You are on page 1of 9

PANANALIKSIK

NINA:
ATUEL, KIAN CRISTHOPER U.
Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko,


kontrolado, empiriko at kritikal na imbestiga sa haypotetikal na pahayag
tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.

Idinagdag nina Atienza (1996), ang pananaliksik ay matiyaga,


maingat, sistematiko, mapanuri, at kriikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol
sa isang bagay, konsepto, kagawian, problem, isyu o aspekto ng kultura a
lipunan.
Kahulugan ng Pananaliksik

Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang


pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na
pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga
at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring
pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at
paghahanap ng mga hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla
(1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya,
Kahulugan ng Pananaliksik

Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at


siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag-
oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong
nagawa ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

 Austero, et al. (2006)

1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na


2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
3. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto
4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o
kabuuan ng isang bagay)
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa


ng mga polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring
gamitin sa iba’t ibang larangan
6. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang
mananaliksik
7. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga
kasalukuyang kaalaman
Kahalagahan ng Pananalisik

• BENEPISYONG EDUKASYONAL
- para sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga isyu, metodolohiya at kaalaman
sa napili nilang larangan.

• BENEPISYONG PROPESYONAL
- Nasasanay sa pagaanalisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng
malawak na kaalaman ng kanyang propesyon.
Kahalagahan ng Pananalisik

 BENEPISYONG PERSONAL
- Sa propeso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang magaaral ang
kritikal at analitika na pagiisip na magbubunga sa kanyang pagiging
matatag sa buhay.
 BENEPISYONG PAMBANSA
- Natatamo ang pagunlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng
matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat.
 BENEPISYONG PANGKATAUHAN
- Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa ang
kagalingan ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao.
Katangian ng Pananaliksik

 Ang pananaliksik ay sistematiko.


 Ang pananaliksik ay kontrolado.
 Ang pananalisik ay imperikal.
 Ang pananaliksik ay pagsusuri.
 Ang pananaliksik ay lohikal, obhetibo at walang kinikilingan.
 May sistema ang pananaliksik.
 Hindi mahirap kalapin ang datos.
 Hindi magastos ang paksa.
 Makatotohanan ang pananaliksik

You might also like