You are on page 1of 2

Christine V.

Chavez OV III-3 BFE

Mga Kahulugan ng Pananaliksik


 Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena,
ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ito ay ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
 Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy
na suliranin tungo sa klarifikasyon at resolusyon nito.
 Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definasyon. Ayon sa
kaniya, ang pananalisik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hanggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
 Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyagaa, maingat, sistematiko,
mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
 Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o inbestigasyon
ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Kabuluhan ng Pananaliksik
- Gamit ang pagsasaliksik ng mga bagay, maaari mong malaman at higit na maunawaan ang
iyong sinsaliksik at maari ka ring makakalap ng mga bagong impormasyon. Ang kabuluhan
ng pananaliksik ay ang kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan lampas sa
saklaw ng larangang ito.

Mga Gamit ng Pananaliksik


1. Sa pang-araw-araw na gawain.
2. Sa akademikong gawain
3. Sa kalakal o business
4. Sa iba’t ibang institusyong panggobyerno

Mga Layunin ng Pananaliksik


1. Makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng phenomena.
2. Makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo
at impormasyon.
3. Mapagpabuti ng mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang mga sangkap at mga elemento.
5. Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang mga element.
6. Mapalawak ang mga umiiral na kaalaman.

Sources:
- https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Pananaliksik/255248
- https://www.academia.edu/39750090/
Kahulugan_katangian_layunin_at_gamit_ng_pananaliksik

You might also like