ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito. - Good (1963) Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. - Aquino (1974) Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. - Manuel at Medel (1976) Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. - Parel (1966) Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon. - E. Trece at J.W Trece (1973) Mga Katangian ng Pananaliksik 1. Ang pananaliksik ay sistematik 2. Ang pananaliksik ay kontrolado 3. Ang pananaliksik ay empirikal 4. Ang pananaliksik ay mapunuri 5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo 6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda 7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon 8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali 9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan 10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang 11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat Mga Katangian ng Mahusay Pananaliksik 1. Pagiging Orihinal 2. May Sistema 3. Obhektibo 4. Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon 5. Napapanahon at Naglalatag ng Solusyon Layunin ng Pananaliksik 1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na. 2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas. 3. Makadevelop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto. 4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento . 5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya, regulasyon batas o mga panuntunan. 6. Matugunan ang kuryositi, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik. 7. Madagdagan, mapalawak at maverifay ang mga kasalukuyang kaalaman.