You are on page 1of 12

Introduksyon sa Pananaliksik

Layunin

 Mabibigyang kahulugan ang pananaliksik


 Matutukoy ang mga layunin ng oananaliksik
 Mailalarawan ang mga katangian ng pananaliksik
 Maipaliliwanag ang mga uri ng pananaliksik
Pananaliksik
 Ayon kay Good(1963) ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri
sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito
 Ayon kay Aquino(1974) ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanp sa mg
amahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
 Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang
isang particular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel & Mendel,
1976)
 Parel (1966) ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng
isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik
 E. Trece at J.W. Trece (1973) ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha
ng mga solusyon sa mga suliranin.
Calderon at Gonzales (1993)

 Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a


purposive, sytematic and scientific process of gathering, analysing,
classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a
problem, for prediction, for invention, for the discovery of the truth, or for
the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation
and improvement of the quality of human life.
Layunin ng Pananaliksik

 Ang panguniahing layunin ng pananaliksik ay angpreserbasyon at


pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao
Layuninng Pananaliksik(Calderon at Gonzales)

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinngil sa mga batid pang


phenomena
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng
mga umiiral na metodo at impormasyon
3. Mapgbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrument o
produkto
4. Makatuklas ng mga hindi pa makikilalang substance at elements
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substance o element
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik
8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
1. Sistematiko
2. Kontrolado
3. Empirikal
4. Mapanuri
5. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling
6. Gumagamit ng mga kwantetibo at Estadistikal na Metodo
7. Orihinal na akda
8. Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
9. Matiyaga at hindi minamadali
10. Pinagsisikpan
11. Nangangailangan ng tapang
12. Maingat sa pagtatala at pag-uulat
Mga uri ng Pananaliksi

 Inkwiri
 Layunin
 Pamamaraan
 Disenyo
Inkwiri

 Rasyonalistik – nagsisimula sa isang umiiral na teorya gamit ang pormal na


instrument ng pangangalap ng mga datos. Ang teorya ang tinatawag na
take-off points ng inkwiri. Isang mahalagang konsiderasyon ay mabalideyt
ang teorya nang may pagsasaalang –alang sa mga pala-palagay ng
teorya
 Naturalistik - pag-unawa sa pag-uugaling pantao
 Debelopmental gumagamit ng mga sistematikong teknik at pagpapakilala
ng inobasyon batay sa siyentipikong tuklas ng pananaliksik
Layunin

 Batayan – (puro o pundamental) malingng ang buong siyentipikong


kaalaman
 Aplayd - makatuklas ng mga sagot sa mg a suliraning pampananaliksik at
maiaplay ang mga iyon sa tiyak na sitwasyon
Metodo

 Kwantiteytib – obhetibong sukatin ang paksa ng pananaliksik gamit ang


matematika at estadestika
 Kwaliteytib – makakuha ng insayt ukol sa isang tiyak na paksa
 Magkahalo(mixed) – paggamit ng kwantiteytib at kwaliteytib na datos,
lapit, pamamaraan at paradigma
Disenyo

 Eksperimental
1. Purong eksperimental – makikilala sa tatlong bahagi –manipulasyon,
randomisasyon at control na madalas ginagamit sa eksperimentasyon
2. Kwasi-eksperimental – hindi pinili ng pa-random
 Di-eksperimental
1. Deskriptibo – inilalarawan ang katangian ng isang populasyon o penomenon
2. Historikal – nakaraang pangyayari, debelopment o karanasan
3. Korelasyon – relasyon ng dalawa o higit pang set ng datos
4. Ex post facto – ang inkwiri at nagsisimulamatapus maganap ang isang fact
5. Ebalwasyon – ginagamit upang matukoy kung ang isang programa ay epektibo
o hindi

You might also like