You are on page 1of 2

DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Kahulugang Ayon Sa Mga

Awtor
by Maestro Valle Rey
Date: July 15, 2019
Source: https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/

DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Kahulugang Ayon Sa Mga Awtor

DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Sa paksang ito, alamin natin ang depinisyon ng


pananaliksik sa heneral na kahulugan at ayon sa mga iba’t ibang awtor.

Alamin muna natin ang karaniwan na depinisyon.

Kahulugan
Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang problema o
hadlang sa buhay ng isang suliranin na nanailangan na bigyan ng solusyon.

Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Mga Awtor


 Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng
impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at
kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
 Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong
paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang
tiyak na paksa o suliranin
 Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng
impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa
paraang siyentipiko.
 Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang
bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang
nagsusuri o nananaliksik.
 E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga
sagot ng mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o
datos sa isang kontroladong kalagayan para mahulaan at makapaliwanag.
 Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang
sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw,
pag-aayos, pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o
impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang
palawakin sa mga limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng
tao.
 Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado,
panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol
sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

You might also like