You are on page 1of 2

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong


sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o
maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng
prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas
o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman
pa ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap
ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng
mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa
isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-
buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya
isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga
guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog
ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Kahulugan ng pananaliksik

May ibat ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananaliksik. Halos bawat awtor ay may kani-
kaniyang depinisyon sa terminong ito. Sa kabutihang-palad, bagamat may ibat ibang iniaalok
na depinisyon ang ibat ibang dalubhasa, kakikitaan naman ng mga komong elemento ang
kanilang mga depinisyon. Pansinin natin ang ilan sa mga ito na isinalin ng mga may-akda ng
aklat na ito sa filipino:

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga
pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at
lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa
isapangesensyal nagawain angpaghahanda ngkanyang ulat-pampananaliksik.

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon
upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (manuel at
medel: 1976).

Halos gay on din ang sinabi ni parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina e. Trece at j.w. trece (1973) na nagsasaad na
ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.
Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon
para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

You might also like