You are on page 1of 2

Layunin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng


pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The
purpose of research is to serve man and the goal is the good life.

Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:

• Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.

Halimbawa:

Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa pamamagitan ng pananaliksik,


maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina.

• Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon

Halimbawa:

Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit
sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na
sa hinaharap.

• Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.

Halimbawa:

Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya,


napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng komputer, cell
phone, fax machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na pananaliksik sa larangan nabanggit,
higit sa sopistikado at episynte ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa hinaharap

• Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.

Halimbawa:

Dati-dati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga
ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).

• Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.

Halimbawa:

Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang mga negatibong epekto ng metemphetamine


hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbabawal na
gamot.

• Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at


iba pang larangan.

Hailmbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hyskul ay kulang sa
kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan
upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung
kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC.

• Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.

Halimbawa:

Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng
kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawg na incubator.

• Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

Halimbawa:

Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga


mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya nama’y
maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hingil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na
maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.

You might also like