You are on page 1of 4

Buod:

Sa Olongapo, sikat na sikat ang lugar na buhay na buhay tuwing gabi dahil sa ingay at malalakas
na tawanan ng mga tumatao dito. Isa na rito ang Freedom Pad na bentang benta sa mga sundalong
amerikano dahil sa aliw na ibinibigay nito tuwing sasapit ang gabi. Sikat sa bar na iyon ang mang-
aawit na si Michael Taylor,Jr. Nakapaskil sa pagpasok pa lamang ng bar ang malaking larawan ni
Mike na nakadikit sa malaking salamin. Ang mga kinakanta ni Mike ay mga uri ng awiting
pampasaya at pampatama sa mga kano. Hindi naman ito naiintindihan ng mga kano kaya tuwang
tuwa pa rin sila na sumsabay sa musika.

Abot langit ang kaligayahan ng may aring intsik dahil sa dami ng kostumer nilang mga
kano.Bentang benta ang mga beer at ladies drink na halo lang naman ng mirinda at konting alak.
Ang mga babaeng bayaran ay nakaakbay sa mga sundalong kano. Sige ang tawag ng isang pinoy
sa wayter na rumoronda sa bar subalit hindi siya nito naririnig dahil kasalukuyan pa nitong
pinaglilingkuran ang mga kano. Naiinis ang pinoy kaya nagsiklab ng away sa bar. Galit nag alit
ang instik na may-ari mg bar dahil natakot ang kaniyang mga parukyanong kano kaya sige ang
pasensya niya sa mga ito. Nagreklamo ang hostess at sinabing huwag ng magpapasok ng pinoy sa
bar dahil puro gulo lang ang inihahatid ng mga ito.

Ang downtown Olongapo naman ay walang kaibahan sa ibang lugar ng probinsya. Pagtungtong
ng alas singko ay lumalabas na ang mga taga-aliw sa lansanggan. Ang lugar ay nahahati sa ibat
ibang teritoryo.Merong lugar na puro black American lang ang pwede meron din namang puro
puti lang. Si Mike ay hindi inaasahang napadpad sa lugar ng mga itim kaya pinaghahahabol siya
ng mga ito. Puti kasi si Mike. Naanakan ang ina niyang si Dolores ng isang sundalong kano noon.
Nakuha ni Mike ang pisikal niyan katangian kaya marami ang napagkakakamalan siyang kano
kahit na Tagalog ang salita niya. Nagtatakbo si Mike at nakita siya sa gilid ng iskinita si Modesto
at Si Ali. Tinulungan siya ng mga ito kaya nakaligtas siya. Nang makaalis si Mike, napag-usapan
ni Modesto at ni Ali ang diskriminasyon na nangyayari sa lipunan nila dahil sa base ng mga kano.

Pag-uwi ni Mike sa bahay ay naabutan niya ang kaibigang si Magda kasama sa sofa ang isang
kano. Ibinarog ni Mike ang pinto pagpasok niya sa kwarto. Nagalit si Sam kaya iniwan niya si
Magda. Hahabo-habol si Magda sa kano.Kinaumagahan ay nag-usap si Magna at si Mike.
Nagkaroon sila ng sagutan dahil sa nangyari kagabi.

Lalong lumaki ang galit ni Mike sa mga kano.Sinabi naman ni Magdalena na kailangan na nilang
maghiwalay ng tahanan dahil kung anu-ano ang iniisip sa kanila ng mga tao, pati na rin si Sam.
Sinabi ni Mike na kung may aalis ay si Magdalena daw ito dahil siya naman ang tunay na nakatira
doon mula pa noon. Napunta lang naman dun si Magda dahil naging kabigan nito ang nanay
niyang si Dolores.
Umalis ang barko ng mga sundalo sa daungan.Nawalan ng sigla ang negosyo sa
Olongapo.Ang mga hostess ay nagsimula ng manamlay at hindi mag-ayos ng sarili. Natuwa ang
mga Pilipino dahil sa wakas ay maibebenta na ng mga hostess ang kanilang mga colored tv na
mula states.at iba pang gamit dahil mauubusan na sila ng kita. Si Magdalena ay namili muna nag
mag pagkaing galing sa states. Niyaya niyang kumain si Mike subalit tumanggi ito dahil sabi niya
ay nabalita daw sa telebisyon na maraming nagkasakit dahil sa imported na produkto. Dalawa pa
nga daw ang namatay dahil doon. Sinabi din ni Mike na tira tira lang ang dumadating na produkto
sa bansa natin dahil nagsisilbi lang tayong tapunan ng mga Amerikano. Biglang nakaramdam ng
kulo sa tiyan si Magdalena kaya isinuka niya ang kinain niya. Nagsimula na ding magbenta ng
mga gamit si Magdalena dahil wala na siyang kita. Tuwang tuwa ang pamilyang Pilipinon
nabentahan niya ng TV galing sa kano.Iniisip nila na kapag galling sa States ang gamit mo, sikat
ka. Ayos.

Maagang umalis si Mike sa bar dahil wala din namang gaanong kostumer.Tinawag siya
ni Modesto at niyayang makipag-inuman.May isang hostess dun ang nagsisilbi sa kano,naging
waiter na din dahil walang empliyado ang napasok dahil karamihan ay naka-leave. Siya ang
kumuha ng order nila Mike at Modesto. Kada utos ng dalawa ay sigeng tawag din ng isang kano.
Nainis si Modesto kaya sinabihan si Rosalie na mag bihis dahil ilalabas daw siya ni Mike. Nagulat
si Mike sa sinabi ng kaibigan. Nadarama niya na gusto ni Modesto na maghamon ng away kaya
umalis na palabas si Mike at Rosalie.

KInabukasan, sa kabila ng mga patawa ni Mike ay kapansin pansin na nananamlay pa din


ang Freedom Pad. Ang mga empleyado ay naglaro na lang ng sugal dahil wala silang ginagawa.
Sa isip isip ni Mike, wala ng ngang kita, natalo pa.

Si Ali naman ay na problemado kasi sa kanya iniwan ang pamangking si Jeffrey


na lumaki sa Amerika. Biglang nawala ang kapatid niyang si Alicia na nabutis ng isang kano, kaya
ito tagapag-alaga siya ngayon ng isang batang kano.Napag-isip isip niya na kailangan niya ng
makahanap ng mapapang-asawa dahil baka lumaking bakla ang

pamangkin. Kailangan kasing makahanap ito ng ideyang lalaki upang hindi ito lumaking
mahina.Pinuntahan ni Ali si Modesto. Pinakiusapan na baka pwedeng magsama sila kahit alam ni
Ali na may pamilya na si Modesto. Hindi umepek ang paiyak iyak ni Ali kaya sa huli, kinuha niya
na lamang si Modesto bilang ninong ni Jeffrey sa kumpil. Kasama din si Michael sa pagiging
ninong.

Dumating ang araw ng kumpil ni Jeffrey. Pagtapos noon ay nagtungo sila sa beach.
Abalang-abala si Micheal at Modesto sa pag-aaliw kay Jeffrey. Nakatulala si Ali ng biglang
nilapitan siya ng isang kano nagngangalang Richard Halloway.
Ang araw ng pagdaong ulit ng barko ng US sa Olongapo ay dumating na.
Nabuhayan nanamang muli ang lahat. Kasabay ng mga umusbong na pangarap ng mga hostess na
makahanap ng katambal na magdadala sa kanila sa lupaing pinapangarap. Pinana ni kupido si Ali
kay Richard. Nalove at first sight daw. Hayun naman si Magdalena at nakakilala nanaman ng
bagong kano na nagngangalang Steve Taylor.

Dinala ni Magda si Steve sa bahay nila ni Michael. Ipinakilala at sinabi na pareho


silang Taylor. Naabutan nila na nagpapraktis ng gitara si Mike sa tulong ng Jingle Chord Book.
Nakinig ang kano at nagkapalagayan sila ng loob ni Mike. Masaya si Magda dahil sa wakas ay
hindi na naging suplado si Mike sa mga kano. Kinagabihan, nagtatatka si Mike kung bakit hindi
niya aabutan ang kano sa apartment. Iba si Steve sa mga naunang karelasyon ni Magdalena. May
respeto ito at masayang kasama.

Masayang nag inuman si Modesto at si Mike. Napagkwentuhan nila ang usad ng


mga relasyon ni Ali at ni Richard, Magdalena at Steve. Masaya silang nag angat ng alak para sa
ligaya ng mga kaibigan.Tuwing dumadalaw daw kasi si Richard kay Ali ay may dala pang
bulaklak at pinapasyal ang pamangkin nitong si Jeffrey,ani ni Modesto. Naging magkaibigan
naman si Mike at Steve, lagi siyang pinapanood ng kano sa pagpapraktis.

Pumasa sa eksamin ang anak ni Modesto na makapagtrabaho sa Base. Natatakot


siya kung paano sasabihin sa ama. Ayaw kasi ni Modesto na magtrabaho dun si Jun dahil nga alam
niya na ang patakaran doon.Sinabi ni Jun na natanggap na nga siya. Tinanung nito sa ama kung
ano ang ibigsabihin ng salitang yardbird. Nanlamig ang pakiramdam ni Modesto. Sinabi niya na
anga kahulugan nun ay pataygutom at walang dapat magsabi nun sa anak. Sinagot naman ni Jun
ang ama, sinabi nito na hindi naman siya ang tinatawag na ganoon ni Johnson kundi ang ama.
Natahimik si Modesto, nalaman na ng anak niya ang pang-aapi sa kanya sa base na araw-araw
niyang tinitiis. Ang alam kasi nila ay matigas ang tatay nila at walnag makakapang-api dito.

Nakaka-ilang alak na si Modesto at kahit sino ay hindi nito pinapansin pati na si


Mike.Noong pumasok siya sa trabaho hindi rin niya kinakausap ang kaibigan niyang si William
Smith. Isa itong kanong naging sobrang bait kay Modesto. Hindi ito sang-ayon sa patakaran ng
Amerikano. Tunay na kaibigan ang turing ni William kay Modesto.

Sa trabaho, habang nagwewelding si Modesto ay may tumatawag sa kanya ng


yardbird.Hindi niya ito pinapansin dahil baka ibang kasamahang Pilipino ang tinatawag ni
Johnson. Lahat na ng empleyadon Pilipino ay lumingon kay Johnson liban kay Modesto.
Nagpatuloy ang pagtawag. Napuno si Modesto at sinabing wag na wag siyang tatawaging
yardbird. Nagkainitan ang dalawa. Pumagitna si William subalit hindi nita ito naawat. Sinapak ni
Modesto si Johnson. Babawi na si Johnson subalit bumanat ulit si Modesto. Umawat na rin ang
mga Pilipinong nagtatrabaho sa Base. Hinampas ng puting kamay ang tubo sa ulo ni Modesto.
Nakita ni William ang lahat ng nangyari sa kaibigan, sakanya tumatalsik ang dulo kada hampas ng
tubo.

Nagluluksa ang lahat. Dumalaw sa burol ni Modesto si Mike. Inuuyam siya ng mga
nakikiramay dahil akala ay kano siya. Nagpaliwanag siya na kaibigan niya ang namapatay. Si Ali
naman ay hindi man lamang nakadalaw sa burol hanggang pagkalibing ni Modesto dahil sa
sobrang seloso ni Richard.

Handang tumestigo si William dahil alam niya ang nagyari at may pinagsamahan
sila ng kaibigan. Subalit inutos ng pinakamataas sa barko na gawin na lamang ang idinidikta niya.
Pinabalik si William sa US kahit hindi siya sang-ayon upang mapagtakpan ang kaso laban sa mga
puti. Hindi makatarungan.

Sa bar, bigalang may tumawag sa telepono, hinahanap si Mike. Nang makarating


siya sa telepono ay wala namang nagsasalita. Panay ang Hello niya sa linya. Naisip niya ang
kaibigang si Ali kaya pinuntahan niya ito. Saradong sarado ang bahay nila Ali. Sumilip siya sa
bintana ng biglang may narinig siyang tinig ng paghihingalo. Binasag niya ang bintana. Tumawag
ng pulis ang mga kapit-bahay dahil akala magnanakaw si MIke. Nang makapasok sila sa bahay ay
nakalupasay si Ali at hinang-hina. Sinabi nito na pinagnakawan siya ni Richard. Dala nito ang
kaha de yero.Ginamit lamang siya nito dahil alam na mapera siya.

Umuwi na si Mike. Umaga na ng muli siyang magising. Napansin niya na may


kumakaluskos sa ibaba kay bumanggon na siya. Si Magdalena pala. Hindi ito pumasok at
napansin ni Mike na namumugto ang mga mata nito. Sa bar, napansin niyang nag iisa sa table si
Steve. Matapos kumanta ay pinuntahan niya ang kaibigan. Sinabi ni Steve na kaibigan lang talaga
ang turing niya ka Magdalena at may pamilya siya sa Amerika. Kaya lang, masyadong umasa si
Magdalena kaya nabuntis ito dahil hindi nag-iingat. Nagpantig ang tengga ni Mike sa mga
pinagsasabi ni Steve. Kinuha niya ang gitara at hinampas sa ulo ni Steve.

Dumalaw si Magdalena kay Mike. Dinalahan ito ng pagkain. Homicide ang kaso
nito.Huminge ng pabor si Mike na habang nagpapagaling si Ali ay si Magda muna ang mag-alaga
kay Jefferey. Masaya si Magdalena sa pabor dahil gusto niya na daw maranasan makitungo sa
batang kano upang paghahanda sa paglabas ng anak.

You might also like