You are on page 1of 1

PANANALIKSIK

Kahulugan,Layunin, Katangian at Uri

Kahulugan

• May iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananaliksik.

• Good (1963) - Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan
ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon nito.

• Aquino (1974) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

• Manuel at Medel (1976) - Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.

• Parel (1966) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay
sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

• E. Trece at J.W. Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

You might also like