You are on page 1of 1

DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Kahulugang Ayon Sa Mga Awtor

DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Sa paksang ito, alamin natin ang depinisyon ng pananaliksik sa heneral
na kahulugan at ayon sa mga iba’t ibang awtor.

Alamin muna natin ang karaniwan na depinisyon.

Kahulugan

Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang problema o hadlang sa buhay ng isang
suliranin na nanailangan na bigyan ng solusyon.

Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Mga Awtor

Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa


pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa
solusyon nito.

Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa
mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin

Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para
masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.

Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay
mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.

E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng mga walang
katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para
mahulaan at makapaliwanag.

Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong
pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga
isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.

Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon,
at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

You might also like