You are on page 1of 3

The National Center for Teacher

I. Layunin:

Sa loob ng 45-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika;
b. Nakapagbibigay ng mga halimbawang salita at;
c. Nakalilikha ng pangungusap gamit ang mga antas ng wika

II. Nilalaman
*Paksang Aralin: “Antas ng Wika”
*Kagamitan: Kartolina, Pangmarka, Envelop

1
Gawaing Guro

A. Paunang Gawain
1. Pagbati: The National Center for Teacher
Magandang hapon sa lahat!

Bago tayo magsimula sa ating diskusyon, tayo ay manalangin.

2. Pagganyak:
Sa loob ng kahon ay may mga pirasong papel na may iba’t ibang kulay. Bubunot ang
bawat isa at hahanapin ang mga kaklaseng may kapareha at bubuuin nila ang mga
pirasong ito upang makuha ang hinahanap na salita. Kapag nabuo na ay isisigaw ang
salita, ang unang pangkat na makagagawa nito ang siyang panalo.

B. Paglalahad

Ang paksang ating tatalakayin ngayong araw ay may kaugnayan sa ating ginawa
kanina.

Ito ay ang mga Antas ng Wika.

Pero bago tayo magsimula ay babasahin muna natin ang mga layunin para sa paksang
ito.

a. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika;


b. Nakapagbibigay ng mga halimbawang salita at;
c. Nakalilikha ng pangungusap gamit ang mga antas ng wika

C. Analisis/Pagtatalakay

Ang ating tatalakayin ay ang mga antas ng wika. Ang mga antas ng wika ay ang
madalas na ginagamit ng isang tao na may palatandaan kung anong uri ng tao siya at
kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.

Ang mga antas ng wika ay nahahati sa dalawang pangkat. Ito ay ang pormal at di-
pormal.

Pormal - ito ang antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.

 Pambansa - ang mga salitang ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin, at


sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at
pamahalaan.
Hal.: ina, ama, guro, palengke, pulis
 Pampanitikan - ito ay may piankamayamang uri. Ginagamit ang mga salita sa ibang
kahulugan. Matatayog, malalalim, at makukulay na mga salita. Mayaman sa
paggamit ng idyoma at tayutay. Ginagamit ng mga manunulat,makata at dalubhasa.
Hal: ilaw ng tahanan, nasiraan ng bait, malikot ang kamay, kapusod, bahaghari

Di-Pormal - ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, madalas


gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
2

 Lalawiganin - ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.


Hal.: bana, baybay, busay, bulan, bulawan
The National Center for Teacher

Bachelor in Filipino Education

Inihanda nina:

Bb. Bea Albiño

Bb. Rie Joyce P. Blanco

Bb. Christine V. Chavez

G. John Rey L. Mahilum

You might also like