.

R __ __ __ __ s

5. Lugar o bansang sinakop ng isang makapangyarihang bansa.


K__ __ o __ __ __

Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti at isulat ang TITIK ng tamang sagot sa papel.

1. Encomienda ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa mga


conquistador. Upang mapalaganap ang kolonyalismo, ibinigay ang
teritoryo sa mga Espanyol bilang gantimpala. Sino ang kauna-unahang
gobernador-heneral ng Pilipinas na namuno nito?
A. Emilio Aguinaldo C. Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez de Legazpi D. Jose P. Rizal

2. Isang mapang-abusong dulot ng Encomienda ay ang pagbabayad ng


mga kalalakihan ng walong reales sa Encomendero sa loob ng isang
taon. Ang mga kalalakihang ito ay nasa edad ________.
A. 13-50 B. 15-55 C. 14-58 D. 16-60

3. Ang mga sumusunod ay mga mapang-abusong dulot ng Patakarang


Encomienda MALIBAN sa isa.
A. Pagpapahihap sa mga katutubo
B. Pagbibigay lupain sa mga katutubo
C. Pagkakahiwalay ng mga katutubo
D. Pagpapahirap sa mga kalalakihan

6
4. Bakit itinigil ang Sistemang Encomienda noong ika-17 siglo?
A. Dahil mapangalaga ang mga Encomendero
B. Dahil sa mapang-abusong pangongolekta ng mga mga Encomendero
C. Dahil sobra ang lupang ibinigay ng mga Encomendero sa mga
katutubo
D. Dahil nagpatupad ng bagong patakarang mas nakabuti sa mga
katutubo

5. Bakit mas lalong nahirapan ang mga katutubo sa Sistemang


Encomienda?
A. Dahil mismo kapwa Pilipino ang namahagi ng mga lupain sa mga
katutubo
B. Dahil mismong Cabeza de Barangay na nangolekta ng buwis ang
nagpahirap sa mga katutubo
C. Dahil konting lupa lamang ang ibinigay ng mga Espanyol sa mga
katutubong Pilipino
D. Dahil sobrang masunurin ang ang mga katutubong Pilipino sa mga
ipinatupad ng mga Espanyol

V. Repleksiyon

Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat sa sagutang papel.

Kung ikaw ay nabuhay sa Panahon ng Espanyol at ikaw ay naging


sakada o trabahador sa Encomienda, ano ang iyong magiging reaksyon
sa mga patakarang ipinatupad ng mga Encomendero sa kanilang
nasasakupan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

5. kolonya 5. B
4. reales 4. B
3. Cabeza de Barangay 3. B
2. Miguel Lopez de Legaspi 2. D
1. conquistador 1. B
Gawain 1 Gawain 2

You might also like