You are on page 1of 2

Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na

humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang


nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas
mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na
masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig
mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

De Guzman, Maria Odulio (1968). "Pananaliksik, manaliksik, research". The New Filipino-English / English-
Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy
na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.

si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik
ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga
pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay
mahaharap siya sa isapangesensyal nagawain – angpaghahanda ngkanyang ulat-
pampananaliksik.

Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o


imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece (1973) na
nagsasaad na ang pananaliksik… ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon
sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

 Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng


impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa
paraang siyentipiko.
 Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang sistematiko
at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
 Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado,
panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol
sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

You might also like