You are on page 1of 22

KAHULUGAN AT

KAHALAGAHAN NG
PANANALIKSIK
INIHANDA NI: GNG. ANDREA JEAN M . BURRO
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

“Sistematikong paghahanap sa mga


mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.”
- Aquino (1974)
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

“ Isang proseso ng pangangalap ng datos o


impormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang
siyentipikong pamamaraan.”
- Manuel at Medel (1976)
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

“Isang sistematikong pamamaraan upang


makahanap ng kaalaman; isa ring uri ng
pag-aaral at pag-iimbestiga na may layuning
makakalap ng mga bagong idea at kaalaman
ukol sa mga bagay sa lipunan at
kapaligiran;
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

“....sistematiko, kontrolado, empirikal, at


kritikal imbestigasyon sa natural na
pangyayari o phenomena na may batayang
mga teorya at batayang ipotesis ukol sa
angkop na kaugnayan sa mga pangyayari.”
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
“Maingat, sistematiko, at obhetibong imbestigasyon
na isinagawa upang makakuha ng mga balidong
katotohanan, makabuo ng kongklusyon, at makalikha
ng mga simulaing kaugnay ng tinukoy na suliranin
sa ilang larang ng karunungan.”
- Clarke (2005)
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
“Isang sistematiko, at obhetibong imbestigayson
pag-aanalisa ng mga kontroladong obserbasyon na
maaaring tumungo sa paglalahat, simulain, teorya,
at mga konsepto na magbubunga ng prediksiyon sa
pagkilala at posibleng kontrol sa mga pangyayari.”
- John Best (1996)
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

“Proseso ng pagkakaroon ng
mapanghahawakang solusyon sa problema sa
pamamagitan ng planado at sistematikong
pangangalap, pag-aanalisa, at interpretasyon
ng mga datos”
- Mouly (1964)
● Sistematiko at obhetibong pananaliksik ng
datos na humahantong sa paglalahat at
kongklusyon
● Isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit
ng kung ano ang nalalaman at napag-
alaman na.
● Matatanggap ang karagdagang kaalaman
sa pamamagitan ng pagpapatunay;
panukala (teorya); o mga pamamaraan (o
sistema); at sa pagsubok sa mas mainam
na pagpapaliwag ng mga obserbasyon
● Nararapat na masagot ng prosesong ito
ang katanungan; dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hinggil sa hindi nakikilalang
bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga
mamamayan
● Nararapat na masagot ng prosesong ito
ang katanungan; dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hinggil sa hindi nakikilalang
bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga
mamamayan
KATANGIAN NG PANANALIKSIK (John
Best, 1996)
1. Maingat na pagtitipon at pagpili ng mga
datos na kinikilala sa larang na
pinagkukunan.
2. Ito ay matiyaga, maingat, at hindi
minamadaling pagsasakatuparan.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK (John
Best, 1996)
3. Nangangailangan ng kaalamang higit sa
karaniwan.
4. Nangangailangan ng tamang obserbasyon
at interpretasyon.
5. Maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK (Calderon
at Gonzales, 1992)
1. upang makasumpong ng sagot sa mga suliraning
hindi pa nabibigyang-lunas
2. upang makabuo ng batayang pagpapasiya sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at
iba pa
3. upang makapagbigay-kasiyahan sa pagiging
mausisa
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
(Calderon at Gonzales, 1992)
4. upang makatuklas ng bagong kaalaman
5. upang mapatunayan ang mga umiiral na
kaalaman
ETIKA NG PANANALIKSIK
Dapat makapagpakita ng katapatan ang mananaliksik
sa kanyang ginagagawang pag-aaral. Maipamamalas
ng mananaliksik ang katapatan sa mga sumusunod na
pamamaraan:
1. Ang mananaliksik ay nagbibigay pagkilala sa lahat
ng pinagkukunan niya ng datos o impormasyon.
ETIKA NG PANANALIKSIK
2. Gumagawa ang mananaliksik ng
karampatang talaan ng mga hiniram niyang
idea at termino.
3. Nagbibigay siya ng karaniwang pagkilala sa
mga salitang kaniyang hiniram o ginamit para
sa kanyang pag-aaral.
ETIKA NG PANANALIKSIK
4. Hindi siya nagtatago ng mahalagang datos
upang mapaganda at mapalakas o
mapagtipabay ang nais niyang argumento o
kongklusyon. Hindi siya nagtatago ng datos
para maikiling niya ang kaniyang pag-aaral
sa isang pananaw.
ETIKA NG PANANALIKSIK
5. Mapaninindigan niya ang kongklusyon at
interpretasyon ng kaniyang pag-aaral dahil sa
maingat at masinop niyang pagkalap ng
datos.
ETIKA NG PANANALIKSIK
● Ang mananaliksik ay dapat umiwas sa
plagyarismo
● Hindi siya dapat magnakaw o
mangongopya ng datos, idea,
pangungusap, pag-aaral, buod, at iba pa.
ETIKA NG PANANALIKSIK
● Dapat ay nagbibigay siya ng karampatang
pagkilala sa pinagmulan ng kanyang datos
o pinagkunan ng impormasyon

You might also like