You are on page 1of 4

Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat
at sistematikong paghahahanap ng mga esensyal na impormasyon o datos
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng
interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap
siya sa isa pang esensyal na gawain – ang paghahanda ng kanyang ulat-
pampananaliksik.

Pansinin natin ang ilan sa mga ito na isinalin ng mga may-akda ng aklat na ito
sa Filipino:

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong
inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa


kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng
impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang
datos ay mahaharap siya sa isapangesensyal nagawain – angpaghahanda
ngkanyang ulat-pampananaliksik.

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga


datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).

Halos gay on din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay
isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece
(1973) na nagsasaad na ang pananaliksik… ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang
pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin
ng prediksyon at eksplanasyon.

MGA URI NG PANANALIKSIK

1. EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK (Experimental Research) - ginagamitan ng


laboratoryo para tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga
datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at paksa.

2. PANANALIKSIK NA PALARAWAN (Descriptive Research) - pananaliksik at pag-


aaral ng kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang mga
mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga sarbey na
nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

3. PANGKASAYSAYANG PANANALIKSIK (Historical Research) - pag-aaral sa mga


bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa isang pangyayari sa
nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at sa mga
pangyayari na bumabalot dito.

4. MGA PAG-AARAL SA ISANG KASO (Case Studies) - usaping panghukuman na


naging lubhang kontrobersyal ang kalimitang pinag-aaralan dito. Inaalam dito
ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari.

Mga hakbang sa pananaliksik


1. Mga Hakbang sa Pananaliksik

2. Unang Hakbang- Pumili at maglimita ng paksa •Ang paksa ay dapat na


alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may
kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
3. Ikalawang Hakbang- Magsagawa ng pansamantalang balangkas. I.Ilahad
sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. II.Ilahad ang layunin.
III.Itala o ilista ang mga tanong. IV.Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.

4. Ikatlong Hakbang- Magtala ng sanggunian •Huwag takdaan ang bilang ng


maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong
sanggunian.

5. Ikaapat na Hakbang- Mangalap ng datos • Importante ang dating


kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na. •
Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian

6. Ikalimang Hakbang- Bumuo ng konseptong papel • Ginagawa kapag


sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. • Kasama rito ang balangkas/framework
ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.

7. Ikaanim na Hakbang- Gumawa ng dokumentasyon •Sinupin ang mga datos,


gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang
paggamit ng wastong pagbabantas.
8. Ikapitong Hakbang- Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

BAHAGI NG PANANALIKSIK
1.Pahina ng Pamagat
2.Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang Bahagi ng Kurso
3.Pagkilala, Pasasalamat at Paghahandog
4.Talaan ng Nilalaman
5.Talaan ng Talahanayan

KATAWAN NG PANANALIKSIK
Kabanata I. Ang Suliranin at Sandigan Nito
A.Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral
B.Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
C.Pagpapahayag ng Suliranin
D.Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
E.Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay
F.Saklaw at Delimitasyon
G.Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya
Kabanata II. Metodolohiya
A.Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral
B.Pamamaraan sa Pananaliksik
C.Pangongolekta ng Datos
D.Pag-aanalisa ng Datos
Kabanata III. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
TALAAN NG SANGGUNIAN
A.Mga Aklat
B.Mga Magasin
C.Mga Di-nalathalang Babasahin/Tesis at/o Disertasyon
D.Internet

MGA DAHONG DAGDAG O APENDIKS


a.Liham na Humihingi ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Pag-aaral
b.Talatanungan
c.Talaan ng mga Katanungan sa Pakikipanayam

You might also like